020

311 17 2
                                    

Notifications 🔔

Homies🍻

@Neonzx: Na ayos na daw ni Lei yung vacation natin.

@lei_antonio:  3 days tayo magstay bet niyo ba yun mga homies.

@Leckza_Cortez: Bet ko yan sa wakas kasama na ako.

@LiannaJanine: Walang bebe na dala ah.

@Neonzx: Anjela can't come:((

@Leckza_Cortez: aww kawawa ka naman Neon.

@Neonzx: Gago hahahahah

@_sandraaa:Saan ba tayo?

@Markusxz: Sa Resort namin sandra.

@Mariz06: sa batangas yon diba Cedric?

Bigla akong natawa sa chat ni Mariz na typo ba siya o sinasadya niya yun.

@Markusxz: Wtf?! pano nagkaroon ng Cedric dito Amarisse?

@Mariz06: sorry na typo *Mark* talaga yon hahaha

@LiannaJanine: Med student pala hanap ni mariz, mark.

@Markusxz: di na pala libre yung Amarisse Villanueva sa resort namin:)

@itsdavestro: Nako po.

@Leckza_Cortez: wait sino yung Cedric?

@Neonzx: Best friend ko.

@lei_antonio: saklap di kase nakapunta sa bday ni Nica.

@Leckza_Cortez: Pakyu ah.

@Reizel_cruz: Nagtampo na si mariz sayo mark hahahahhaha.

@Mariz06: sakit na typo lang ako eh.

@Markusxz: Whatever hahaha.

Tuloy nga ang Vacation namin 1 week na nakakalipas nung sinabi ni Dave na nag plano sila Lei mag outing and buti tuloy na tuloy.

Monday at Naiwan ako sandali sa condo dahil may binili si Sandra para sa kwarto niya gawa ng nasira ang wallpaper niya sa table, ako naman busy mag linis ng banyo namin.

Notifications 🔔

@Neonzx: Reizel sasama sila Nate hahaha.

Biglang nag message sa akin si Neon habang naglilinis ako.

Muntik ko nang mahulog ang phone ko pagkabasa ng message ni Neon.

"Shet! Kasama sila Nate." Nagpapanic kong sabi sa sarili ko. Hindi agad ako nakapagreply kay Neon dahil sa kaba.

@Reizel_cruz: Okay..

Pagkatapos ko mag linis naisipan kong mag send ng message kay Nate.

@Reizel_cruz: kasama ka sa batangas?

typing..

@NateGarcia02: Oo nag aya sila Neon and Lei hahaha..

@NateGarcia02:Kasama ko yung ibang friends namin ni Neon

@Reizel_cruz: Group den?

@NateGarcia02: No, apat lang kami eh.

@Reizel_cruz: Ah okay.

@NateGarcia02: See you again Catelyn:))

"Totoo ba 'to?! Ha ha makakasama ko siya ng 2 weeks."

"Zel? sino kausap mo diyan?" Nagtatakang tanong ni Sandra nang maabutan akong kinakausap ang sarili ko.

"Wala, Nakakainis kasi eh"

"Huh?! ang alin?"

"Kasama daw sila Nate sa outing." Sabi ko bago lumabas sa banyo.

"Edi good, makakasama mo ang iyong crush." Natatawa niyang sabi. Mas lalong hindi nakakatulong mga sinasabi nitong si Sandra.

"Eh basta bahala na sa Thursday." Yamot kong sabi.

"Ayayaya pinaglalapit sila ng tadhana oh, oh, oh, oh Crush ko soon to be my bebe la, la, la, la, la."Kinakanta ni Sandra sa'kin habang nakaupo kami sa sofa.

"Napaka epal!" Sinamaan ko siya ng tingin pero patuloy niya parin kinakanta.

"Iwan na nga muna kita dito aayusin ko lang wallpaper ko sa kwarto hahaha."

Bumalik na din ako sa paglilinis nang makapasok si Sandra sa kwarto niya.

Matapos kong maglinis ay nagpahinga muna ako sa sala at nag research ng pwedeng lutuin mamaya sa hapunan namin para makabawi ako kay Sandra dahil lagi nalang siya ang nagiisip ng kakainin namin.

"Hmm,adobong manok nalang lutuin ko." Sabi ko habang nag reresearch sa phone.

"Naks! Ipagluluto ako ng bebe ni Nate Garcia." Nagulat ako nang biglang tumabi sakin si Sandra hawak ang remote ng tv.

"Oo, ako magluluto para makabawi sayo yaya." Pagbibiro ko sakanya.

"Bait talaga ng Reizel namin." She said and gave me a sweet smile.

"Ano panoorin mo?" Tanong ko sakanya habang may sine-search sa youtube.

"Ngayon labas ng bagong MV nung Blackpink." Excited niyang sabi, naalala ko yun nga pala yung inaabangan namin.

"Ayy oo nga! gege play mona dali." Mas lalo akong na excite kaysa kay Sandra kaya agad ko siyang kinulit na bilisan ang pagsearch nung MV.

"Blackpink in your area"

"Woahhh. Blackpink in your area aaaaaa!!!" Masayang sigaw namin ni Sandra nang magsimula ang introduction nung MV.

"Ho-how you like that?
You gon' like that, 
that-that-that-that, that-that-that-that"

"Pota lisa lahams na lahams kita!" Sigaw ni Sandra nang makita ang bias niya.

"Ganda nilang lahat Sandra." Pangungulit ko kay Sandra na masayang sinasabayan kumanta ang Blackpink.

Pagkatapos namin manood ng MV naghanda nako para sa iluluto kong adobo, magdidilim na din kase buti nalang tinulugan ako ni Sandra sa paghahanda siya ang nagsaing at nag haing habang ako ay busy magluto ng ulam namin.

"Bango ah, ngayon ko lang uli matitikman luto mo." Sabi ni Sandra bago tikman ang luto ko, pinatikman ko sakanya baka kasi may mali sa luto ko.

"Hmm, sarap pwede na mag jowa." Pabirong sabi ni Sandra.

"Crush lang eh." Sabi ko habang nakataas ang kilay ko.

"Ship." Mapangasar na sabi niya bago pumunta sa hapag.

"Nga pala gusto mong sumama sa'kin bukas, bumili ng damit para sa outing?" Tanong ko kay Sandra habang kumakain kami.

Wala kasi ako masyadong damit pang swimming halos puro pang gala lahat madalang lang kasi kami mag outing.

" 'Yan dapat sasabihin ko sayo kanina, sige sama ako." Sagot niya sa'kin.

"Mga tanghali tayo umalis bukas." Sabi ko bago mag patuloy sa pagkain.

"Okay."

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon