027

290 16 1
                                    

Napatingin ako kay Nate nang makitang sakanya tumigil ang bote.

"Truth or Dare?" Tanong namin sakanya.

Sakanya naman ngayon naka tingin ang mga kaibigan niya.

"Dare." Sagot niya.

Nang marinig ang sagot ni Nate ay agad nagbulungan ang mga kaibigan namin nagpapasahan ata ng mga pwedeng gawin, si Sandra at Dave ay nginitian ako na mukhang may pinaplano sila.

Si Ally naman ay binigyan ng mapangasar na tingin si Nate.

"Dahil dare nag napili mo, tawagan mo ngayon yung crush mo now na." Nakatawang sabi ni Cedric sakanya.

"Seriously?" Kabadong sabi ni Nate.

"Oo, tawagan mo na." Sabi sakanya nila Sandra bago ako tignan.

Kinakabahan ako sa mga tingin at pinagagawa nila kay Nate.

kung ako ang nasa kalagayan ni Nate kanina pa ako hinimatay. Juskobells.

"Fine." He said bago kunin ang phone sa bulsa niya.

Maya-maya lang ay may biglang tumunog sa bulsa ko kaya agad kong tinignan 'yon, dahilan para mapatingin silang lahat sakin.

'Nate Garcia'

Nanlaki ang mata ko nang makita ang pangalan niya sa screen ko na tumatawag agad kong sinagot yon.

"Now you know." Sabi ni Nate.

Binaba ko din agad at nagsimula na akong makarinig ng hiyawan galing sa mga kaibigan ko.

"Kinikilig ako!" Sabi ni Ally sabay tingin sakin at kay Nate.

"Sarap talaga ma-crushback 'no." Pagpaparinig ni Sandra sabay kindat sa'kin.

"Akala ko ba single tayo pareho, Reizel?" Umarteng nagtatampong sabi ni Lei.

Samantalang ako hindi parin makapaniwalang ako yung tinawagan ni Nate.

Crush ako ng crush ko? bakit niya ako nagustuhan? totoo ba 'to o nanaginip lang ako? mga tanong na gumugulo sa isipan ko ngayon.

"Sa Architect pala bibigay." Mapangasar na sabi nila Neon at Cedric sabay apir sa isa't isa.

Habang si Nate nakatingin lang sa akin na parang may ginawang kasalanan.

"I count na natin sila sa tatlong bagong couples sa gabing ito." Singit ni Mariz sabay ngiti sa aming dalawa.

"Sana all." Nakatawang pagpaparinig na sabi nila Alex at Ally.

Tumigil na kayo pulang pula na ako dito dahil sa nangyayari ah.

"Reizel? Are you okay?" Tanong ni Ally, napansin niya sigurong nakatulala ako at namumula na.

"Hoy! nag blu-blush ka Reizel," Natatawang sabi ni Mariz.

Hahilan para tignan ako ni Nate.

"Allyana, can you sing for us?" Sabi ni Nate sakanya and gave her a smile.

"What song?" Tanong ni Ally sakanya.

"Ngayon ko lang mapapakinggan boses mo sa personal, Ally." Sabi ni Mariz.

"Kami din ni Sandra." Dagdag ni Dave habang nakaakbay kay Sandra.

"Halos lahat naman ata tayo hindi pa nakakarinig ng boses niya sa personal." Natatawang sabi ni Lei sabay turo sa amin except kila Neon, Cedric, Nate at Alex.

"Kahit ano nalang ally" sabi ni Lianna sakanya.

"Uh.Okay?" Ally said.

"Limutin na ang mundo

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon