"So ano topic natin?" Tanong ni Mariz na nagsasalin ng 4th shot sa mga baso namin."College?"Nagaalangang sabi ni Cedric.
"Ay sige bet ko 'yan." Sagot ni sandra,sabay apir kay Mariz mukhang planado na nitong dalawa ang topic.
"Ako na mauuna, introduce yourself pala ang nais eh." Sabi ni Lei.
"Go lang!" Sigaw ni Cedric sakanya bago inumin ang shot niya.
"Leionard D. Antonio, Taga UP Diliman, 3rd year of Business Administration." Sabi ni Lei bago inumin ang 2 shots ng tequila.
"Sino next?" Natatawang tanong ni Neon.
"Di nako kasali ah pati si Neon pareho naman kaming tatlo na BA eh, tas taga UP Diliman hahaha." Dagdag ni Lianna sabay apir kay Neon na parehong nakangiti dahil naka ligtas.
"Edi ako na....Amarisse P. Villanueva, DLSU, 3rd year Bachelor of Fine Arts." Sabi ni Mariz sabay kindat sa side nila Mark at Cedric.
"Fine arts ka pala, kukuha ka pa ng specializaton program? " Tanong ni Cedric kay Mariz.
"Baka hindi na, marami naman akong natutunan sa loob ng 4 years ko sa fine arts." Sagot ni Mariz and gave him a quick smile.
"Sabagay." Maikling sabi ni Cedric.
"Uhm... I think it's my turn." Seryosong sabi ni Mark.
"Sige." Maikling sagot ni Cedric sakanya.
"Markus Phillip Zamora, BS CIVIL ENGINEERING IN LA SALLE." Seryosong sabi ni mark.
"Dave Justin C. Castro, parehas lang ni Mark 3rd year BSCE din." Dagdag ni Dave na umiinom sa gilid.
"Engineer pa nga." Pangaasar ni Lianna sakanila.
"Masarap magamahal ang Engineer at Architect Lianna." Ganting sabi ni Dave.
"Kayo, Sandra pakilala naman kayo oh." Sabi ni Mariz.
"Ah, hindi dapat yung isa diyan, Reizel, introduce yourself dali." Sabi ni Sandra at tingnan ako ng nakakalokong ngiti.
"Okay, fine di ako KJ." Pagpipigil ko ng inis ko.
"Reizel Catelyn Cruz, uhm..Lasallian and 3rd year BS Architecture parehas lang kami ni Sandra." Kinakabahan kong sabi di ko alam kung bakit ako kinakabahan.
"Cassandra Sarmiento." Dagdag ni Sandra.
"Oh, pa'no ba 'yan nagsalita na kami about sa college keme namin." Sabi ni Mariz kay Cedric.
"Okay sige kami na." Sabi ni Cedric.
"Tayo na agad Ced?" Pabirong sabi ni Mariz.
"Ehem Engineer pakitali oh!" Sigaw ni Lianna sabay tingin kay Mark na kanina pa nayayamot.
"Ako mauuna." Nagtinginan kaming lahat kay Nate nang bigla siyang nagsalita. Binigyan siya ng nakakalokong tawa nila Neon at Cedric bago magsalita ulit.
"I'm Nate Zamuel Garcia, Currently studying at UP Diliman, BS Biology." Sabi ni Nate habang naka Cross arms sa tabi ko.
"Med student din ako, Cedric Domingo." Dagdag ni Cedric.
"Med student pala kayo bat' parang di halata mga pare.." Singit ni Dave na mukhang gulat sa sinabi nila Nate.
"I thought nung una engineer or BA kay, Ced haha." Mangha na sabi ni Mariz.
"Talaga? First choice ko dati engineer eh kaso I realized di ako magaling sa math haha." Pabirong sabi ni Cedric.
"Buti nag doctor ka." Singit ni Mark.
BINABASA MO ANG
Healing Art Of Love (SLS #1)
Teen FictionSOLASTA LEAL SERIES #1 Reizel Cruz, a student from DLSU architecture, is known for being supportive to her friends, intelligent, and most of all lovable girl. Until she met a med student, Nate Zamuel Garcia who studied in UP, who came from a family...