015

355 19 0
                                    

"Reizel, ano gusto mong lutuin ko para sa tanghalian natin mamaya?" Tanong ni Sandra sa akin habang tumitingin siya ng maluluto niya sa ref.

Tuesday ngayon at wala naman kaming naka planong lakad kaya dito lang kami sa bahay, pupunta din kasi si Dave dito dahil siya lang daw ang na iwan sa condo nila gawa ng umalis daw sila Mark kasama si Mariz kahapon, kaya dito muna siya mag stay sa amin.

"Kahit ano nalang Sandra o kaya gusto mo pabilhin mo nalang si Dave ng pagkain natin para di kana mahirapan haha." Sabi ko sakanya na mukhang problemado kung anong lulutuin niya.

"Talaga? o sige." Sagot niya bago kunin ang phone para tawagan si Dave.

Makalipas ang ilang oras ay dumating na si Dave suot-suot ang backpack at may bitbit na dalawang paper bag, agad ko namang kinuha ang bitbit niya at pinatong sa lamesa mukhang galing sa initan at matinding lakaran 'tong si Dave, buti nalang at inabutan siya ni Sandra ng tubig pagkaupo niya sa sala.

"Ang hatdog niyo naman! ako pa inutusan niyong bumili ng pagkain pwede namang magpadeliver eh!" Reklamo ni Dave sabay tingin kay Sandra na nakatayo sa gilid niya.

"Oh, tingin tingin mo diyan." Masungit na sabi ni Sandra.

"Mas gusto ko pa luto mo kaysa bumili ng pagkain." Seryosong sagot ni Dave na nakatingin pa rin kay Sandra.

Harot.

"Ako talaga nagrequest na bumili nalang, mukha kasing problemado si Sandra sa pagiisip ng lulutuin eh." Singit ko para di na sila mauwi sa pikunan.

"K." Sabi ni Save at tumango bago tumayo.

"Sa'n ka matutulog?" Masungit na tanong ni Sandra pagkatayo ni Dave.

"Dito... Sa sala." Nagaalangang sagot ni Dave sabay tingin sa sofa.

"Don ka nalang sa kwarto ko matulog.." Mahinang sabi ni Sandra, turo niya sa kwarto niya.

Agad akong napaubo sa sinabi niya.

Pa'no ba naman magkatabi sila sa kwarto for the first time ah, mukhang napapa fall na ni Dave ang kanyang crushiewaps. Sana all talaga.

"Di nga? Sige patong ko na bag ko don ha?" Di makapaniwalang sabi ni Dave na tuwang-tuwang pumasok sa kwarto ni Sandra para ipatong ang bag niya.

"Sandra ikaw ahhhh," Pangaasar ko kay Sandra, inirapan niya lang ako at dumiretso sa dinning table para ayusin ang pagkain na pinabili namin kay Dave. Pagkalabas ni Dave ay kumain na din kami agad.

"Wala ba kayong plano umalis? " Tanong ni Dave habang kumakain.

"Wala nga.. Sana laging nalang may pasok matagal pa 4th term natin eh." Sabi ni Sandra.

"Wag naman lagi masyadong madaming plates, tsaka huling year na natin 'yon sa DLSU 'no." Dagdag ko.

"Edi magtitigan tayo niyan buong araw sa condo niyo?"Pabirong sabi ni Dave.

"Nood, Tulog, Kain period." Natatawa kong sabi. 

Pero may bigla akong naalala yung pinahiram nga pala na damit ni Nate sa'kin na di ko pa nababalik hanggang ngayon tatlong araw na ang nakakalipas.

"Hala potek!" Sabi ko sa sarili ko, napatakip ako bigla bibig ko nang maalala 'yon.

"Hoy anong problema?!" Nagtatakang tanong ni Sandra, pareho kasi silang napatigil ni Dave sa pagkain dahil sa akin.

"Di ko pa kasi nababalik yung damit ni Nate."  Sagot ko, agad naman nawala ang pagtataka ni Sandra nang marinig ang dahilan.

"Gago talaga 'to!" Natatawang sabi ni Dave sakin.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon