011

325 19 2
                                    


"Hoy Dave! Ikaw na ang sasayaw kay Nica oh." Sabi ni Lei sabay kalabit sakanya na busy mag type sa phone.

"Eh?! ako na pala shet!" Gulat niyang sabi atagad din tumayo bitbit ang red rose papunta kay Nica na nakatayo sa harap.

Pagkatapos ni Dave ay sunod naman na tinawag si Mark,kasunod din niya si Jaiden yung kasama ni Nica sa grand entrance niya ,habang sinasayaw ni Jaiden si Nica ay biglang may sinabi si Neon sa amin.

"Nica has a crush on Jaiden." Nakatawang sabi ni Neon, habang pinapanood ang kapatid niyang isinasayaw sa harap.

"Ay wow." Gulat na sabi ni Sandra.

"Nica, has a good taste ah." Sabi ni Lianna.

"Oo nga eh. That boy is handsome din." Singit ni Anjela na nagsasalin ng wine.

"For sure crush back agad 'yang si Nica hahahaha." Dagdag ni Lei.

"May kapatid ba 'yang si Jayden ,Neon?" Tanong ni Mariz

"Thank you Jaiden Garcia....For our 16 rose may I call on Nate Garcia." Sabi nung emcee.

Nang banggitin nung emcee ang pangalan ni Nate, bigla akong napalinggon sa lalaking naglalakad papunta sa harap.

"Nagtatanong ka kanina Mariz kung may kapatid si Jaiden diba? Well ayun sinagot na nung emcee hhahaha." Natatawang sabi ni Lei kay Mariz na nakatitig sa harap.

"Nate Garcia is Jaiden's brother, he is also my bestfriend since elementary." Pagdugtong ni Neon,sabay turo kay Nate na masayang sinasayaw habang kinakausap niya si Nica.

"Ayy gago?!" Bulong na sabi ni Sandra.

"Wait diba 'yan yung nasa UP oval?" Singit ni Mark, sabay tingin sa amin.

"Hoy Reizel?" Kalabit ni Mariz sa'kin,napansin niya siguro kanina pako nakatitig kay Nate.

"Hold on, you guys know him?" Nagtatakang tanong ni Neon.

"Oo,pero si Reizel dapat tanungin mo haha." Pabirong sagot ni Dave,sabay tingin sa'kin at binigyan ako ng nakakalokong tawa.

"Tama,gulat nga kami close sila eh," Dagdag ni Sandra.

"Kilala lang." I clarified at agad namang nagtawanan ang mga kaibigan ko.

"Hala, what a small world ah, sabagay kilala pamilya nila." Singit ni Lei

"Pa'no mo nakilala si Nate?" Natatawang tanong ni Neon sa akin.

"Uh. Sa bar ni Lei nagkaroon lang ng small conversastion nung nakita ko siya sa park." Pagkukuwento ko sakanila, tumaggo si Neon na mukhang kumbinsado sa sinabi ko.

"Aha! mukhang may ship na tayo ah." Mapangasar na sabi ni Lianna. Buti di nila ako pinagtulungan.

Tinawag na din kasi si Neon para isayaw ang kapatid niya para sa 17 rose, habang magkayakap na sinasayaw ni Neon si Nica harap ay naisipan kong kuhaan sila nang picture at i-post sa IG ko 'yon.nilagyan ko din ng caption na 'Siblings.......HAPPY 18TH BIRTHDAY LIL SIS' at i-tag silang dalawa.

Pagkatapos ni Neon isayaw si Nica ay bumalik siya table pero kasama si Nate at si Cedric na nagtatawanan papunta sa table namin.

"Nate, kilala mo na daw mga kaibigan ko."Natatawang sabi ni Neon na nakaakbay kay Nate

"I know them also Neon." Singit ni Cedric at nginitian kami.

"Yeah, also Reizel." Sabi ni Nate sabay tingin sa gawi ko ,matagal niya akong tinignan pati ang suot ko.

Scanner ata mata nito.

"Pupunta kayo mamaya?" Tanong ni Dave kila Nate.

"Oo naman... Dave, right?" Nagaalangan na tanong ni Cedric. Tumango naman si Dave.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon