038

285 16 0
                                    


"Nate,hindi ako available sa weekend." Sabi ko kay Nate, habang kumakain kami.

Every weekend kasi kami nag d-date ni Nate gawa ng busy kami pag weekdays.

"Bakit?" Napatigil siya sa pagkain niya.

Hindi ko pa kasi nasabi sakanya na uuwi na sila Mommy dahil 3 weeks nalang graduation ko na.

"Susunduin ko sila Mommy." Sabi ko.

"Akala ko a day before nung graduation mo?"

"Excited umuwi sila Mommy haha," Natawa kong sabi.

"Tayo nalang ang sumundo sakanila, don't worry sasakyan ko nalang gamitin natin," He said and gave me a sweet smile.

"Seryoso ka?" Tanong ko sakanya.

"Oo, wala na naman kaming masyadong gagawin e, graduation na din namin sa susunod na araw." Nakangiting sabi niya.

"Halos mag kasunod lang pala graduation natin 'no."

"Oo nga e, Architect na yung Archibaby ko haha." He said softly sabay pisil sa pisngi ko.

"Doc! sinaktan mo naman yung Archibaby mo e!" Sabi ko at umarteng parang bata.

"Shh, hindi pa ako Doctor haha," Natawa niyang sabi.

"kahit na dun pa rin naman ang bagsak mo e." Sabi ko sakanya.

"E, kung pakasalan na kita dun din naman tayo mauuwi, Catelyn haha." Pabalik niyang sabi sa akin.

"Teka, may usapan tayo nila mommy diba? na mag tapos ka muna bago yung mga ganyan haha," Natawa kong sabi.

Masyadong excited ah. Isa't kalahating taon pa nga lang kaming dalawa eh.

"Oo nga pala," Natawa niyang sabi.

Pagkatapos naming kumain sa labas ni Nate ay dumiretso kami sa condo ni Ally dahil may ibibigay daw kasi siya sa aming dalawa ni Nate.

"Oh hey, Nate." Bati nung lalaking nag bukas ng pinto sa unit ni Ally.

Ngayon ko lang siya nakita and mayaman din ang dating and pang model ang datingan niya.

"Zayden," Nakangiting sabi ni Nate sabay tapik sa balikat nung lalaki.

Mas matangkad sakanya ng konti yung Zayden. Agad din naman niya kaming pinapasok sa loob.

"Sit down first, I'll just call my girl." Nakangiting sabi ni Zayden bago pumasok sa kwarto.

Siya pala yung boyfriend ni Ally na nagmamayari nung Zadaya Airlines.

Nilibot ko nang tingin ang condo ni Ally, ngayon lang kasi ako nakapunta sa condo niya, lagi kasi kaming sa bahay nila pumupunta.

Mas maganda ang interior nung condo niya kaysa kay Nate, sabagay babae kasi siya kaya maraming alam sa mga design. Meron din siyang mga picture na nakasabit sa wall at mga naka display, may picture din sila ni Nate don, mayroon din naman na group picture kasama sila Neon, family picture, meron din kasama yung mga kapatid niya and yung mga nakasabit naman is yung family picture nila and yung picture nilang dalawa ni Zayden kuha galing sa ibang bansa.

"Hello, lovebirds haha." Bati sa amin ni Ally pagkalabas niya sa kwarto kasama si Zayden na nakaphone sa likod niya.

Agad kaming tumayo ni Nate para batiin si Ally, si Nate naman niyakap ng mahigpit si Ally lagi naman ganon ang ginagawa niya kahit araw-araw silang nagkikita ako naman bumeso kay Ally.

"Kumain na kayo?" Tanong niya sa amin.

"Yeah, nag date kami ng Archibaby ko e." Nakangiting sagot ni Nate, sabay akbay sa akin.

"Oh by the way Zel, si Zayden boyfriend ko, Zayden siya yung sinasabi kong girlfriend ni Nate." Masayang sabi ni Ally.

"Zayden Chase Gatchalian, ikaw pala yung topic nila Nate madalas, ikaw pala yung Archibaby haha," Natawang sabi ni Zayden sa akin at nakipag shakehands sa akin.

Agad naman kaming nagtawanan nila Nate bago bumalik sa upuan.

"May graduation gift kami ni Zayden sa inyong dalawa." Sabi ni Ally sa amin, bago i-abot yung dalawang color black na paper bag.

"Prank 'to Allyana?" Pagbibiro ni Nate habang binubuksan yung regalo.

"Luh sana okay ka lang, cuz haha" natawang sabi ni Ally kaya natawa din si Zayden na nasa tabi niya naka tingin sa reaksyon naming dalawa ni Nate.

"Thank you sa gift, Ally and Zayden." Nakangiting sabi ko sakanilang dalawa.

"Your Welcome Architect. Garcia, hala sorry I mean Architect. Cruz hahaha." Pabirong sabi ni Ally sa akin.

"Bagay pala dalhin ng Architect yung surname ko." Nakatawang sabi ni Nate, sabay hawak sa kamay ko.

"Ano? 'sana all' nanaman ba sasabihin mo Allyana faye?" Biro ni Zayden sakanya at agad naman kaming tumawa ni Nate.

"No." Natawang sani ni Ally sakanya, sabay hampas sa braso niya.

Notification🔔

@NateGarcia02: miss na kita agad:((
@NateGarcia02: Love you, Catelyn

Nag message bigla si Nate sa akin pagkapasok ko sa condo.

Kakahatid lang miss na ako agad ng boyfriend ko..

Pinatong ko muna ang bag ko at yung regalo nila Ally sa akin.

@Reizel_cruz: miss na din kita:((
@Reizel_cruz: magkikita naman tayo sa graduation mo e haha.
@Reizel_cruz: love you too, Zamuel

@NateGarcia02: tumira ka nalang kaya dito sa condo ko haha.

"Kung pwede lang haha." Natawa kong sabi pagkabasa ko sa message ni Nate.

@Reizel_cruz: Nako, tumigil ka nga diyan haha.

"Mag kaibigan nga lang kami no'n! Ano ba Sandra!?" Seryosong sabi ni Dave pagkalabas nila sa kwarto ni Sandra.

Patay nagaaway sila.

"Dave?! sana okay ka lang ah, may convo kayo nung Franchezca na 'yon!" Naiiyak na sabi ni Sandra kay Dave.

Teka?! si Franchezca yung ka blockmate namin ni Sandra?

"Binasa mo ba mula sa simula?!" Mahinahong sabi ni Dave kay Sandra. "Alam mo bang tinutulungan ko yun kay Alvin, hindi kasi marunong makipag landian kaya hindi mapansin ni Alvin." Pagpapaliwang niya.

"Hindi." Sagot ni Sandra sabay nag crossarm napatigil din siya sa pag iyak at napaisip sa sinabi ni Dave.

"Akala ko hiwalayan na haha,"  Pagbibiro ko sakanila bago pumasok sa kwarto para magpahinga na.

"Suyo lang ng engineer haha" Natawang sabi ni Dave bago tabihan si Sandra.

Pagkapasok ko sa kwarto ay nagbihis ako kaagad, pagkatapos kong magbihis ay umupo ako sa kama sabay kuha sa regalo na binigay nila Ally sa akin at binuksan 'yon.

Binigyan nila ako ng t-shirt na color black na may nakalagay na 'My Best Doctor' at sa likod may may pangalan ni Nate, pareho kami ni Nate na binigyan ng gantong t-shirt, kaso ang nakalagay sakanya 'My Best Architect' at pangalan ko naman ang nakalagay.

Ang cute sana one time suotin namin ni Nate yung binigay nila Ally na couple shirt.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon