032

288 16 0
                                    

"Reizel, may nag doorbell." Sabi ni Sandra habang kumakain kami ng tanghalian.

"Ikaw na magbukas." Sabi ko sakanya.

"Ikaw na." Pakikipagtalo niya.

"Ikaw na! baka si Dave 'yon." Sabi ko.

"Kahit umuwi si Dave sakanila." Natawang sabi ni Sandra.

"Sige na nga!" Inis kong sabi bago ako tumayo para tignan kung sino yung nag doorbell.

"Ano po yun?" Tanong ko sa lalaking nag doorbell.

Mukha siyang delivery boy. Sa pagkakaalam ko wala naman kaming pinapadeliver ni Sandra.

"Dito po ba nakatira si Ms. Reizel Cruz?" Tanong nung lalaki.

"Ah ako po yun, bakit po?"

"May nagpapabigay po ng bouquet at box ng chocolate sainyo, Ma'am." Sagot niya sabay kuha nung bouquet ng red roses na nilapag niya sa gilid at isang box ng mamahaling chocolate.

"Para po sa akin yan Kuya?" Nagtataka kong tanong nang ma iabot niya sa akin 'yon.

"Opo ma'am, galing po ata sa boyfriend niyo." Nakangiting sabi nung nag deliver.

"Ay wala pa po akong boyfriend." Sabi ko.

"Meron din pong letter na pinapabigay." Dagdag niya sabay abot sa akin ng pink envelope.

"Sige po ma'am mauna na po ako," Pagpapaalam nung delivery boy bago siya umalis.

"Reizel? sino daw!?" Sigaw ni Sandra habang nakatulala akong nakatayo sa pintuan.

Sino kaya nag bigay nito? First time ko makareceive ng ganto ah.

Agad akong bumalik sa lamesa kung na saan si Sandra bitbit ang bouquet ng red roses, isang box ng chocolate at yung pink envelope na may sulat daw sa loob.

"Pota-" Nagulat na sabi ni Sandra nang makita ako.

"Sino nagbigay niyan?!" Kinikilig na tanong ni Sandra nang mailapag ko 'yon sa lamesa.

"Hindi ko alam ang sabi kay Ms. Reizel Cruz, kaya tinaggap ko." Sabi ko habang inaamoy ang bouquet ng roses.

"Isang malaking sana all, ma-chat nga si Dave. Char." Pabirong sabi ni Sandra.

"Ay ano 'to?" Sabi ni sandra sabay hugot sa isang maliit na card na nakasuksok sa bouquet.

"Wala naman nakalagay," Sabi ni Sandra habang tinitignan yung card.

"Teka picturan ko muna haha," Natawa kong sabi.

"Taray talaga sana all may secret admirer." Sabi ni Sandra bago ligpitin ang pinagkainan namin.

Agad kong pinicturan yung mga pinadala sa akin, nagpapicture din ako kay Sandra habang hawak ko ang mga pinadala sa akin at nilagay sa story ko, nilagyan ko din ng caption na 'Thank you secret admirer ❤️'.

Kinain namin ni Sandra yung isang box ng mamahaling chocolate habang nakaupo kami sa sala.

"Ano 'yan?" Tanong ni Sandra nang ma pansin ang pink envelope sa coffee table.

"Letter daw." Sagot ko.

"Basahin mo dali." Pangungulit ni Sandra.

"Mamaya na." Natatawa kong sabi agad naman kinuha ni Sandra at nagbalak na buksan 'yon.

"Hoy! wag mong buksan, akin na nga babasahin ko na." Pagpigil ko sakanya sabay kuha sa pink envelope para basahin nung nakasulat sa loob.

Thinking about you. I hope you're having a great day.

"Walang pangalan?" Sabi ni Sandra habang nakikitingin sa letter na hawak ko.

"Grabe talaga secret admirer mo di manlang nag lagay ng hint haha." Natawang sabi ni Sandra bago isubo ang hawak niyang chocolate.

Notification🔔

@NateGarcia02 reacted to your story.
@NateGarcia02 replied to your story.

"Nag react crush mo oh!" Sabi ni Sandra habang nakikisilip sa phone ko.

"Lagot ka may secret admirer ka daw," Pagbibiro ni Sandra.

"Kulit mo, Sandra haha." Sabi ko bago tignan kung ano yung ni-reply ni Nate sa story ko.

@NateGarcia02: *Thank you suitor ❤️*

Wait! si Nate yung nagbigay?

@Reizel_cruz: ikaw yung nagpadala ng bouquet at chocolate?

Tanong ko lang baka nag joke lang kasi 'tong si Nate.

@NateGarcia02: Yes:))

@Reizel_cruz: E? bakit?

@NateGarcia02:Nililigawan kita, Catelyn
@NateGarcia02: And thank you gift ko din kase pinayagan mo akong ligawan ka.

@Reizel_cruz: hindi mo naman kailangan gumastos kahit mag chat ka lang okay na yon, Nate.

@NateGarcia02: ayoko.

Mayaman kasi ang manliligaw..

"Dun ka nga Sandra!" Reklamo ko kay Sandra nakita ko kasi siyang nakikibasa sa chat namin ni Nate at kilig na kilig.

"So si Nate yung nagpadala niyan sayo?" Nakangiting tanong ni Sandra.

"O-o"

"Nililigawan ka?" Sunod na tanong ni Sandra.

"O-o din?"

Dahilan para magtitili si Sandra sa kilig.

"Ang inggay mo!" Natawa kong sabi.

"I-crushback mona, tutal crush mo din naman siya ah," Sabi ni Sandra.

"Sasabihin ko pa nga lang kay Lola at kila Mommy yung tungkol don bago ko siya sagutin."

Gusto ko kasi ipaalam sakanila yung tungkol kay Nate para hindi sila mabigla kung sakaling maging kami.

"Sabi mo e, pero nagpunta din kami ni Dave kila mama and ayun nilegal na namin isa't isa para walang lihiman sa magulang."

"May tanong lang ako Sandra"

"Ano?"

"Paano mo nalaman na sincere talaga si Dave sayo?"

"Pinaparamdam niya na special ka and inaalam niya yung mga bagay na tungkol sayo like things that make you happy basta ganon ,eh alam mo namang high school crush ako no'n." Sagot ni Sandra.

"Sabagay." Sabi ko.

Natanong ko lang kasi wala pa akong masyadong alam sa mga ganon gawa ng first time ko magkaroon ng manliligaw.

"Kay Nate no? nako, Zel, 'wag kang magalala halata naman na sincere sayo si Nate."

"Talaga?"

"Reizel, napapasaya ka kaya ni Nate and sa totoo lang bagay kayo homies na din ang nag sabi nung nakababa kayo ni Nate sa van." Nakangiting sabi ni Sandra.

"Follow your heart." Dagdag ni Sandra at tinusok ang dibdib ko gamit ang isa niyang daliri.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon