"Hey! we're here." Sabi niya pag ka park sa harap ng condo ko.
"Thank you ulit, Nate." Sabi ko sakanya habang inaalis ko ang seatbelt ko.
"Welcome." Simpleng sagot niya at nginitian ako bago ako lumabas ng sasakyan.
"Ibabalik ko nalang itong damit na ginamit ko." Sabi ko sakanya, pagkalabas ko ng sa sasakyan.
"Sure, so see you around I guess,Catelyn." Masaya niyang sabi bago umalis.
Bago ako umakyat sa condo namin napansin kong nandito ang sasakyan ni Mark at Neon kaya nagmadali akong pumunta sa unit namin.
"Bakit kaya nandito sila, eh nauna si Mark at Mariz umalis sa party ah," Bulong ko sa sarili ko habang nasa elevator ako.
Pagkarating ko sa pintuan ng unit namin ni Sandra, agad ko itong binuksan at nadatnan si Dave, Lei at Lianna na natutulog sa sala habang si Mark at Sandra abala sa pagluluto ng agahan, nakita ko din si Mariz na naglilinis ng condo namin.
"Oh, nandito na pala ang mahal na prinsesa." Pagbibiro ni Mariz nang makita akong naglalakad papasok.
"Luh weh?! andiyan na?" Dagdag ni Sandra sabay tingin sakin, hawak hawak ang niluto nilang agahan.
"Ayaw niyo ba akong umuwi?" Seryoso kong sabi sakanila pagkapatong ko ng mga dala ko sa coffee table.
"Bakit andito 'tong mga 'to?" Tanong ko sabay turo kila Lei at Lianna na kakagising lang.
"Hinatid kaso namin ni Lei sila Dave gamit ang sasakyan ni Neon, nagpasundo nalang kasi sila sa driver nila kaya iniwan ni Neon yung car niya sa amin." Pagpapaliwanag ni Lianna, bago tumayo sa pagkakahiga sa sofa.
"Okay, so lasing na lasing kayo kagabi?" Dagdag kong sabi.
"Malamang Reizel, kawawa nga kami eh buti ka pa may prince charming kagabi, kami wala haha" Dave teased me habang nakaupo sa dinning table.
"Last 3 shots of tequila pa nga." Pangaasar ni Lei, agad naman silang nagtawanan. Bigla kong naalala yung ginawa ko kagabi dahil muntik na ako masuka sa harap nila dahilan para iuwi ako ni Nate.
"Big day talaga ni Reizel kagabi eh." Sabi ni Sandra na abala ngayon sa paghuhugas ng pinaglutuan nila.
"I heard inuwi ka daw ni Nate sa Condo niya haha sabi nila Neon." Natatawang sabi ni Mark na naglalakad palapit sa'kin.
"Nakakahiya nga eh, na istorbo ko pa siya dahil sa kalasingan ko kagabi." Nahihiya kong sabi.
Well, totoo naman.
"So anyare sa inyo ni Nate?" Kinikilig na tanong ni Lei at tumabi sa'kin.
"Huh?! baliw wala nga akong maalala pero gaga walang nangyari na something ah! Hindi ko lang sure kung magkatabi kami na natulog pagkagising ko kasi nasa malaking kwarto ako, nako kung nakita mo lang ang ganda nang interior ng condo niya." Pagkukuwento ko, dahilan para lumapit silang lahat sa'kin, para akong nag story telling sa mga bata.
"Malamang mayaman 'yon expected na ganon ang condo niya." Singit ni Sandra.
"Ganda pa nung sports car niya eh. Angas! lalo na sakay niya yung soon to be Architect." Pabirong sabi ni Dave. Oo nga pala sila pala ni Cedric ang nag abot ng mga naiwan naming gamit ni Nate sa loob.
"Med student pala sila, di talaga ako maka move on don mga sismars!" Masayang sabi ni Mariz, agad naman siyang tinignan ng masama ni Mark tulad kagabi dahil siguro kay Cedric.
"Alam niyo kumain na tayo at baka matraffic kami ni Lei." Nakataas na kilay na sabi ni Lianna na nakatayo na sa harap ng hapag kainan.
Habang kumakain sila sa sala, ay dumiretso na muna ako sa kwarto ko para mag palit ng damit at itabi na yung pinahiram na damit ni Nate sa'kin sa paperbag na dala dala ko, bumalik na ulit ako sa sala pagkatapos kong magpalit para manood ng series na pinapanood kanina ni Nate, medyo nagandahan ako sa flow nung story eh, nakakahiya naman kung makikinood ako kay Nate at baka may gagawin pa siya.
BINABASA MO ANG
Healing Art Of Love (SLS #1)
Teen FictionSOLASTA LEAL SERIES #1 Reizel Cruz, a student from DLSU architecture, is known for being supportive to her friends, intelligent, and most of all lovable girl. Until she met a med student, Nate Zamuel Garcia who studied in UP, who came from a family...