030

315 19 1
                                    

"Wala na ba kayong nakalimutan?" Tanong ni Mark sa amin.

Nasa main entrance kasi kami inaantay sila Neon dumating gawa ng pinagawa nila yung van dahil nasira nung isang araw.

"Wala na pre," Sabi ni Dave sakanya.

"Na saan na daw sila Neon?" Tanong ni Aleckza.

"Parating na daw sila Aleckza." Nakangiting sabi ni Cedric.

Maya-maya lang ay busina na yung van na papasok sa harap ng entrance.

"Sakay na." Sabi ni Neon sa bintana.

Bumaba si Nate sa shotgun seat para makipagpalit kay Cedric samantalang si Neon naman ang driver namin ngayon.

"Oh,dating pwesto ah." Sabi ni Mariz.

"Tabi tabi ang magjojowa kamo." Natatawang sabi ni Lei.

"Tara Alex dito tayo sa second row." Aya ni Ally.

Ibig sabihin katabi ko ulit si Nate pero nasa window seat ako.

"Matulog ka muna. Kung gusto mo sumandal ka sa akin." Mahinang sabi ni Nate sa akin sabay tapik sa braso niya.

"Sige, hindi pa naman ako inaantok." Sabi ko sakanya bago humarap sa bintana.

"Nate, papakuha ko na ba yung sasakyan mo?" Tanong ni Ally sakanya.

"Oo, Ally." Sagot ni Nate sakanya.

"Sarap ng tulog mo?" Sabi ni Nate nang magising ako.

Nakatulog nga ako ng nakasandal ang ulo sa braso niya medyo mahaba haba din ang tulog ko gawa ng maaga kaming umalis.

"Malapit na tayo?" Tanong ko kay Nate bago ako maghikab.

Nilingon ko sila sa likod at nakitang mga tulog din sila at tanging si Mark at Lianna lang gising sa likod.

"Isang oras nalang daw sabi ni Neon nasa manila na tayo." He said and gave me a smile.

"Okay"

"Tulog ka ulit." Malambing niyang sabi.

Agad akong sumandal sakanya, sinandal din niya ang ulo niya sa akin matutulog din siguro siya.

"Nandito na tayo sainyo, Allyana." Narinig kong sabi ni Neon kaya agad kong tinignan si Nate.

"Nate? nandito na kayo sa bahay ni Ally." Pabulong kong sabi sakanya habang nakasandal siya sa akin.

Sila Ally at Alex bumaba na, si Cedric naman mukhang sa amin sasabay.

"Sumama ka sa akin, Catelyn." Sabi ni Nate sabay hawak sa kamay ko.

"Woi! Saan mo dadalhin si Reizel?" Gulat na tanong ni Neon.

"Hawak kamay yii!" Kinikilig na sabi ni Mariz samantalang naka tingin naman sila Sandra kay Nate.

"Bakit ako sasama sayo?" Tanong ko kay Nate.

"Ako maghahatid sayo, Catelyn." Sabi ni Nate habang nakahawak pa rin sa kamay ko.

"Sama kana Reizel haha, wala ka rin kasama sa condo uuwi ako kila mama." Natatawang sabi ni Sandra.

Teka hindi ko alam na uuwi siya sakanila.

"Sige na Nate ikaw na bahala sa kaibigan namin haha." Dagdag ni Lei.

Agad kinuha ni Nate ang back pack ko na nakalagay sa harapan ko, at sumunod na din ako sakanya palabas ng van hawak hawak pa din niya ang kamay ko.

"Ba-bye lovebirds!" Mapangasar na sabi ni Neon nang makalabas kami bago sila umalis.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon