016

309 22 1
                                    

"Okay....Lucky day." Pabulong niyang sabi pero rinig ko ang masaya niyang pagkakasabi.

"Sana all lucky day." Pagbibiro ko sakanya.

"Can you come with me?" Medyo nahihiya niyang tanong sa'kin.

"Huh? Saan?"Gulat kong tanong.

"Date kita." Sabay kindat sa akin.

"Wow date, baka may mag selos sa paligid." Natatawa kong sabi.

Eh baka lang, malay mo 'no crush pala ng ibang taga UP 'to o di kaya may girlfriend.

"Sino naman magseselos? si Ally? Cedric?" Natatawa niyang sabi.

"Baka lang, pero sige halika na nga," Sayang libre eh tsaka mag c-celebrate din siguro siya na nasagot niya yung exam ng maayos, ganon kasi kami nila Sandra eh.

"Akala ko ayaw mo." Sabi niya habang naglalakad kami papuntang parking area kung na saan nakaparada ang sasakyan niya.

"Wala din naman akong gagawin sa bahay school break na din kami eh." Pag kwento ko sakanya.

"Bored." Maikling sabi niya bago kami sumakay sa sasakyan niya.

"So saan tayo pupunta?" Pangungulit kong tanong sakanya nang magsimula na niyang paandarin ang sasakyan paalis.

"Secret." He chuckled.

"Foodtrip masaya, Zamuel." Sabi ko mukha akong batang humihiling ng gusto sa magulang ko.

"So tawagan natin is yung second name?" Natatawa niyang sabi.

"Okay,di ka nagreklamo, Catelyn." He emphasized my second name while laughing

"Bahala ka Zamuel." Pagganti ko.

Hindi ko na kinausap si Nate habang nag d-drive siya at baka maistorbo ko pa, pero di niya pa din sinasabi kung saan niya ako dadalhin.

Nako baka kidnap na 'to ha!

Matapos ang mahigit isang oras na byahe namin ay medyo naging pamilyar sa akin ang lugar  na pupuntahan namin ni Nate ngayon.

"Dito tayo?" Tanong ko sakanya na mukhang naghahanap ng mapaparkingan.

"Yeah, maraming choices dito pero ikaw yung pinili ko."He glanced at me.

"Banat pa nga." Pagpaparinig ko, pero ramdam kong nag init ang pisgi ko sa sinabi niya. 

First time may bumanat sa'kin ah wala akong ganyan nung highschool.

"You are blushing." Sabi niya habang naghahanap ng parking.

"Eh blush on 'yon 'no." Pagkakaila ko.

Bago kami bumaba ng sasakyan ay nag spray muna siya ng pabango niya mamahalin ang pabango niya, samantalang ako naman ay nag lagay ng konting liptint at nag messy bun dahil medyo mainit init pa sa labas kaya nag-ipit ako.

"Nagpaganda pa nga." Pagpaparinig niya habang inaayos ang buhok niya.

"Talaga,baka may pogi akong makasalubong." Pagbibiro kong sabi.

Syempre joke lang 'yon, gwapo na nga yung kasama ko eh kaso di ako type ouch. Teka bat' ako kinikilig.

"Haggang baka ka lang pala, ako paniguradong may magandang lalapit sa akin." Pagmamayabang niya bago kami lumabas ng sasakyan.

Naglakad kami papasok sa Mall of Asia dahil don malapit ang pinag parkingan ni Nate Pagkapasok namin sa loob ay nag ikot-ikot muna kami doon, pareho kasi kami ni Nate na busog pa nag lunch daw siya sa canteen nila ako naman kumain kasama sila Sandra kanina.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon