NICOLE AYESHA
NAGLALAKAD kami ni Nheia sa parke, ine-enjoy ang ganda ng tanawin. Hindi gaano karami ang tao kaya hinayaan ko na lang si Nheia sa gusto niya. Gusto niyang maglakad-lakad, ayoko sana dahil baka mabunggo pa siya ng kung sino-sino at baka mapano siya.
Bitbit ko ang mga pinamili namin kanina sa mall. Habang naglalakad kami, hindi mawala ang tingin ko sa kapatid ko. Nakangiti siya na animoy walang dinadalang problema. Hawak niya 'yong mini fan at itinutok niya iyon sa bandang leeg niya. Sinadya kong bilhin yon para hindi siya pagpawisan.
"Gusto kong ibigay sa 'yo 'to, ate..."
Napahinto kami sa paglalakad nang may inilabas itong isang ticket at inilahad sa harap ko.
"Coupon 'yan sa bagong bukas na coffee shop malapit dito. Punta ka. Nagpa-reserve ako ng special treats just for you... tanggapin mo na!" nakangiting aniya na animoy pinipilit akong kuhanin iyon. "Sayang naman kung hindi magagamit 'yan. Sayang din 'yong pina-reserve ko."
"Para sa akin lang 'to?"
Tumango ito bilang sagot. "At saka, para makapag-unwind ka naman. Ang ganda ng mga decorations sa loob, napaka-homey."
"Bakit ako lang? Tayong dalawa na lang kaya ang pumunta..."
Umiling ito ng ilang beses. "No, no, no. One coupon, one person. Kaya pumunta ka na. Para sa iyo talaga 'yang coupon na 'yan. Pumila pa 'ko noong isang araw para makuha 'yan, para sana kahit papaano, unti-unti na akong nakakabawi sa iyo. For now, mas mabuti sigurong makapagpahinga ka, mabigyan ng space para makapag-isip-isip..."
"Paano ka? Hindi naman puwedeng ikaw ang bibitbit ng lahat ng ito, Nheia?"
Kinuha niya sa akin lahat ng pinamili namin. "Kayang-kaya ko 'to. May nakuha na akong taxi, any time... narito na 'yon para sunduin ako. I'll be fine, don't worry."
Wala na akong nagawa kundi tanggapin 'yong coupon na ibinibigay niya. "Siguraduhin mong ite-text mo 'ko kapag naka-uwi ka na..."
Nginitian niya ako. "I will," simpleng tugon niya at saka na ito tumalikod para maglakad palayo.
Tumalikod na rin ako at nagsimulang magmartsa papunta sa coffee shop na tinutuloy ni Nheia. Base roon sa coupon na hawak ko, malapit lang ang shop nila mula rito sa parke.
Alam kong gusto lang ni Nheia na makabawi. Nasobrahan naman yata ang kabaitan niya. At saka ayoko ring sayangin ang effort ni Nheia na makuha ang coupon na 'to. Siguro talagang nag-e-exert siya ng effort para mapagtrabahuan ang tiwala ko na minsan niya nang sinira.
Tumunog ang bell sa taas nang itulak ko 'yong pintuan ng coffee shop. Lumapit ako sa counter at ipinakita 'yong hawak kong coupon.
"Is this still available?" tanong ko.
"This way, ma'am..."
Tinanguan ko 'yong babae at sinundan na lamang ito kung saan niya ako dadalhin. Umupo ako sa itinuro niyang puwesto. Gaya ng sabi ni Nheia, maganda nga rito at napaka-homey ang dating. Pagpasok ko pa lang, alam kong mare-relax na ako. Tama rin ang napiling shop ni Nheia, wala halos katao-tao rito at iyon ang gusto ko. Ako lang yata ang customer ngayon, ah.
Mayamaya pa ay may inilapag na mga pagkain 'yong waiter. Hindi ko alam pero napapangiti ako sa mga oras na 'to. May ibang pakiramdam sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.
"Thank you..." paghingi ko ng pasasalamat bago umalis 'yong waiter.
May sinerve silang caramel macchiato na coffee, dalawang flavor ng pies at cakes. Ngunit isa lang ang napukaw ng atensyon ko, ang nag-iisang maliit na strawberry flavor na cupcake.
Bigla ko tuloy naalala si Grant. Sana nasa maayos siyang kalagayan ngayon.
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart [COMPLETED]
RomanceFormer Title: My Secret Heart Hindi akalaing magiging misteryoso ang buhay ng dalagang si Nicole Ayesha Arcueda nang pumanaw ang kanyang minamahal na ama. Noon pa man ay papa's girl na ito kung ituring ng kanyang ina. Hindi maipinta ang galit sa pus...