Pagdating namin sa sinet-up na bonfire nila Neon at Mark.Nakita namin ang upuang hinukay na nakapalibot sa bonfire at pinatungan ng tela. Nandun na din ang pinahandang snacks ni Mark.
"Taray ah." Sabi ni Lei nang makaupo siya.
"Sana si Cedric nalang pinaghukay ng mga staff niyo, Markus." Mapangasasr na sabi ni Alex.
"Umupo kana nga dito." Pikon na sabi ni Cedric sabay tapik sa bakanteng pwesto na nasa tabi niya.
"Reizel tabi tayo," Sabi ni Ally sa'kin na nasa likod ko.
"Dun tayo sa tabi nila Lei." Dagdag niya sabay turo kila Lei.
"Selfie tayo homies kasama ang new members ng homies," Sabi ni Lianna.
"Wow, member na kami ng Homies." Singit ni Cedric.
"Tuwa ka naman, marami ka nang pagtritripan." Pagbibiro ni Neon sakanya.
"Oo nga, pero ako talaga pinaka paborito niyang bwisitin atsaka si Ally." Dagdag ni Alex.
"Wag kayo tropa peeps ko na sila Dave at Lei." Sabi ni Cedric sabay tingin kila Lei at nginitian.
Naghahanap ata ng kakampi si Cedric.
"Pare ko 'yan!" Sabi naman ni Dave.
"Wag ka, Ced, close na rin tao diba, Lei?" Sabi ni Alex.
"Naman! new sissylogs haha." Sabi ni Lei.
Isa pa itong si Alex, kanina rin ay nakita ko siya na nakikipagtawanan kila Aleckza at Lei habang naliligo kami sa dagat at naghahampasan pa nga ata kanina habang nagtatawanan sila.
"Ano na topic natin mga 'Homies?" Tanong ni Aleckza.
Mukhang balak nanaman nitong manlait ah. Wag ngayon nandiyan si Nate baka matawa siya sa akin pag tumira ako ng lait. Joke.
"Hmm..Anong plano niyo after tayo makagraduate sa college?" Sinimulang tanong ni Lianna.
"Good question 'yan." Singit ni Mark.
"Game! oh kung sino sasagot hahawakan 'tong stone na ito ah." Sabi ni Lei sabay patong ng bato na nakuha niya sa buhangin.
Unang kumuha ng bato ay si Aleckza.
"Pagkatapos kong makagraduate sa college diretso ako sa FA training schools and after no'n balak ko mag apply sa Zadaya Airlines." Aleckza said.
High school palang kami dream na niya talaga maging Flight Attendant sa Dream Airlines niya which is yung Zadaya, for sure matutupad niya yun si Aleckza pa.
"Wait, Zadaya Airlines?" Nakatawang tanong ni Nate kay Aleckza sabay tingin kay Ally na nasa tabi ko.
Bakit anong problema niya sa Zadaya Airlines eh ang business nila Hospital.
"Oo bakit?" Nagtatakang tanong ni Aleckza sakanya.
"I think she can help you sa Zadaya Airlines." Sagot ni Nate sabay turo sa walang imik niyang pinsan.
"Huh?!" Gulat na sabi ni Aleckza sabay tingin kay Ally.
Agad naman nanlaki ang mata ni Ally sa gulat nang tignan namin siya.
"Uhmm-" Kinakabahang sabi ni Ally.
"Kasi crushiewaps daw niya yung anak ng may-ari ng Zadaya." Biglang singit ni Alex agad namang tinakpan ni Ally ang bibig niya.
"Plus kaklase niya din." Dagdag ni Nate,
Grabe 'to nilalaglag yung pinsan niya buti nalang hindi ganon si Dave sa akin.
BINABASA MO ANG
Healing Art Of Love (SLS #1)
Teen FictionSOLASTA LEAL SERIES #1 Reizel Cruz, a student from DLSU architecture, is known for being supportive to her friends, intelligent, and most of all lovable girl. Until she met a med student, Nate Zamuel Garcia who studied in UP, who came from a family...