"Talaga ba anak?!" Nakangiting sabi ni Mommy.
"Hindi po kayo galit?" Tanong ko.
"Hindi, anak, nasa tamang edad kana para sa relasyon at isa pa malapit kana maging Architect tamang tama lang ang panliligaw ni Nate sayo." Masayang sabi ni Mommy.
"Gusto kong makausap si Nate." Singit ni Daddy, medyo kinakabahan ako kay Daddy ah.
"Po?" Sabi ni Nate kay Daddy.
"Uhm,Nate, nak pwede bang ipakilala mo yung sarili mo sa tito Rey mo?" Sabi ni Mommy sa kanya agad naman tumango si Nate bago magsalita.
"Tito, ako po si Nate Zamuel Garcia, Med student po sa UP Dilliman and balak ko pong kunin is Pediatrics or General surgery... Family of doctors po kami and nagmamayari din po kami ng kilalang Hospital yung Garcia Medical Hospital po." Kinakabahang pagpapakilala ni Nate sa Daddy ko.
"Maganda ang background mo... Pero bigyan mo muna ako ng rason para pagkatiwalaan kita Nate?" Sabi ni Daddy sakanya at binigyan siya ng maliit na ngiti.
"Gusto ko pong makasama si Reizel sa lahat ng tagumpay na makakamit naming dalawa at ipapangako ko po na aalagaan ko po ang prinsesa niyo, papaiyakin ko po siya sa magandang dahilan lang..Tito at Tita." Seryosong sabi ni Nate sabay ngiti sa akin.
"Hindi naman issue sa pamilya mo Nate ang estado sa buhay?" Sunod na tanong ni Daddy.
"Nako. Hindi po, galing din po kasi sa simpleng buhay yung mga magulang ko noon."
"Ayoko lang na magkaroon ng gulo sa pagitan ng pamilya mo at sa pamilya ko." Paliwanag ni Daddy.
"Wala pong ganyan, Tito. Pangako."
Ano 'yan Daddy gusto mo ba ako bayaran ng milyon? Kapalit ang paglayo ko kay Nate?
"May sasabihin ka ba Marian?" Tanong ni Daddy kay Mommy na kanina pa nakangiti.
"Mukhang wala na akong sasabihin, pasado na Daddy haha." Pabirong sabi ni Mommy kay Daddy.
Huminga ng malalim si Daddy bago siya magsalita.
"Sana wag mong sirain ang tiwala namin Nate lalong lalo na ang tiwala ni Reizel, I guess pasado ka na rin sa akin haha, si Reizel nalang siguro ang kulang 'no?" Nakangiting sabi ni Daddy.
"Thank you po, pangako ko pong hindi ko po sasayangin yung tiwala niyo." Nakangiting sabi ni Nate.
Nawala na siguro ang kaba ni Nate.
"Thank you sainyo, Daddy." Sabi ko kila Daddy.
"Basta bawal muna magpakasal or magkaanak hangga't hindi pa kayo tapos magaral lalo kana, Nate med student ka pa naman." Pagpapaalala ni Mommy sa amin.
Matapos ang video call namin ay inaya na kami nila Dave na kumain ng pizza na dinala ni Nate, medyo naparami ang kain ni Nate dahil sa nangyari kanina ako naman hindi maalis ang saya kasi tinanggap ng magulang ko si Nate.
Ako kaya tatanggapin ng magulang ni Nate?
"Hello Nics?" Sabi ni Neon pagkasagot niya sa phone habang kumakain.
"Now na?" Sabi ni Neon kay Nica na nasa kabilang linya.
"Sige, bye." Sabi ni Neon bago ibaba ang call.
"kailangan kona mauna, Nate." Pagpapaalam ni Neon kay Nate. " Lola, dave, Reizel sorry kailangan ko na umalis pinapatawag ako sa bahay e." Nagpaalam din siya sa amin.
"Sige, Neon salamat ah." Sabi ko kay Neon.
"Mag ingat ka Neon ah." Pahabol ni Lola kay Neon bago siya tuluyang umalis.
Hinatid din siya ni Dave palabas.
"Opo, Lola Flora." Sagot sakanya ni Neon.
Nagpahinga na din si Lola pagkatapos naming kumain.
"Nate,kami na ni Dave maglilinis niyan." Sabi ko kay Nate nakita ko kasi na siya ang naglilinis ng pinagkainan namin.
"Ay oo nga, ako na diyan Nate nakakahiya." Singit ni Nate.
"Oo nga nakita mo na hindi mo pa pinigilan." Bulong ko kay Dave, samantalang si Nate naman nakatayo lang sa harap namin tinitignan kaming dalawa.
"Thank you nga pala sa pagbisita niyo ni Neon sa amin, Nate." Nakangiti kong sabi kay Nate habang hinahatid siya palabas ng bahay.
Inabot na kasi siya ng gabi.
"No, ako dapat ang mag thank you sayo and sa family mo kasi tinanggap at pinagkatiwalaan niyo ako I mean sila Lola Flora and yung parents mo. Ewan ko nalang sayo kung pasado na ba ako haha." Sabi ni Nate sabay tawa.
"Manliligaw nga e." Natatawa kong sabi.
"Pero thank you talaga, Catelyn." Sabi niya sabay yakap sa akin.
Habang niyayakap niya ako nararamdaman ko yung tibok ng puso niya.
"Bago nga pala ako umalis, may ibibigay ako sayo." Sabi ni Nate bago pumasok sa sasakyan niya para kunin yung ibibigay niya sa akin.
"Ano 'yan?" Tanong ko sakanya may inabot kase siyang gold na envelope.
"Invitation sa birthday ni Papa." Sagot ni Nate at nginitian ako pagkaabot niya sa akin nung envelope.
"Ha?" Bigla akong kinabahan sa sinabi niya parang nararamdaman ko yung naramdaman niya kanina habang kausap sila Daddy.
"Don't worry kasama mo naman ako e." Sabi ni Nate.
"Kailan?" Tanong ko sakanya.
"Saturday Night."
"Anong susuotin?" Sunod kong tanong sakanya.
Sorry kinakabahan na ako e.
"Semi formal, wag ka muna mag white gown hindi pa tayo ikakasal ah." Pagbibiro ni Nate sabay pisil sa pisngi ko.
"Wow, kasal agad, e hindi pa nga kita sinasagot." Natawa kong sabi sakanya.
"Dun din naman tayo mapupunta, Catelyn."
"Alam mo umuwi kana gabi na e, mag message ka nalang sa akin kapag nakauwi kana, Nate." Sabi ko sakanya.
"Sige. Goodnight, Catelyn. Saturday night ah." Sabi ni Nate bago pumasok sa sasakyan niya.
"Oo na, Goodnight din." Natatawa kong sabi sakanya.
Pagkabalik ko sa loob ng bahay ay agad akong nag half bath at nag skincare bago matulog, si Dave naman pumasok na sa kwarto kausap niya kasi si Sandra.
Notification🔔
@NateGarcia02: kakauwi ko lang.
@NateGarcia02: Goodnight, Catelyn:)Bago ako humiga sa kama ko ay nag message sa akin si Nate, sabi ko kasi sakanya na mag message siya pag nakauwi na siya at sinunod naman niya.
@Reizel_cruz: Okay.
@Reizel_cruz: Goodnight din Zamuel haha:)Natulog na din ako pagkasend ko sakanya ng message.

BINABASA MO ANG
Healing Art Of Love (SLS #1)
Roman pour AdolescentsSOLASTA LEAL SERIES #1 Reizel Cruz, a student from DLSU architecture, is known for being supportive to her friends, intelligent, and most of all lovable girl. Until she met a med student, Nate Zamuel Garcia who studied in UP, who came from a family...