08

369 20 1
                                    

Pagka alis nila ay agad akong tinabihan nila Mariz at tinignan. Alam ko na ang ibig sabihin ng mga tingin nila sa akin,pero diko nalang sila pinansin dahil niyaya ko nalang sila kumain ng breakfast at doon mag explain.

Sandali lang bakit nga ba ako kailangan mag explain? kita naman nilang nasugatan ako ,pero dahil ma issue ang mga kaibigan ko kailangan kong linawin lahat ng iyon hayst.

Kumain kami sa isa sa mga sikat na restaurant dito sa Diliman. Madami kaming inorder dahil pare-pareho kami na wala pang almusal, habang hinihintay namin na dumating ang mga pagkain ay nag simula na silang mag tanong tungkol kanina.

"So ano nga?" Pangungulit ni Sandra.

"Oo nga! Ano 'yon at paano mo nakilala 'yong dalawang 'yon, Zel?" Dagdag ni Mariz.

"Bat' di mo sinabi na may iba ka pa lang kakilala sa UP bukod kila Neon?"Pabirong tanong ni Dave.

"Ngayon lang kayo nakakita ng taga UP?seriously?" Seryosong sabi ni Mark sabay cross-armed.

Medyo natatawa ako sakanila dahil sa mga tanong nila, pero sinagot ko pa din sila para matahimik na ang mga ito.

"Okay, so si Nate at Cedric nakilala ko sa bar ni Lei nung lumabas ako para magpahangin and ayun nagkaroon ng small talk." Natatawang paliwanag ko sakanila,

"Tapos?" Singit ni Sandra.

"Si Nate daw is family friend nila Neon tas kakilala niya din si Lei dahil school mate sila and business relate din. Iyon lang naman ang alam ko eh."Pagdugtong ko.

"Okay,pero tbh bhie ang gwapo ni Cedric lalo na yung Nate." Nakakalokong sabi ni Mariz, agad naman siyang inilingan at inirapan ni Mark.

"Mala Neon at Mark ang dating nung dalawang 'yon pansin ko lang." Singit ni Sandra.

"Mukha nga rin silang mayayaman, the way they talk medyo conyo nga tunog eh," Pabirong sabi ni Dave.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami ng umuwi dahil may pupuntahan pa daw si Mark mamayang hapon.

Naisipan namin ni Sandra na mag general cleaning sa condo upang may mapagkabusihan kami, dahil gawa nang wala na kaming plate na ginagawa or any school works, nag ayos kami ng kanya-kanya naming mga kwarto.

Nilinis ko ang study table ko at inipon lahat ng plates ko sa isang kahon para pag kinailangan ay madaling hanapin ,nag tiklop din ako ng mga bagong laundry na damit ko at sinalansan sa damitan ko.'Yon lang naman ang nilinis ko sa kwarto dahil lagi naman akong nag aayos dito bago ako pumasok sa school.

Sinilip ko saglit si Sandra sa kwarto niya at nakita kong napuno niya ang basurahan niya ng mga crumpled paper na puro sketch niya ang nakalagay at nag palit din siya ng kurtina mas maraming kailangang linisin sa kwarto ni Sandra dahil minsan ay wala siyang time para maglinis dahil maraming plate na ginagawa noon, mabuti nalang ay nasa dulo na kami ng school break.

Hinayaan ko na si Sandra mag linis ng kwarto niya kaya agad akong humiga sa kama ko pagkatapos kong maligo,nanood nalang ako ng kdrama sa laptop ko habang abala padin si Sandra sa kwarto niya.

I didn't notice na nakatulog pala ako nagising ako ng around 7pm, tapos na yung pinapanood ko, and I also saw Sandra na natutulog sa tabi ko maybe she's already done cleaning her room, di ko nalang siya ginising para sabayan ako kumain ,mukhang kakatulog lang din niya.

Agad akong pumunta sa ref to look some food that I can eat ,good thing may mga leftover kaming ulam ni Sandra and may kanin pa sa mesa, I also decided na ipagpatuloy ang panonood ng series na hindi ko pa tapos habang kumakain. Maya-maya lang ay nagising na din si Sandra pero dumiretso siya sa sofa para panoorin ang pinapanood ko.

"Nag dinner kana ba, dra?" Tanong ko kay Sandra na nanonood ng tahimik.

"Yep, tagal kong nag linis sa kwarto daming alikabok don sa likod ng kama ko."Natatawang kwento ni Sandra sa akin.

I was about to talk to Sandra pero biglang may nag po-pop sa phone ko kaya agad kong kinuha ang phone ko.

Notification🔔

FROM:

Mommy: Hello anak,musta kana?
Mommy: tapos na ba final exam niyo ngayong semester Reizel?
Mommy: We miss you anak😘

Napangiti ako kaagad nang makita na nag message sa akin si Mommy,matagal tagal na kasi kaming di nakakapag usap I think last last week pa yung huli naming video call. Everyday I always think about my parents kung okay lang ba sila kaya minsan ay tumatawag ako bigla sakanila kahit alanganing oras na.

TO:

Reizel:Okay lang naman po ako mommy, kakatapos lang po ng exam namin nung nakaraang araw medyo nahirapan po ako sa ibang tanong sa exam haha.

Reizel:Kamusta na po kayo ni Daddy diyan sa LA? miss na miss ko na po kayo.

Pagkatapos kong mag send ng message kay mommy, ay nag ligpit muna ako ng pinagkainan ko habang si Sandra naghahanap ng maluluto sa ref.

FROM:

Mommy: kayang kaya mong sagutin yang nasa exam mo nak mana ka sakin eh beauty and brain.

Natawa ako ng mabasa ang message ni Mommy sa'kin, well ganyan naman si Mommy puro sakanya ko daw nakuha ang talino samantalang kay Daddy naman ang ugali.

Mommy: we are fine reizel, don't worry so much about us, me and your dad will call you soon busy pa kasI kami sa trabaho.. i love you so much anak❤️.

TO:

Reizel: I love you more mommy💓.

Nagtatrabaho kasi bilang Nurse si Mommy sa isang hospital sa LA while si Daddy sa Engineering company kaya siya ang mas busy sa kanilang dalawa dahil madami dami daw alok na project at tinataggap naman daw 'yon ni Daddy.

Kaya I choose Architect para may partner si Daddy. I really appreciate my parents dahil napaka hardworking nila para lang buhayin ako kaya I promise to myself na I will make my parents proud at magiging worth it lahat ng hardwork na ginawa nila para sa'kin kahit di ko sila kasama sa pag laki ko.

"Soon." Pabulong kong sabi sa sarili ko, bago pumasok sa kwarto,medyo nakaramdam nako ng antok muli kaya nag paalam na ako kay Sandra na kumakain na ngayon.

"Goodnight,Sandra" Sabi ko kay Sandra, bago ako dumiretso sa kwarto.

"Sweet dreams! "Sigaw niya sakin nang papasok nako sa kwarto.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon