@NateGarcia02: Busy?
Naisipan ko i-chat si Reizel, habang inaantay sila Ally maglalaro kasi kami ngayong gabi kaso may mga ginagawa pa daw siya, kaya kausapin ko muna si Reizel.
Notification🔔
@Reizel_cruz: Hindi naman
@Reizel_cruz: Bakit mo natanong?Ang bilis mag-reply sabagay online na siya kanina pa.
@NateGarcia02: Call?
@Reizel_cruz: Pwede naman
@NateGarcia02: Video call or call?
@Reizel_cruz: ikaw bahala :))
Agad ko siyang tinawagan pagka-reply niya.
"Hello?" Sabi niya pagkasagot sa tawag ko.
Kabado ata 'tong kausap ko haha. Pero ang cute ng boses niya.
"Hello," Nakangiti kong sabi.
"Bakit ka nga pala tumawag?" Nagtataka niyang tanong sa akin.
"Wala naman, gusto ko lang ng kausap" Simpleng sagot ko.
"Na saan kaba?" Sunod niyang tanong.
"Ako lang mag isa sa condo haha." Nakatawa niyang sabi.
"Ah malungkot nga mag isa"
"Samahan mo'ko dito para di ako magisa" Pabiro kong sabi.
"Ano ginagawa mo?" Dagdag ko.
"Kanina nagbabasa ngayon nakahiga na."
"Ikaw?" Pabalik niyang tanong.
"Nakahiga din," Sagot ko.
"Patingin nga kung nakahiga ka talaga"
"Ayy joke lang." Sabi niya sabay bawi sa sinabi niya.
Hindi siya naniniwala.
"Patingin din kung nakahiga ka," Pabalik kong biro sakanya.
Notification🔔
@Reizel_cruz: sent a photo.
@Reizel_cruz: sorry ang panget.Agad kong tinignan yung sinend niyang picture.
"Anong panget diyan ang ganda kaya tsaka ang cute haha," Sabi ko habang tinitignan yung picture niya.
Agad kong sinave yung picture niya at ginawang home wallpaper.
Ang cute kasi ng baby ko. Joke.
Crush ko lang baka hindi ako type. Ouch..
@NateGarcia02: No,maganda ka Catelyn:)
"Ally, sabihin mo pipicturan mo kaming dalawa dali," Makulit kong bulong kay Ally.
Wala kasi yung mga kaibigan niya kasama nila Cedric at Alex, kami lang nila Neon, Lianna at Reizel ang natira.
"Sige, para sa crush mo haha." Natatawang sabi ni Ally.
"Mukhang sign na, bro para sabihin mo kay Reizel na may gusto ka na sakanya haha," Sabi ni Neon sa akin habang pinapanood namin silang maligo sa dagat.
"Baka sa susunod umamin ako, sana noon mo nalang siya pinakilala sa akin haha," Sabi ko kay Neon.
"Sana nga kaso daming nakapila sayo dati haha." Biro ni Neon bago kami sumunod sakanila.
BINABASA MO ANG
Healing Art Of Love (SLS #1)
Teen FictionSOLASTA LEAL SERIES #1 Reizel Cruz, a student from DLSU architecture, is known for being supportive to her friends, intelligent, and most of all lovable girl. Until she met a med student, Nate Zamuel Garcia who studied in UP, who came from a family...