Present..
"Buti gising ka na," Sabi ni Mariz pagkalabas ko sa kwarto ko.
Nakatulog kasi ako kagabi dahil sa kakaiyak ko, halata naman sa mga mata ko na magang maga na dahil iyak ako ng iyak kagabi.
"Okay ka na ba?" Tanong ni Mariz sabay himas sa buhok ko.
"Okay na ako, Mariz." Sabi ko habang naglalakad papunta sa dinning table ko.
"Goodmorning." Bati ni Mark, pagkalapag nung niluto niyang breakfast.
"Goodmorning, Mark." Bati ko sakanya bago ako umupo.
Hindi pala umuwi si Mark kagabi, siguro natulog siya sa condo ni Mariz.
"Si Sandra nga pala?" Tanong ko pagkaupo ni Mariz sa tabi ni mark.
Minsan kasi dito siya kumakain sa condo ko kahit magkakatabi lang ang unit namin, namimiss daw niya kasi ako kasama sa iisang unit tulad nung college pa kami.
"Maaga umalis 'yon, bibisitahin daw si Dave." Sagot ni Mariz bago kumain.
"Pinagluto pa nga si Engr. Castro eh," Natawang sabi ni Mark habang sinasalinan kami ng tubig sa baso.
"Inggit ka Markus? parang hindi ka nag enjoy sa kama ah." Pagbibirong sabi ni Mariz kay Mark.
Nasamid tuloy ako sa sinabi ni Mariz, si Mark naman namula sa sinabi ni Mariz at tinignan ito dahil sa sinabi niya.
"Lumindol pala kagabi ha," Pangaasar ko sakanila pagkainom ko ng tubig.
"Amarisse ang ingay mo!" Inis na sabi ni Mark. Habang si Mariz natatawa sa sinabi niya at mukhang iniimagine pa.
"Si Reizel lang naman 'yan, Mark." Natatawang sabi ni Mariz sakanya.
Pagkatapos namin kumain ay agad din bumalik si Mariz sa unit niya pagkaalis ni Mark, mayroon daw kasi siyang aasikasuhin sa resort nila.
Ako naman naisipan kong mag mall at bumisita kila Mommy kaya agad akong naligo at nag ayos ng sarili.
Nagsuot ako ng floral midi dress na binili ko nung isang linggo at black sandals para hindi ako mahirapan mag drive.
Pumunta ako sa Mall na malapit sa condo namin at 'yon ang isa pang mall nila Ally yung Golden South Mall, medyo malayo layo pa kasi yung isa pa nilang mall kaya madalas dito ako gumagala.
Tumingin-tingin muna ako ng mga pwedeng pasalubong ko para kay Mommy at Daddy.
"Yun yung gusto na relo ni Daddy." Sabi ko nang makita ko yung naka display na relo. Kakalabas lang daw no'n sabi ni Daddy sa akin nung huli akong bumisita sa bahay mahilig kasi siya sa mga relo.
Agad naman akong pumasok sa loob nang store para mag tanong kung magkano 'yon, hindi naman masyadong mabigat sa bulsa at saka minsan ko lang bigyan si Daddy ng mga ganitong regalo kaya binili ko na kaysa siya pa ang gumastos sa pagbili nito, relo na lang din ang binili ko kay Mommy, para twinning sila.
Pagkatapos ko bumili ng relo ay sunod naman akong bumili ng pagkain na dadalhin ko sakanila don na rin kasi ako kakain dahil busog pa rin ako hanggang ngayon.
"Hello, Mommy?"Sabi ko pagkasagot ni Mommy sa tawag ko.
"Reizel, bakit ka napatawag?" Tanong niya.
"Papunta po ako diyan ngayon, wag ka na mag luto Mommy."
"Ay, sige anak." Binaba ko na din agad yung tawag bago ako magmaneho paalis, buti nalang hindi gano'n ka traffic.
"Daddy, bakit ang daming basura sa labas? anong ginawa niyo ni Mommy?" Tanong ko kay Daddy pagkapasok sa bahay napansin ko kasi na ang daming papel at mga kahon sa labas nang bahay.
BINABASA MO ANG
Healing Art Of Love (SLS #1)
Teen FictionSOLASTA LEAL SERIES #1 Reizel Cruz, a student from DLSU architecture, is known for being supportive to her friends, intelligent, and most of all lovable girl. Until she met a med student, Nate Zamuel Garcia who studied in UP, who came from a family...