013

319 20 1
                                    

"Wait na saan ako?" Kinakabahang tanong ko sa sarili ko pagkagising ko, napaupo ako kaagad sa kama at sinapo ang ulo ko dahil sa sobrang hilo.

Napansin kong hindi ito ang condo namin ni Sandra, dahil dark brown theme ang malawak na kwarto at halos lahat ng nasa paligid ay pang lalaki pati na din ang amoy mukhang pang mamahalin na pabango.

"Hala gago?! Okay, Reizel relax." Sabi ko sa sarili ko nang makitang naka suot ako ng grey ovesized t-shirt at dark blue pajama.

Tumayo nako sa kama at niligpit ito ng maayos at dumiretso sa C.R  na nasa loob ng bedroom. Pagkatapos kong mag C.R ay lumabas na ako ng kwarto habang naglalakad sa small hallway papuntang sala na pansin ko ang ganda ng pagkaka interior design ng condo halos lahat ay dark brown ang theme, kitang kita rin ang linis ng condo niya.

Pagkarating ko sa dinning area agad kong nakita si Nate na naka white t-shirt at naka pajama din suot suot ang specs niya at kumakain ng breakfast habang nag scroll sa ipad na nasa gilid niya.

"Hey Goodmorning, good thing gising ka na kakaluto ko lang nang breakfast eh." Sabi niya sa'kin nang mapansin niyang palapit na ako, agad niya akong nilingon and gave me a smile.

"Uhm... Goodmorning din, dapat di kana nag abala pa mag luto ng breakfast, kailangan ko na din kasi umalis baka hinahanap na'ko nila Sandra." Nahihiyang pagpapaliwanag kong sabi sakanya, tinaasan niya ako bigla ng kilay.

"You were drunk last night, tapos gigising ka may headache tas' di ka kakain, Catelyn." Mahinahon niyang sermon sa'kin, agad kong naalala na med student nga pala siya kaya ganyan siya.

Jusko, Reizel ito pa nakatapat mo atsaka bakit Catelyn tawag niya sakin ayos 'to ah!

"And don't worry alam nila na nasa akin ka." Dagdag niya bago ipagpatuloy ang pagkain niya.

"Uhm, pwede ba mag tanong curious lang ako, ikaw ba nagpalit ng suot ko? " Nagaalangan kong tanong sakanya sabay hawak sa damit na suot ko.

"I guess you don't remember na ikaw nag palit niyan kasi nasukahan mo yung sarili mong damit nung nag C.R ka kagabi." He explained at halatang pinipigilan niya ang pagtawa dahil sa tanong ko.

"Okay, thank you nga pala for taking care of me habang lasing ako kagabi." I said and gave him a smile bago magsimulang kumain.

"You're welcome." Mahinang sagot niya.

Nang matapos kami kumain agad ko siyang inunahan sa kusina para ako ang maghugas ng pinagkainan namin nakakahiya kasi, siya na nga nagasikaso sa'kin nung lasing ako eh. Para pambawi lang, agad din naman siyang pumayag kaya iniwan niya ako don at umupo sa sala para manood.

Pagkatapos kong maghugas ay dumiretso ako sa sala kung nasa'n siya.

"Nate, yung dress ko pala?" Tanong ko sakanya habang nanonood siya ng Netflix series.

"Oh about that dress... Pina laundry ko muna, you know sinukahan mo eh." Natatawang sagot ni Nate sa akin habang nanonood pa din siya.

"Eh?!potek" Nagaalalang sabi ko sakanya.

Like WTF?! uuwi akong nakaganito.

"Ang cute mo pag nagaalala, just kidding." He teased me while looking at my reaction.

" Wag kang mag alala may damit akong ipapahiram sayo, Catelyn." Dagdag niya bago tumayo.

"Kagabi mo pa ako tinatawag na Catelyn, napansin ko lang ah." Sabi ko sakanya.

"Wala ang cute kasi ng pangalan mo eh kahit yung first name mo." Sabi niya habang naka tingin sa'kin, nilapitan niya ako at pinisil ang pisgi ko bago pumunta ng kwarto niya sabay tawa ng malakas.

"Ouchhh!!" Sigaw ko sakanya.

Gago bakit niya pinisil yung pisgi ko grrr.

"Sorry ang cute mo kasi eh." Natatawang sabi niya na nasa kwarto.

Umupo muna ako sa sofa niya at pinanood ang sci-fi series na pinapanood niya. Maya-maya lang ay tumayo ako para tignan ang mga pictures na naka display sa paligid ng mini sala niya na kanina ko pa nakikita.

Pinagmasdan ko picture ni Nate kasama ang kapatid niyang si Jaiden at may mga solo picture din siya kung saan naka formal attire siya ang gwapo talaga niya.

"Sige, tingin pa po kayo Ma'am." Pangaasar ni Nate, agad naman akong napalingon sakanya at nakitang may hawak siyang damit. Nilapitan niya ako at sinabayan sa pag tingin ng mga pictures na naka display.

"Ow, ayun pala family picture namin." Turo niya sa picture na nasa kabilang shelf.

Pumunta ako kaagad sa shelf na tinuro niya at nakita na mukhang recent pictures ang naka display doon, at nakita ang family picture nila.

"Dalawa lang kayong mag kapatid ni Jaiden?" Tanong ko sakanya at hinaharap siya.

"Yeah." Maikling sagot niya,habang nakatingin sa dalawa pang picture na nasa gitna kung saan may kasama silang isang babae at meron din parang group picture.

"Girlfriend mo?" Tanong ko sakanya sabay turo sa babaeng maganda na naka black lapel coat na kasama niya, mukhang kuha 'yon sa malamig na lugar dahil sa porma nilang dalawa.

"Wtf?! hahaha that's Ally closest cousin namin ni Jaiden." Natatawa niyang sagot sakin.

"Ay sorry akala ko lang." Gulat kong sabi.

"Siya yung kausap mo sa call kagabi diba?" Nagtatakang tanong ko sakanya, bigla ko kasing naalala na nag 'i love you' siya sa kausap niya na ang pangalan ay Ally kaya akala ko girlfriend niya.

"Yeah... Are you jealous?" Pabiro niyang sabi while watching my reaction.

"Huh hindi 'no.." Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Btw bago ko makalimutang ia-bot sayo.. ito muna ang suotin mo." He gave me a black jeans and white off shoulder croptop and a towel.

"Naiwan ni Ally na damit 'yan sa cabinet ko, she have a lot of clothes nung pumunta siya dito kaya naiwan niya, kaya ito nalang gamitin mo, Reizel Catelyn." Pagpapaliwanag niya sa'kin sabay kindat bago umupo ulit sa sofa at i-pagpatuloy ang panonood niya.

Dumiretso na ako sa bathroom niya at naligo sinuot ko ang pinahiram niyang damit sa'kin good thing nagkasya naman sa'kin siguro mas payat sa akin yung pinsan niya, nag lagay na din ako ng konting makeup at pabango, pagkatapos ay naghanap ako ng paper bag para paglagyan ng damit na ginamit ko para malabhan ko paguwi nakakahiya kasi sakanya.

"Are you done?" Tanong niya sa'kin, mukhang inaantay niya ako, bagong ligo at nakabihis din siya tulad ko siguro may lakad to , doon siya naligo sa bathroom na malapit sa isa pang kwarto sa hallway.

 Hala nakakahiya bat don pa'ko sa kwarto niya naligo.

"Ah okay na;ko, may lakad ka?" Pabalik kong tanong sakanya.

"Oo, ihahatid ka o gusto mong mag commute mag isa?" Pagbibiro niya.

"Bakit ang seryoso mo pag kasama sila Neon? Tapos pag ako lang lakas mong mang trip?" Nakataas kong kilay na sabi sakanya at agad ko din siyang tinawanan nang mapansin sumeryoso siya.

"I don't know, I feel comfortable kapag kausap ka lalo na nung una meet natin sa park." Sabi niya and gave me a small smile.

"Let's go?" Pag aya niya sabay kuha ng susi sa coffee table niya.

Katulad kagabi sa shotgun seat ulit ako umupo, pinalamig muna ni Nate ang sasakyan niya bago kami umalis.

"Pwede kang matulog if you want," Sabi niya habang nagmamaneho, napansin siguro niya na naghikab ako.

"Hindi na baka di mo kabisado daan sa condo ko." Sabi ko, habang nakatingin sa bintana.

"Sinabi ni Neon sa'kin yung way papunta sa condo niyo and nasa tabi-tabi lang ng DLSU 'yon haha," Natatawa niyang sabi sakin.

"Ah ganon ba," Nahihiya kong sabi.

Pagkatapos namin mag usap ay nabalot na kami ng katahimikan, medyo traffic ang mga dinaanan namin pero may mga pinasukan siyang shortcut, kaya mabilis kaming nakalagpas sa traffic, malapit lapit na din kami sa DLSU.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon