028

300 16 0
                                    

"Sasama ka, Reizel?"  Tanong ni Ally habang nakahiga siya.

kakagising lang kasi naming dalawa mas nauna lang siyang nagising.

"Hindi" Sagot ko.

Mas gusto ko kasing maglakad lakad sa beach and mag swimming.

"Same, nakapunta na ako doon e." Sabi niya sabay kuha ng phone sa ilalim ng unan niya.

"Ako nalang magsasabi kila Neon na hindi tayo sasama." Dagdag niya and gave me a smile.

Bumangon na'ko para mag shower and mag palit ng damit sinuot ko ang white two piece ko and maong short na pinatungan ko ng cover up na white. Si Ally naman ay natulog ulit mamaya nalang daw siya lalabas.

"Po-" Muntik na ako mapamura nang makita si Nate na nakatayo sa harap ng pintuan namin kakatok sana siya nang buksan ko ang pinto.

"Goodmorning I guess?" Sabi niya sa akin habang nakatawa sa reaksyon ko.

Bakit siya nandito? hindi siya sumama kila Neon?

"Bakit ka nandito?" Nagtataka kong tanong sakanya dahil sa gumugulo sa isipan ko.

"Hindi.... hindi ako sumama." He said and gave me cute smile.

"Tapos bakit ka nag punta dito?" Sunod kong tanong sakanya.

"Mangugulo sa inyong dalawa ni Ally" Sabay kindat sa akin .

"Ikaw san ka pupunta?"Pagbalik niya ng tanong.

"Lalabas, ikot-ikot lang diyan sa labas." Sabi ko sabay tingin sa likod niya kung na saan ang dagat.

"Papasok ka ba sa loob?" Tanong ko sakanya.

Pumasok siya sa loob at hinila ang ako papasok.

"Hintayin mo'ko, Catelyn, check ko lang si Ally." He said sabay bitaw sa kamay ko.

Umupo muna ako sa kama ko para hintayin siya.

Nilapitan niya si Ally at niyakap patalikod habang natutulog ng mahimbing ang pinsan niya, pagkatapos no'n ay binigyan niya ng soft kiss ang pinsan niya sa pisngi bago tumayo.

Ang sweet naman niya sa pinsan niya para talaga silang mag kapatid ni Ally.

"Tara na?" Sabi niya sa akin, sumunod naman ako sakanya.

"Mamaya pa gigising si Ally Puyaters 'yon." He said nang makalabas kami ng kwarto.

"Himbing nga ng tulog e hahaha." Sabi ko habang dahan dahan kong sinasarado ang pinto.

"Aayain ko sana kayo mag breakfast kaso mukhang crush ko lang ang kasama ko." Dagdag niya habang nakangiting nakatingin sa akin.

Bigalng uminit ang pisgi ko sa sinabi niya.

"Bakit hindi ka sumama?" I asked him habang naglalakad kami.

"Nagpunta na kami ni Allyana don halos tatlong beses na kami nakapunta doon." Pagkwento niya.

"Yan din sinabi ni Ally sa'kin kanina"

"Ang sweet mo pala kay Ally." Sabi ko nang makarating kami sa resto para kumain ng breakfast.

"Uh-huh." Sabi niya pagkaupo namin.

"si Ally lang kasi yung babae sa family namin bukod sa mama ko." He said.

"One and only girl lang si Ally sa family nila and sa side ni papa at mama si Ally lang ang nagiisang babae halos lahat kami lalaki." Pagdugtong niya.

Kaya pala di mawala wala kay Nate itopic si Ally nagiisang pinsan na babae niya pala yun.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon