KUNG sino man ang lalaking iyon, hindi niya ako binigyan ng kapahingahan. Naiinis ako. Bakit ba kailangan kong isipin ang lalaking walang kwenta na iyon?
Nakarating naman ako kaninang madaling araw sa mansion ng maayos. As usual, hindi na nga ako sinundo ni mama, hindi niya man lang inabangan ang pagdating ko sa bahay. Parang walang nangyari, para akong hangin na pumasok lang sa loob na tila walang nakaramdam.
Napalingon ako sa gawi ng pinto nang biglang may kumatok. Binitiwan ko iyong magasin na binabasa ko at tumayo para buksan iyong pinto.
“Good morning, Aye!”
Nagulat ako sa bati ni yaya Fe. Halos mahawakan ko ang dibdib ko dahil sa gulat.
“You scared me to death, yaya! Good morning...”
Natawa na lang kami pareho dahil sa nangyari. “Pasensya ka na! Masaya lang ako at nakabalik ka na!”
“Salamat po, yaya!”
“Ahy, siya nga pala... tinatawag ka na sa ibaba! Handa na ang agahan. Hinihintay ka na rin ng mama mo, sabik na sabik na siyang makita ka...”
Nawala ang saya sa mga labi ko. Tila huminto na naman ang orasan. I was expecting my mom to fetch me at the airport pero tila nasira lamang ang araw ko. Kung gusto niya 'kong makita, kung sabik na sabik na siyang makasama ako, she would make an effort to show it. Pero bigo na naman ako. Binigo na naman ako ni mama.
Pagkarating ko sa kusina ay agad kong nakuha ang atensyon nilang lahat.
“Ate! Ate Nicole!”
Tumayo sa kinauupuan nito si Nheia at tumakbo palapit sa akin. Niyakap ako nito ng mahigpit. Ramdam ko kung gaano niya 'ko ka-miss. She's my half sister at limang taon ang agwat naming dalawa.
“You are finally home! How I missed you, ate!”
Hindi ako sanay. Noon pa man ay hindi ko inisip at itinuring kapatid si Nheia. Hindi kami ganoon ka-close pero sinusubukan ko namang mapalapit ang loob ko sa kanya.
Kumawala ito sa pagkakayakap niya. Kitang-kita ko ang malawak niyang ngiti. 'Yon bang parang itinuturing niya akong tunay niyang ate.
“I-I missed you too...” mahinang sambit ko. Pilit akong ngumiti. Hindi ko alam ngunit tila limitado ang paggalaw ko nang magkatinginan kami ni mama at ni Tito Alfred, ang kanyang asawa.
“I'm happy na makakasama ka na ulit namin, ate. Alam mo, ate, sobrang dami kong iku-kuwento sa iyo. Lalo na 'yong bagong pinapasukan kong University, alam mo ate sobrang laki niyon. After the Christmas break, ipapasyal kita ro'n...” dire-diretso niyang sambit.
Naupo na kami at nagsimulang kumain. Kaharap ko sa gilid si Nhea habang si mama ang nasa harap namin, si Tito Alfred naman ay kaharap ni mama.
“Nheia, hayaan mo munang mag-enjoy rito ang ate mo. Alam kong marami siyang namiss na lugar dito, at hindi niya palalampasing puntahan ang mga iyon,” singit ni mama at nginitian ako. Nagpatuloy lamang ako sa pagkain.
Naninikip ang dibdib ko, tila hindi ako magalaw sa kinarorooanan ko.
“May next time pa naman right, ate?”
Nagkatinginan kami nito. “Of course, Nheia.” Yumuko akong muli at ibinalik ang atensyon sa pagkain. Ni hindi ko masyadong ginagalaw ang mga ito, nawawalan ako ng gana.
“By the way, Aye—”
Hindi ko na pinatapos si mama sa sasabihin nito. Matagal ko nang kinalimutan ang pangalan na iyan. “Nicole, ma. It's Nicole...” sambit ko nang hindi ito tinatapunan ng pansin.
“O-Okay... How's your flight? Siguro ang hussle ng biyahe mo pauwi.”
Bago pa man ako makapagsalita ay tumayo na si Tito Alfred. “I have to go. May meeting pa ako sa mga Salvador. I'll see you guys tonight.”
Napansin ko ang paglapit niya kay mama at kung paano niya ito halikan sa labi.
Sa harap ko pa talaga!
“Take care,” wika ni mama.
“Bye, dad!” Niyakap din nito ang papa niya sabay halik sa pisngi.
Yumuko na lang akong muli. Parang kailan lang ay ganito rin ang ginagawa ni papa sa tuwing mauuna siyang umalis para magtrabaho. Nakaka-miss lang balikan ang mga ala-alang dating kumumpleto sa pagkatao ko.
Tila may tinik na nakabara sa aking puso nang makitang may iba ng pamilya ang mama ko. I'm happy for her though I am still uncomfortable.
“So, Nicole, kumusta ang biyahe? Hussle?”
Napairap ako sa kawalan. Hindi ako sanay na lagi niya akong kinakausap. “Hindi magiging hussle ang biyahe kung hindi ka nag-request kay Tita Olivia na pauwiin ako rito.”
Ilang segundong natahimik ang lahat. “Nicole... I just want to spend Christmas with you. At saka... gusto kitang makasama. Binabalak ko ngang... i-transfer ka na rin sa school ni Nheia.”
Huminto ako sa pagkain. “I came here for vacation. After this... babalik ako sa Canada. 'Yon na 'yon, I don't want to stay here with you...” prankahang sumbat ko kay mama.
I can't control myself. Gusto ko lang naman ipamukha sa kanya na kaya ko na ang sarili ko without depending on her. 'Yon naman ang gusto niya, 'di ba?
“A-Ate? You mean... you don't want to be with us?”
Lumipat ang tingin ko kay Nheia.
Nginisian niya ako. Hindi ko nagustuhan iyon. “Look, you've been in Canada for almost six years! Six years, ate Nicole!” dagdag pa niya.
“Why are you shouting at me?” Hindi ko akalaing magagawa niya sa akin iyon. “Did I shouted at you?” dugtong ko ng may halong pagkainis.
“Whatever! Ang sabihin mo... ayaw mo kay mama. You don't want to see her. You don't love her!”
Binitiwan ko 'yong kutsarang hawak ko. “You don't have the right to say that to me, Nheia.”
Inalis ko iyong panyo sa lap ko at padabog kong ibinaba iyon sa upuan.
“Nicole! Nicole, sandali!”
Hindi ko pinakinggan si mama at nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko rin alam na nakasunod pala sa akin si mama sa likod.
“Anak, sandali...”
Hinawakan nito iyong kamay ko dahilan ng pagtigil ko sa paglalakad. Hinarap ko si mama.
“Ano ba talaga ang rason at bakit mo 'ko pinauwi rito? Ang tahimik na ng buhay ko sa Canada tapos bigla kong malalaman na pinapauwi mo na 'ko sa Pilipinas. For what? For my daddy's death anniversary?” Tumawa ako ng pagak. “Talaga lang, huh? After all things happened... may lakas ka pa ng loob na i-celebrate ang pagkamatay ni papa—”
Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko. Pinipigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko inaasahang magagawa niyang sampalin ang sarili niyang anak.
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart [COMPLETED]
RomanceFormer Title: My Secret Heart Hindi akalaing magiging misteryoso ang buhay ng dalagang si Nicole Ayesha Arcueda nang pumanaw ang kanyang minamahal na ama. Noon pa man ay papa's girl na ito kung ituring ng kanyang ina. Hindi maipinta ang galit sa pus...