031

291 17 1
                                    

"Anong lulutuin mo?" Tanong ni Nate na nakaupo sa sala nanonood, habang hinihiwa ko yung mga ingredients sa lulutuin kong ulam.

"Basta." Sagot ko agad naman niya akong sinimangutan dahil sa sinagot ko sakanya.

"Baka lagyan mo 'yan ng gayuma ah." Pagbibiro ni Nate.

"Excuse me,Nate Zamuel?!" Pinagtaasan ko siya ng kilay, agad naman siyang natawa.

"baka nga ikaw pa maglagay ng gayuma." Ganti kong sabi sakanya.

"No need." He chuckled.

Aba no need na din ng gayuma for sure lalo kang maiinlove sa luto ko.

"Can I help?" Tanong ni Nate sa akin habang busy ako magluto.

Na bored ata manood kaya dito naman tatambay.

"Mag saing ka nalang haha." Utos ko sakanya.

"Ok." Sabi niya bago kumilos.

Para siyang batang inutusan ng nanay niya. Ang cute naman ng manliligaw ko.

"Smells good." Nagulat ako nang biglang magsalita si Nate sa likod ko habang hinahalo ko yung niluluto ko.

"Gusto mong tikman?" Pag alok ko kay Nate tinitignan niya kasi yung niluluto ko.

"Sige." He said sabay kuha ng kutsara.

Dalawang beses niyang tinikman yung Menudo ko bago magreact.

"May kulang ba?" Nagaalangan kong tanong sakanya.

"Hindi masarap?" Dagdag ko kasi hindi siya nagsasalita.

"Hmm.. Pwede bang maging cook na din kita?" Nakangiting sabi ni Nate sa akin.

"Ano nga?" Sabi sabay tulak sakanya ng mahina.

"Masarap. Archibaby I mean Catelyn." Bulong niya sa akin bago siya umalis sa tabi ko para mag haing na.

Ano daw? Archibaby? Kiligin na ba ako? binawi pa yung Archibaby kainis.

Tahimik lang kaming kumain ni Nate, nang matapos kami ay ako na ang nag linis ng mesa at siya nalang daw ang maghuhugas kaya hinayaan ko na siya.

Habang naghuhugas siya naisipan kong magpalit ng pantulog at maghilamos kaya agad akong pumunta sa banyo malapit don sa kwarto niya.

"Matutulog kana ba?" Tanong ni Nate pagkalabas ko sa banyo

"Uh... Hindi pa naman."Sagot ko sabay upo sa sala niya.

"Ikaw?" Pabalik kong tanong sakanya.

"Kung ano yung sagot mo kanina." Sagot niya Habang nakatingin sa akin.

"Pano kung hindi na ako matulog?"

"Maya maya lang bagsak kana, Catelyn, sandali lang tulog mo kaya for sure aantukin ka na mamaya" He said.

"Inaaral niyo ba 'yan sa med school, yung mga about sa tulog?" Pabiro kong sabi sakanya

"No, na observe ko lang" Natawa niyang sabi.

Totoo nga yung sinabi ni Nate, maya maya lang nakaramdam na ako ng antok.

"Ano? tama ako 'no?" Natatawang sabi ni Nate nang makita akong naghihikab.

"Oo na, Doc.Garcia"

"Doc.Garcia? sarap pakinggan." Nakangiting sabi ni Nate.

"Wag kang mag alala soon marami nang tatawag sayo ng, Doc.Garcia." Nakangiti kong sabi sakanya.

"Pero ikaw yung pinaka gusto kong nagsabi ng Doc. Garcia." He said softly bago tumayo sa dinning table para lapitan ako.

Hala ano ba 'yan kinikilig ako.

"Inaantok na ako." Sabi ko hindi ko na kase alam ang sasabihin ko sa sinabi niya.

Pero teka saan nga pala ako matutulog?

"Halika na..." Sabi ni Nate sabay alok ng kamay niya sa akin.

"Huh?"

"Matutulog kana diba?"

"Madumi kasi yung guestroom kaya dun ka muna sa kwarto ko matulog."

"Ah okay." Kinuha ko ang kamay niya at tumayo para pumunta sa kwarto niya.

Ano ba 'to? Bakit ko siya hinawakan.

"Saan ka matutulog?" tanong ko kay Nate nang maka pwesto ako sa kama niya.

"Sa.. sala." He said, bitbit ang dalawa niyang unan.

Nakakahiya siya pa nag adjust.

"Ako nalang matutulog sa sala, Nate."

"No, ikaw ang matulog dito, Catelyn." Kalmado niyang sabi pero mukhang makikipagtalo na 'yan sa akin pag hindi ako tumigil.

"Tabi nalang tayo."  Biglang lumabas sa bibig ko kaya hindi ko na binawi yung sinabi ko.

"Okay lang sayo?" Tanong niya habang pinipigilan ang sarili ngumiti.

"Malaki pa naman space sa kama mo, kaya dito ka nalang din matulog"

Agad niyang nilapag ang unan na dala niya sa tabi ko at humiga.

Medyo naging awkward nga lang nung mag katabi na kami.

"Goodnight, Doc. Garcia," I said softly.

He chuckled.

"Goodnight, Architect. Cruz," He said softy.





Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon