021

295 18 1
                                    


"Bagay ba sa akin?" Tanong ko kay Sandra habang hawak ko ang blue na rash guard.

"Rash guard talaga?" Natatawa niyang sabi, namimili din kasi siya ng pang swimming niya.

"Oo." Mabilis kong sagot.

"Halika, may nakita ako ditong swimsuit bagay sayo." Pag aaya niya sa'kin, agad ko naman siyang sinundan.

"Ito oh, bagay sayo. Wag rash guard, jusko naman!" Sabi ni sandra habang pinapakita sa'kin ang smocked yellow one piece na swimsuit.

"Baka umitim kase ako." Natatawa kong sabi sakanya.

"Bibili ka naman ng sunblock, Zel." Pagpupumilit niyang sabi.

Hindi ko na tinaggihan si Sandra minsan lang naman ako mag suot nito, kumuha na din ako ng white net pang cover up ko.

Si Sandra naman kumuha ng 2 piece swimsuit na maroon and white net kagaya nung akin.Pagkatapos namin makapili ay agad din kaming nagbayad.

"Saan tayo pagkatapos nito?" Tanong ko kay Sandra pagkatapos naming mag bayad.

"Miryenda tayo." Sagot niya sa akin.

"Libre ko na nakakahiya naman sa bebe ng pinsan ko e." Pagbibiro ko kay Sandra.

Pumunta kami ni Sandra sa isang kilalang pastry cafe dito sa mall kung saan kami namili, matagal na daw kasi niyang gustong ma try ang mga pastry dito kaya dito niya ako dinala.

"Miss, yung menu." Tawag ni Sandra sa waitress pag kaupo namin.

Kinakabahan na ako kay Sandra mukhang balak niyang order-in ang buong menu nang tignan niya ito.

"Ano po yung best seller niyong pastry dito, miss?" Tanong ko sa waitress na nakatayo sa harap namin.

" Yung mga pie po namin, ma'am." Nakangiting sagot niya sabay turo sa menu kung nasa'n nakalagay ang pagpipilian.

"Ah okay, Sandra nakapili kana?" Tanong ko naman kay Sandra na naka tingin sa menu.

"Yung buttery blueberry pie and yung drinks naman is iced chocolate." Sagot niya sabay sarado ng menu.

"Tapos, isang original apple pie at iced coffee." Dagdag ko.

"Yun lang po order niyo ma'am?" Tanong nang babae sa amin, agad naman akong tumango bilang sagot..

"Akala ko buong menu o-order-in mo haha." Natatawa kong sabi kay Sandra pagkaalis nung waitress.

"Di ko nga alam kung masarap e, at saka dapat mag diet tayo naka swimsuit pa naman tayo sa Thursday,Reizel." Sabi niya.

"Payat mo na kaya." Sabi ko.

"Kahit na baka may makita pa si Dave na mas sexy pa sa'kin."  Biglang sumeryoso si Sandra.

"Luh! hindi ganon si Dave, Sandra ikaw ang gusto niya simula nung una pa hanggang ngayon and for sure 'till the end." I said agad naman siyang napangiti sa sinabi ko.

Wala dapat siyang ipagalala kay Dave, hindi 'yon katulad ng ibang lalaki loyal ata yang pinsan ko.

"Hmm..Ang sarap pala talaga nung pie nila." Sabi ko pagkatikim ko ng pie.

"Ito tikman mo masarap din." Alok ni Sandra.

Tama nga si Sandra masarap ang inorder niyang pie mas masarap nga lang yung kanya.

"Miss, yung bill." Tawag ko sa waitress na nag asikaso sa'min kanina, tapos na kasi kaming kumain ni Sandra kaya magbabayad na kami para makauwi na din kami. Mabilis naiabot ng babae ang bill namin.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon