"Nako ito nalang ilagay mong shade." Pakikipagtalo ni Sandra sa akin.
Hindi daw kasi maganda yung shade nung lipstick ko ngayon kaya pinagpipilitan niya yung mapulang shade para daw hot tignan.
"Ayoko niyan Sandra!"
"Panget patay nung kulay, Reizel." Natatawa niyang sabi.
"Okay na 'yan ano kaba!" Pakikipagtalo ko.
"Diba birthday party ang pupuntahan mo hindi lamay?"Pagbibiro niya bago niya alisin yung lipstick ko at ilagay yung bagong shade na gusto niya para sa akin.
"Happy?" Natatawa kong tanong kay Sandra pagkatapos niya ilagay.
Agad naman siya nag thumbs up at ngumiti sa akin bago siya lumabas ng kwarto ko, magpapalit na kasi ako ng damit na susuotin ko sa party.
"May kailangan ka pa? " Tanong ni Sandra na nasa labas lang.
"Wala na." Sagot ko sakanya habang nagbibihis ako.
Notification🔔
@NateGarcia02: I'll pick you up around 7pm.
@NateGarcia02: Wag ka mag white dress joke hahaha.Nagmessage sa akin si Nate pagkatapos kong magbihis, malapit na pala niya akong sunduin 6:30 na kase buti nalang maaga ako nag ayos.
"Yan! sabi na nga ba bagay sayo yung damit na pinili ko and yung shade na pinaglalaban ko kanina." Sabi ni Sandra nang makita akong lumabas sa kwarto ko, nanonood kasi siya sa sala.
Naka dark blue V-neck dress ako, white heels at may dala rin akong white sling bag, nilugay ko nalang ang buhok ko dahil ang sabi ni Sandra ay mas bagay daw 'yon.
"Sobrang pula naman ata nung labi ko, Sandra." Sabi ko kay Sandra habang tinitignan ko ang itsura ko sa salamin.
"Hindi, tama lang, Zel." Sabi ni Sandra na nasa likod ko nakangiti.
"Tapos kana ba mag ayos?" Tanong ni Sandra.
"Oo, pero kabado ako magagawan ba yun ng paraan?" Pabiro kong sabi sakanya.
"Kaya mo 'yan, na kaya nga namin ni Dave yung mga ganyang sitwasyon kayo pa kaya ni Nate."
"Iba kasi yung sainyo. Family of doctors ang parents niya for sure mataas expectation no'n." Sabi ko yun kasi ang dahilan kung bakit ko kinakabahan ako.
"Nako. Pag sinabi mong dean's lister ka sa DLSU Architecture, sure ako pasok kana sa expectation no'n haha." Sabi ni Sandra.
"Pero teka, kailan mo ba balak na sagutin si Nate?" Tanong niya sa akin.
Hindi ko nasagot ang tanong ni Sandra dahil may nag doorbell bigla, kaya agad binuksan ni Sandra ang pinto.
"Hello, Sandra." Bati ni Nate.
"Ay, hello din." Bati naman sakanya ni Sandra.
"Pasok ka," Dagdag ni Sandra.
Naka black semi-formal na suit si Nate at suot niya din ang black specs niya.
"Nate." Sabi ko habang naglalakad palapit si Nate sa akin.
Napatitig si Nate sa akin, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Okay kana ba?" Tanong niya habang nakatitig sa akin.
Ganda ko ba?
"Oo, sakto lang yung dating mo kakatapos ko lang din mag ayos." Sabi ko.
"Sandra, alis na kami." Pagpapaalam ko kay Sandra na nakaupo na ulit sa sala.
"Sige, Zel, ingat kayo ah." Sabi ni Sandra bago kami lumabas ni Nate.
BINABASA MO ANG
Healing Art Of Love (SLS #1)
Teen FictionSOLASTA LEAL SERIES #1 Reizel Cruz, a student from DLSU architecture, is known for being supportive to her friends, intelligent, and most of all lovable girl. Until she met a med student, Nate Zamuel Garcia who studied in UP, who came from a family...