02

634 31 0
                                    

Pagkatapos namin kumain ay agad kaming pumunta sa isang coffee shop para magpalipas ng traffic balak kase namin magpalipas ng oras dahil sa traffic.

"Okay guys may goodnews ako sa inyo."Masayang sabi ni Lei sa amin habang umiinom ng frappe.

"Ano 'yon? certified beki kana?" Nakataas na kilay na tanong ni Mark

"Luh di 'yon, alam niyo naman na medyo half girl and boy ako diba." Sagot ni Lei.

"Hindi ito na talaga, kase mag open daw ng bar sila mama for the 5th branch sa makati." Seryosong sabi ni Lei

"So ano gusto mong mangyari aber?"Nakataas kilay na tanong ni Mariz.

"Ako daw ang maghahandle no'n, e di ko naman knows pano kalakaran do'n, suggest kayo ng pwedeng gawin para ma promote yung branch." Nagaalalang sabi ni Lei.

"Hmm, maybe pwede tayong gumawa ng party for the grand opening, of course libre dahil opening, maraming party people sa makati, Lei" Sabi ni Aleckza.

"I like Aleckza's idea, tsaka dapat instagramable yung bar mo." Pagdagdag ko.

"Ay bet namin 'yan" Singit nila Sandra at Lianna.

"Hala sige tulungan niyo ko ah." Napawi ang pagaalala ni Lei dahil sa mga suggestion na sinabi namin ni Aleckza.

"Wait magkakaroon kayo ng bar Lei?!" Gulat na sabi ni Neon na kakabalik lang dahil nag CR.

"Oo 5th branch, sa'kin ibibigay ni mama" Sagot nito bago uminom ng frappe.

"Ako na bahala diyan kailangan mo i-promote yung bar diba?"Seryosong sabi ni Neon.

Sa aming magkakaibigan si Neon,Lei, Mark at Lianna ang mga rich kid, lalo na si Neon taga pagmana ng kumpanya nila which is magiging boss namin siya in the future dahil maaga palang pinakilala na kami sa magulang niya na magiging Architect at Engineer kami ng company nila, and sanay din si Neon sa business gawa nang BS Business Administration ang pinakuhang course sakanya ng parents niya sa UP.

"I'll help you, mag prepare ako ng party invite ko yung mga kakilala ko from different school some of them mayayaman at sikat kaya mapapadali pag promote sa bar mo Lei." Sabi ni Neon sabay kindat kay Lei.

"Hala thank you sa inyo ah" Masayang sabi ni Lei.

Pasado 12am na kami nakauwi dahil hinintay pa naming humupa ang traffic and to be honest we really enjoyed our group dinner, sanay kasi kami na laging kumakain ng lunch sa fast food chain nung high school.Para kaming magkakapatid kung umasta.

Sunday ngayon at wala kaming gagawin, pero pag gising ko ay wala na si Sandra naalala ko sinabi niya na bibisitahin niya ang pamilya niya sa Marikina. Kaya naman naisipan ko ayain si Dave mag simba ngayon at bumisita kami sa Lola at Lolo namin sa Marikina,  dahil ilang linggo na nakakalipas hindi pa ako nakakadalaw gawa ng maraming school work. Mas madalas umuwi si Dave kila lola pag linggo dahil tinatapos niya kaagad ang mga school work nila, hindi tulad ko.

Nagsuot lang ako ng simpleng black jumper partnered with white t-shirt at white shoes.

Buti hindi traffic papuntang marikina kaya maaga kaming nakarating kila lola, nadatnan naming busy si Lola at Tita Olive mama ni Dave sa pagluluto at paglilinis ng bahay kaya agad namin silang nilapitan para tulungan at upang magmano kay Lola at Tita gayun din si Dave.

"Tita ,Lola". Tawag ko sakanila na busy sa gawaing bahay.

"Reizel, buti napadalaw ka wala ka bang gagawin sa shool mo?" Bungad na tanong ni Tita Olive.

"Wala po Tita, ginawa ko na po nung nakaraang araw kaya magaan na po ang school work ko." Sagot ko sakanya

"Ah ganun ba, o ikaw soon to be Engineer Castro, kamusta pag aaral?" Seryosong tinignan ni tita si Dave.

"Okay naman ma, nagrereview na kami ni Markus sa  finals."Dagdag pa ni Dave.

"Atsaka wag mo muna akong tawaging Engineer Castro at baka di mangyari, Ma." Napakamot si Dave habang sinasabi yon.

"Mabuti, akala ko di ka mag seseryoso tulad nung elementary, pasaway ka."Pangaasar ni Tita Olive  kay Dave.

"Apo kumain na kayo, pagod kayo sa byahe." Singit ni Lola na nakatayo sa hapag kainan, lagi naman kami nagchachat at call ni Lola kaya alam namin na nasa magandang kalagayan siya.

Sobrang lapit ko sa Lola at Lolo ko dahil baby palang ako ay sakanila nako binilin nila Mommy at Daddy para makapagtrabaho sila bilang isang OFW sa Japan, Kahit anong occasion hindi ko sila nakasama, tanging call o minsan thru chat lang kami nakakapagusap.

Pero naiintindihan ko sila na kailangan nilang kumayod para sa pamilya namin kahit one and only child ako, dapat nga ay may kapatid ako kaso na kunan si Mommy nung nasa japan pa sila nag-tatrabaho dahil sa sobrang stress niya sa trabah,  nakakalungkot lang isipin pero ang mahalaga nasa mabuting kalagayan na si Mommy .

Umuwi ako ng mag isa sa mandaluyong, dahil sabi ni Dave ay may group work daw sila nila Mark kaya maaga siyang sinundo non sa Marikina, at ako ang naiwan mag isa.

Naiwan kami sa bahay ni Lola dahil si Tita Olive ay nag grocery ng kailangan sa bahay, siguro hihintayin ko si Tita bago ako umalis ayoko kasing iwan si Lola.

"Apo" Mahinang tawag ni Lola, palabas ng kwarto niya.

"Bakit po lola? "Umusad ako ng konti para makaupo si Lola sa sofa.

"May manliligaw ka ba apo?"Nakangiti niyang tanong sa akin.

"Huh?! po.... wala pa po lola." Gulat kong sabi

"Apo alam mo naman na gusto kong makahanap ka ng lalaking irerespeto ka at mamahalin tulad ng pagmamahal namin sayong mga nakapaligid sa iyo" Sabi niya habang hawak hawak ang aking kamay.

"Oo naman po lola" Laging sinasabi ni Lola sa akin 'yon dahil ayaw niya akong matulad sa mga magkakarelasyon na nagsasakitan, dahil ayaw ni Lola na nakikita akong umiiyak dahil sa mga ganoong bagay.

Umuwi na din ako kaagad nang dumating si Tita, dahil ayokong maabutan ako ng traffic, buti nalang nakasakay ako agad ng taxi.

Pagdating ko ay nakita ko agad si Sandra,na naka lapag ang bag sa coffee table mukhang kakarating lang din niya galing sa kanila.

"Umalis ka din pala." Sabi niya sakin habang nilalabas ang pagkain na pinamili niya.

"Ah oo, wala naman masyadong gagawin kaya dumalaw din ako kay Lola." Sagot ko sakanya.

"Kasama mo si Dave?"Tanong niya.

"Ah oo, nagpasama ako tas iniwan din kasi may gagawin daw sila ni Mark."Sagot ko sakanya at tumango lang siya sa akin.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya ulit habang nagaayos.

"Yup." Maikling sagot ko.

"Ay by the way girl,may pinapabigay si mama sa'yo"Sabi ni Sandra.

"Teka ito o," Sabi niya, habang kinukuha ang isang paper bag sa coffee table.

"Alam kase ni Mama paborito mo 'tong peanut kisses kaya binilhan ka niya." Pagdugtong niya.

"Nag bohol pala sila Tita"Sabi ko.

"Oo bumisita don sa mga kamag-anak namin. Sayang nga lang di ako nakasama pero next time daw sama tayo ng mga homies."Sabi ni Sandra

"Pasabi kay Tita thank you dito Sandra." Masaya kong sabi kay Sandra.

"Sure."Sagot niya sakin bago bumalik sa pag-aayos ng mga pinamili niya.

Dumiretso nako sa kwarto para ipatong ang gamit ko sa study table at kumuha nang damit dahil mag shower at skin care ako bago matulog.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon