Nauna ng pumasok si Sandra ,dahil ang sabi niya ay magkikita daw sila ng kapatid niya dahil may pinapaabot daw si tita sakanya. 8am na ako nagising sakto at bago makaalis si Sandra kaya naman nakapagpaalam pa siya sa akin.
Kinain ko ang hinandang almusal ni Sandra para sa'kin, habang nirerecall ko ang mga ni-review ko good thing naalala ko pa. Pagkatapos ko kumain at maghugas ng pinagkainanan ko ay agad na akong naligo kahit maaga pa dahil mamayang 11am pa ang exam namin ,pero ang usapan namin ni Sandra ay magkikita kami sa bench ng school.
Nagsuot lang ako ng white croptop ,black riped jeans at strapped sandals at black tote bag nalang ang dinala ko dahil puro paper work lang ang ilalagay ko don ibabalik na kasi ang mga papers namin dahil recorded na 'yon.
Pagkatapos kong mag-ayos ay umalis na din ako kaagad para dumaan sa mini mart na malapit sa school para bumili ng candy yun kasi ang ginagawa ko pag may exam gusto kong may mangunguya habang nagtatake.
"Reizel." Tawag sa akin ni Sandra na naka upo sa bench, nakita niya kasi akong naglalakad sa hallway.
"Tagal mo ah." Kumento niya sa akin.
"May binili lang ako.Excuse me? late lang ako ng isang minuto, Sandra." Pagtataray ko sakanya,dahilan para matawa siya. Agad kaming pumunta sa room at nakitang nakaupo na ang mga kaklase namin ang iba ay mukhang kabado, meron din nagrereview. Pagkaupo namin ni Sandra ay nagreview nalang kami dahil may 30mins pa bago mag start.
"Zel, i-review mo'ko hahhaha." Pangungulit ni Sandra.
"Kaka-review ko lang sayo, wag ka na masyadong kabahan at baka wala ka na masagot." Sabi ko habang natatawa sakanya,inabutan ko nalang siya ng candy para mawala ang kaba niya.
Goodluck class-A on answering your final semester exam, remember do your best.
Halos dalawang oras kaming nag sagot ng exam dahil may computation at sketch na pinagawa,nauna akong nakapagpasa kaysa kay Sandra dahil mayroon pa daw siyang dalawang hindi pa nasasagutan kaya hinintay ko nalang siya sa tapat ng classroom namin.
"Reizel, nahirapan ka ba sa exam?" Tanong nung mga ka blockmate ko.
"Medyo, lalo na sa computation need ko talagang i-double check 'yon eh." Sagot ko sakanila at binigyan ng maliit na ngiti.
"Ganon din ako haha, tas yung sketch nakalimutan ko na." Singit ni Franchezca na nasa gilid.
"Sana lang di tayo bagsak." Sabi nung isa kong blockmate.
"Sige Reizel, una na kami ah." Pagpapaalam ni Franchezca bago bumeso sa'kin.
Pagka alis nila Franchezca ay saktong kakalabas lang ni Sandra, nakangiting naglalakad papunta sakin.
"Sa wakas natapos din ako." Masayang sabi ni Sandra sakin.
"kabado ka kase kanina kaya di mo na sagutan ng maayos sandra"pangaasar ko sakanya.
"sorry kabado ako e, atleast nakapagisip ako kahit last minute na"pagpapaliwanag niya sabay irap sakin,agad akong tumawa sa sinabi niya.
Habang naglalakad kami ay biglang nag may nagnotify sa phone ko, kaya agad kong kinuha ang phone ko sa bag ko,dahilan para tumigil kami sa paglalakad ni sandra.
Notification🔔
@itsdavestro: Reizel diretso kayo sa condo namin.
Nagtaka kami bigla ni Sandra kung bakit kami pinapapunta ng pinsan ko sa condo nila Mark.
"Bakit daw?" Nagtatakang tanong ni Sandra.
BINABASA MO ANG
Healing Art Of Love (SLS #1)
Teen FictionSOLASTA LEAL SERIES #1 Reizel Cruz, a student from DLSU architecture, is known for being supportive to her friends, intelligent, and most of all lovable girl. Until she met a med student, Nate Zamuel Garcia who studied in UP, who came from a family...