05

474 24 7
                                    


Habang naka upo ako ay nag check nalang muna ako ng Instagram account ko, tama nga si Lei trending ang bar niya, halos lahat ng nag tag sa bar niya ay mga kilalang tao, mapa model, artista, businessman at singer. Tinignan ko din ang mga recent story ng mga kaibigan ko.

Nag my day si Sandra ng picture naming mag-kakaibigan na ang caption ay "Homies since 05" ganon din si Aleckza, Lianna at Mariz, samatalang sila Dave, Neon at Mark ay picture nila kasama si Mariz, Anjela at sandra na nakatag ang bar ni Lei.

Habang si Lei ay mga picture kasama ang mga bisita at shinare ang mga tag sakanya sa IG story.

Agad akong nag upload ng mga picture namin sa Instagram at nag my day dahil ako nalang ang pala ang walang picture na naka post sa Instagram ti-nag ko na din si Lei at ang bar niya para mas lalong makilala, marami rami din akong kilalang influencer pero hindi ko ganon ka close.

"Yeah, just having a walk near the bar......Just call me later, Ced,bye." Sabi ng lalaking di pamilyar na palapit sa upuan ko habang may kausap sa phone.

"Miss?" Nahihiyang sabi nung lalaking may kausap sa phone kanina.

"Yes?" Maikling sagot ko sakanya.

"May kasama ka ba?" Tanong niya sa akin na hiyang hiya padin.

"Uhm....Wala akong ka date eh." Sagot ko sakanya.

"What I mean is vacant ba 'tong upuan na nasa tabi mo Miss hahahha," Sabi niya sa'kin na nagpipigil ng tawa.

"Ahh..Oo, sorry po." Bigla akong nahiya sa sinabi ko sakanya kanina.

Ano ka ba Reizel huhu,

"Okay, thanks miss." Sagot niya bago umupo sa tabi ko.

Naka suot siya ng black specs , naka formal attire na black long sleeve polo na naka tupi hanggang sa siko niya at naka tuck in sa black slacks niya and amoy na amoy ang mamahaling pabango niya, siguro may party din siya na pinuntahan. 

To be honest ang gwapo niya ah and mukhang rich kid.

Tahimik lang kami na nakaupo habang siya busy maglaro ng ML sa phone niya, habang ako naman nag scroll lang sa twitter. Nabasag lang ang katahimikan naming dalawa nang mag salita siya.

"What"s your name?" Tanong niya sa'kin habang seryosong naglalaro ng online game.

"Ah ako?" Nagaalanganin kong tanong ko sakanya.

"Ay hindi yung puno. No I'm asking your name...Miss" Pabirong sabi nya ,patuloy pa din na naglalaro sa phone niya.

"Reizel Catelyn Cruz." Nahihiyang sagot ko.

"What a nice name, Reizel." Sabi niya sa akin.

"How about you?" Maikling tanong ko sakanya.

"Hulaan mo, joke." Pabirong sabi niya sa akin.

Para akong may kasama na Mark, Dave at Neon na pinag isa lang , ang sarap niyang hampasin kaso di ko siya kilala.

"Nate Zamuel Garcia." Seryosong sabi niya sakin bago niya ako lingunin at mukhang tapos na siya maglaro.

"Sosyal naman ng pangalan."Pabulong kong sabi, pero mukhang narinig niya ang sinabi ko.

"I know," Sabi niya sakin sabay ngiti.

"Bakit ikaw lang mag isa?" Tanong niya sa akin.

"Ah nasa bar sila eh, medyo na bored ako kaya lumabas muna ako." Pagpapaliwanag ko.

"Really? pareho pala tayo." Nakangiti niyang sabi.

"Nasa bar din ang mga kaibigan mo?" Tanong ko sakanya.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon