12-HOURS ahead ang oras ng Pilipinas sa Toronto, Canada. Lumipad ang eroplano exactly 9:30 AM GMT-4 dito sa Toronto International Airport kaya expected na makakarating ako ng gabi o madaling araw na. Sabihin na nating 14 hours ang total flight duration ng Canada papuntang Pilipinas at hindi pa riyan kasama ang oras ng pag-landing ng eroplano at pag-alis sa airport. Medyo hussle, ngayon lang ulit ako nakasakay ng eroplano pagkatapos ng matagal na taon.
“Good evening, ma'am.”
Napalingon ako sa isang babaeng cabin crew sa kaliwa ko. Naibaba ko iyong magasin na binabasa ko at binalingan ito ng pansin. “Yup?”
“Which do you prefer to have dinner: chicken, pork or fish?” tanong nito habang nakangiti sa akin. Ang ganda niya, tila bituin na kumikinang sa langit ang ngiti niya. Bagay niya rin ang pagkaka-bun ng kanyang buhok, mas malinis itong tingnan.
“Is the chicken fried?”
“Yes, it is fried, ma'am,”
Ibinaling kong muli ang tingin sa magasin. “What about the pork?”
“The pork is grilled, ma'am. It is marinated in tomato sauce and served with vegetables.”
Tinanguan ko ito at bahagyang ngumiti. “I would like to have that dish...”
“The fried chicken, ma'am or the grilled pork?”
“Grilled pork.”
Ito lang 'yong ayaw ko sa mga cabin crew, ang daming tanong. Pero puwede na, nakatutulong naman sila sa pagse-serve ng mga pagkain sa mga flight passengers at isa ring karangalan iyon sa mga cabin crew.
“Which beverage would you like to drink—”
Binalingan ko ito ng isang nakakalisik na tingin at ngiti. Medyo naiirita na 'ko sa babaeng 'to. But I can handle the shit I have. I still can control myself though. Maganda naman siya and she don't deserve to be maltreated. Everyone doesn't deserve to be maltreated. Kahit sino pa 'yan.
“I would love to drink cola for my dinner...” sagot ko. Ibinaba ko 'yong table sa harap nang i-serve ng cabin crew iyong pagkain ko.
“Enjoy your meal, ma'am!”
Tinanguan ko ito kasabay nang paghawak ko sa kutsara't tinidor. “I will. Thank you!”
After how many minutes ay natapos na rin ako sa pagkain. Tinakpan ko ang aking bibig upang sa gayon ay hindi marinig ng lahat ang pagdighay ko. That was a delicious meal they have ever served.
Nagpupunas pa lang ako ng bibig ay saka namang muling dumating 'yong cabin crew. “Would you mind giving you this dessert?”
“Sorry, but I don't eat sweets...”
Sabay turo doon sa cupcake. Wala na 'kong nagawa nang ilapag niya iyon sa mesa ko. “Someone wants to give you this but he's a little bit shy to face you, so I insist...”
“Who?”
Nagkibit-balikat na lamang ito at ngumiti ng nakakaloko. “Excuse me, ma'am.”
Bahagya akong tumayo at tiningnan lahat ng passengers. Wala naman ni isang nahagilap na kakaiba iyong mga mata ko. Lahat sila ay abala sa pagkain ng hapunan. Nabigo ako sa paghanap ng kung sinong lalaking nagbigay ng cupcake sa akin kahit hindi naman talaga ako kumakain ng mga matatamis.
Iginilid ko iyong cupcake sa corner ng table at binalewala iyon. Isinuot kong muli iyong headset sa ulo ko at inayos 'yong kumot sa lap ko. Hanggang sa lumipas ang mga oras ay hindi ko namamalayang nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart [COMPLETED]
RomanceFormer Title: My Secret Heart Hindi akalaing magiging misteryoso ang buhay ng dalagang si Nicole Ayesha Arcueda nang pumanaw ang kanyang minamahal na ama. Noon pa man ay papa's girl na ito kung ituring ng kanyang ina. Hindi maipinta ang galit sa pus...