Kabanata 14: Laro

11 0 0
                                    

NICOLE AYESHA

“TALAGA? Ano naman ang pumasok sa kokote niyong dalawa para gawin ang bagay na iyon? Wala kayo sa playground para maglaro!” panenermon ni Faye. Hindi rin nito nagustuhan ang mga ikinuwento ko sa kanya. Ngunit hindi pa rin nawala sa reaksyon ko ang pagtawa.

    “Pero... you know what, Faye? Ang saya ko. I just can't explain why—”

    Napahinto kaming dalawa ni Faye nang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Nheia. Nawala ang ngiti sa mga labi ko.

    “You're happy because?” aniya.

    Nagkatinginan kami ni Faye. Hindi ko alam kung bakit naitanong ni Nheia iyon. Depende na lang kung narinig niya ang pinag-uusapan namin ni Faye kanina. Kung ganoon, why is she affected? Kilala niya ba si Axl?

    “Wa-Wala. Your ate is just talking about sa K-Drama na napanood niya a while ago habang mag-isa siya,” palusot ni Faye. Naramdaman ko kung paano niya higpitan ang pagkakahawak nito sa kamay ko. Naisip ko na lang na iniba niya talaga ang kuwento kahit pa hindi naman namin pinag-uusapan ang tungkol sa K-drama na iyon.

    Tumangu-tango lang si Nheia. “Ahh... I see. Sabi sa akin ni mama wala ka raw makakasama rito so I came to accompany you.”

    “Dumating naman na si Faye kaya I have no problem with that.”

    Nginisian niya ako. “So you're telling me that you don't need me here?” natatawa pa ito.

    Umiling ako. “Ikaw ang nagsabi niyan...”

    “Look, ate... Could we just stop scolding each other? Nakakarindi na, eh...”

    Sumandal ako sa kinauupuan ko. “Ikaw ang nag-umpisa tapos sasabihan mo 'ko nang ganyan?”

    She rolled her eyes on me. Ikinangisi ko ang ginawa niyang pagtataray na iyon. Sa una, maganda ang pakikipaghalubilo nito sa akin ngunit habang tumatagal nakikita ko na kung ano ang totoong ugali nito.

    She's pissing me off!

    “Oh, c'mon! Just tell us the truth na bumalik ka lang dito sa Pilipinas dahil napilitan ka lang. In fact, hindi ka naman talaga kailangan ni mama, eh. She's happy with us. She's happy with her new family. At kami iyon,”

    Wala sa sarili akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila nang isang 'to.

    “Ano bang gusto mong palabasin?!”

    Natawa na lang ito bigla. Napakunot ang noo ko dahil sa mga inaasta niya. Hindi ko nagugustuhan ang mga iyon. “I don't like you—”

    I cut her off. “And so do I!”

    Nagkatinginan na lang kami pagkatapos niyon. Tila naglalaban kami ng mata sa mata. Isa rin pala siyang plastikada! Sa una, maganda ang pakikitungo niya pero may baho pa lang dinadala.

    “I'm just wasting my precious time here...”

    Padabog siyang lumabas ng kuwarto at pabagsak naman nitong isinara iyong pinto. Napa-iling na lang ako dahil sa ginawa niyang iyon.

    “Nakakaloka 'yang kapatid mo, ah!” reaksyon ni Faye na kanina pang nakatulala at pinapanood kami ni Nheia.

    “You mean... step-sister?” pagtatama ko. “Kahit anong sabihin niya, ako pa rin ang legal na anak ni mama.”

    “Ay, taray! Ano 'to? Kapag ba may legal na asawa, may legal din na anak? Mala-teleserye rin, ha!” natatawang aniya sabay higop doon sa milk tea na nakapatong sa side table ko. Katabi ko siya sa higaan at kanina pa kami nagchi-chikahan.

Tales Of The Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon