"Goodmorning, Insan." Bungad ni Dave sa akin pagkarating ko sa kusina, naabutan ko kasi siyang nagluluto ng agahan.
"Goodmorning din, dito ka na ba titira?" Pagbibiro ko sakanya habang kumukuha ako ng tubig sa ref.
"Pwede naman para mabantayan namin ni Sandra ang isa't isa." Seryoso niyang sabi habang nagluluto.
"Dave." Tawag ni Sandra kay Dave habang naglalakad palapit sa'min, nang makalapit siya ay niyakap niya ito sa likod.
"Sarap maging Third wheel." Pagpaparinig ko habang pinapanood silang magharutan sa harap ko.
"Ay nandiyan ka pala, Reizel." Natatawang sabi ni Sandra.
"Ano ako hangin?" Pagtataray ko.
"Happy ka kaya nung isang gabi inuwi mo nga dito si Nate, eh." Pangaasar ni Dave habang inihahanda ang mga niluto niya.
"Issue niyo talaga! gago." Yamot kong sabi bago sila iwan sa kusina at umupo na sa hapag kainan.
"Feel ko lang ah, mukhang may pag asa ka naman doon kay Nate." Sabi ni Sandra na sinunda din ako sa hapag kainan.
"Feel mo lang." Inis kong sagot habang naka cross arm.
"Maalala ko lang nakausap ko si Markus kahapon ang sabi niya nag pa-plano daw sila Lei mag outing." Dave said pagkapatong niya ng mga niluto niyang pagkain at umupo.
"Talaga? mag outing tayo?" Nakangiti kong sabi parang batang napagbigyan sa gusto.
"Kailan daw, Dave?" Tanong ni Sandra habang naglalagay ng kanin sa mga plato namin.
"Si Lei daw magsasabi kung kailan at saan daw tayo." Sagot ni Dave kay Sandra.
"I think dapat dun na natin sabihin yung about sa relasyon natin Dave." Sabi ni Sandra kay Dave.
"Oo nga, yun nga sinasabi ko sayo kagabi, Cassandra haha. Inulit mo baby." Natawang sabi ni Dave sabay hawak sa kamay ni Sandra.
"Respeto naman sa pagkain." Pagpaparinig ko habang kumakain ng tahimik.
"Back to the topic. Reizel, nandiyan na si Nate baka siya na talaga ang para sa'yo." Sabi ni Sandra and gave me a small smile.
"Alam mo ba tinanong namin siya kung taken or single siya, aba alam mo kung ano sagot niya single S-I-N-G-L-E pagkakataon muna, Rei." Pagkwento ni Dave sa'kin, binaybay pa ni loko.
"Eh?ano naman kung single siya crush ko lang naman 'yon." Asar kong sabi, hindi ko napansin na may mali sa sinabi ko kaya agad akong napainom ng tubig sa kahihiyan.
"Ano nga ulit sabi 'mo crush mo si Nate?" Mapangasar na sabi ni Sandra.
"Huh? I mean maraming nagkakagusto siguro sakanya." Pagkakaila ko.
Grabe bakit ba kase lumabas sa bibig ko yun.
"Reizel may tumatawag sayo." kalabit ni Dave sa'kin sabay turo sa phone na nasa tabi ko.
'Daddy'
Buti nalang biglang tumawag sila Daddy sa akin atleast nakaligtas ako sa mga sinabi ko kanina.
"Hi Anak." Bati nila Daddy sa'kin.
"Hello po." Masaya kong sagot.
Parang kakagaling lang nilang dalawa sa trabaho dahil naka uniform pa sila.
"Nak, sila Dave ba kasama mo?" Tanong ni Mommy sa'kin.
"Opo, Mommy."
"Hello po Tita Marian and Tito Rey." Bati ni Dave sakanila.
"Hello po." Dagdag ni Sandra, medyo nahihiya.
"Gwapo naman ng Engineer ni Olive." Singit na sabi ni Daddy kay Dave.
"Thank you, Tito Rey." Mukhang kinilig 'tong si Dave dahil sinabihan ng gwapo. Tuwang tuwa si tanga .
"Kamusta kayo diyan Cassandra?" Tanong ni Mommy sakanya.
"Ayos lang naman po kami dito Tita. Wag po kayong mag alala inaalagaan po namin si Reizel at tsaka nadagdagan po yung mag aalaga sakanya Tita Mari." Pabirong sabi ni Sandra sabay kindat sakin.
"Bakit nadagdagan?" Nagtatakang tanong ni Daddy.
"Wala 'yon Daddy." Pagkakaila ko.
"Reizel?" Mapangasar na sabi ni Mommy sa'kin.
"O sige na nga aamin na'ko hindi ko kayang magsinungaling sainyo e. Pero Mommy crush ko lang naman." Bigla akong kinakabahan sa sinabi ko ramdam kong 'yon na ang pangasar nila Sandra sa'kin.
"Oh sabi sa inyo Tita, Tito e," Sabi ni Sandra.
"Buti nalang tumawag kayo Tita kanina pa namin 'to inaasar tungkol don haha." Sabi ni Dave habang kinukuha ang mga pinagkainan namin.
"Sino ba yung crush mo anak?" Tanong ni Daddy.
"Minsan lang tayo nagkakausap sabihin mo na sa amin natural lang naman na magkagusto tayo ,Reizel." My Mom said.
"Ah... Si ano po.... Nate po." Bigla nag init ang pisgi ko nang banggitin ko ang pangalan ni Nate sakanila.
"Saan mo nakilala si Nate?" Sunod na tanong ni Daddy.
"Best friend po ni Neon." Simpleng sagot ko.
"Sana soon makilala namin siya for sure mabait 'yon magaling kang pumili anak e,mana ka sa'kin" Pabirong sabi ni Mommy.
"Oh, by the way, Nak, diba school break na kayo? Kung gusto mo pwede ka mag stay muna dito sa LA." Tanong ni Mommy sa'kin.
"Tita Mari, pwede ako din sama mo diyan.. Joke" Pabirong sabi ni Dave na nasa kusina pa din samantalang kami ni Sandra nakaupo pa din sa hapag kainan.
"Pwede naman Dave pero mag paalam ka sa mama mo." Sabi ni Daddy sakanya.
"Yown first travel Los Angeles agad!" Masayang sabi ni Dave.
"Next year nalang po Mommy para mas matagal po kaming mag stay diyan." Nakangiti kong sabi, gusto ko man pumunta don kaso sandali ko lang din sila makakasama atleast next year wala na akong iisiping mga school related.
"Sige anak, walang problema, mag message o tumawag ka lang pag may kailangan ka ah." Medyo malungkot na sabi ni Mommy.
"Don't be sad mommy promise next year pupunta nako diyan... I miss you so much Mommy and Daddy." Medyo nakaramdam din ako ng lungkot pero pinipigilan ko ayoko din kasi ma homesick sila Mommy don.
"Sige anak, ingat kayo diyan, love you.." Sabi ni Daddy sa'kin bago nila ibaba ang video call.
"Sure ka talaga ayaw mong pumunta don?" Nagaalalang tanong ni Sandra sa'kin.
"Gusto ko pero kung next year ako pupunta don mas matagal ko kasi silang makakasama." Pagpapaliwanag ko.
"Basta sama daw ako, Reirei" Sabi ni Dave na naglalakad palapit samin.
"Oo kasama ka." Natawa kong sabi sakanya.
Pagkatapos namin magkaroon ng bonding time nila Dave ay umuwi na din siya dahil nakauwi na din sila Mark sa condo kaya may kasama na daw siya doon.
BINABASA MO ANG
Healing Art Of Love (SLS #1)
Teen FictionSOLASTA LEAL SERIES #1 Reizel Cruz, a student from DLSU architecture, is known for being supportive to her friends, intelligent, and most of all lovable girl. Until she met a med student, Nate Zamuel Garcia who studied in UP, who came from a family...