Kabanata 20: Pagsisinungaling

5 0 0
                                    

“KUMUSTA ang luto ko?” tanong ni mama habang tinitikman namin ang lutong ulam nito. Sabay-sabay na kaming naghapunan kasama iyong mga maid.

    Dahil sa tanong na iyon ni mama, sabay-sabay kaming nag-thumbs up. Ikinatuwa iyon ni mama, hindi maipinta ang ngiti sa kanyang mga labi. That was a priceless smile of her. Nahahawa ako.

    “Wala talaga kayong kupas sa pagluluto, tita!” papuri ni Faye.

  “Kung gusto mo, iuwi mo na lang 'yung isang putahe!”

    “Naku, tita! Hindi na po, nakakahiya naman...”

    Pasimple ko itong tinawanan. “Ikaw? May hiya ka pa ba? Sigurado ka? Kailan ka pa umatras sa mga pagkain, ha?”

    Siniko niya iyong braso ko. “Hoy, ano ka ba?! Syempre nagpapakipot pa ako! Pero sige tita, dadalhin ko na po 'yong isa...” Agad din pa lang nagbago ang isip niya. Alam ko namang hindi siya tatanggi kapag pagkain na ang pinag-uusapan.

    Natawa kaming dalawa ni mama. “Great!” Kinuha ni mama iyong pinggan ng ulam at ibinigay iyon kay manang. “Manang, pabalot naman 'to para kay Faye...”

    Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Si Faye ang tipo ng babaeng ni isang pagkain ay hindi niya tatantanan. Matakaw talaga siya ngunit hindi pa rin siya tumataba.

    Natapos ang ilang minuto ay natapos na rin kaming maghapunan. Nagpaalam ako sandali kay mama para ihatid si Faye sa labas. Anong oras na at kailangan niya na ring umalis. Medyo iika-ika pa ako maglakad kaya inaalalayan pa rin ako ni Faye.

    “Oh, dito na lang. Huwag ka nang lumabas at baka mahamugan ka pa...”

    Ikinatawa ko iyong sinabi niya. “Anong akala mo sa akin, sanggol? Pagkatapos mong iuwi 'yang ulam namin, gaganyanin mo 'ko?” Kunwari akong nagseryoso sa harap niya.

    “Joke lang! Hindi naman 'to mabiro.”

    Nginitian namin ang isa't isa at saka niya naman akp niyakap. “Kung kailangan mo 'ko, tawag ka lang...” bulong niya na ikinatango ko.

    “Oo na, umalis ka na at baka madatnan ka pa ng ulan. Medyo masama ang panahon, oh?!” sabay nguso ko sa kalangitan. Walang mga bituin, sobrang lungkot ng langit.

    “Magpagaling ka, ha? Dadalhin pa kita sa bar na pinagtatambayan ko kapag magaling ka na...”

    Pinaningkitan ko ito. “Hmm... gusto ko 'yang tono mo, kailan ba?”

    “Secret! Oh, sige na... mauuna na 'ko! Just call me whenever you want...”

    Kinawayan ko ito hanggang sa makasakay ito ng taxi pauwi. Napabuntong-hininga na lang ako at napatingala sa langit nang makaalis na siya. Wala sa sarili akong napangiti.

    Buti na lang nakaraos ang araw na 'to. Nakauwi kami ng ligtas at maayos. Siguro naman makatutulog na 'ko ng mahimbing.

    Kanina pa ako nakatingin sa kisame ng kuwarto ko. Madaling araw na pero hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Ano bang mayroon sa akin? Hindi mawala sa isip ko si Nheia. Nakauwi na kaya siya?

    Tumayo ako ng higaan at kinuha iyong cellphone ko sa side table. Iika-ika pa rin ako kung maglakad. Lumabas ako at tinungo ang kuwarto ni Nheia. Pinihit ko ang seradula, laking pagtataka ko na lang nang hindi naka-lock iyon. Pagtulak ko sa pinto ay nakita kong walang tao kaya tinungo ko agad ang kuwarto ni mama.

    “Where is she? Bakit wala pa siya?” bulong ko sa sarili ko.

    Kakatok na sana ako sa pinto ng kuwarto ni mama ngunit naalala kong baka mahimbing na itong natutulog. Kaya nagbakasakali akong pumunta sa kusina. Sakto namang nakita ko si manang na hanggang ngayon ay gising pa.

    “Oh, manang, bakit gising pa ho kayo?” sambit ko nang makita niya akong paparating. Nagpupunas ito ng mga pinggan at inaayos ang mga iyon sa cabinet. “Tulungan ko na ho kayo...”

    “Sige, salamat, anak ha?”

    Ngumiti ako. “Walang anuman po.”

    “Ikaw, bakit gising ka pa?”

    Inilagay ko 'yong mga natitirang plato sa cabinet at isinara iyon. Sa wakas ay natapos na rin si manang.

    “Manang, do you have Nheia's number po?” tanong ko kay manang.

    “Ahh, wala akong number ni Nheia, eh...” sagot nito.

    “Number ba ni Nheia kamo? Mayroon ako...”

    Napalingon kami ni manang sa likod nang dumating iyong isang kasambahay na may dalang hamper. Inilabas nito ang kanyang cellphone at agad ibinigay sa akin.

    “Salamat po...”

    Kinuha ko iyon at saka ginaya ang number nito sa cellphone ko. Ibinalik ko iyon nang matapos ako.

    “Ewan ko ba sa kapatid mo. Alam mo... minsan hindi talaga umuuwi ng bahay 'yang si Nheia.”

    Mas lalo akong naguluhan. “Sa-Salamat po...”

    Bumalik ako sa kuwarto at tumambay sa harap ng sliding window ko. May palabas pa kasi roon papunta sa veranda. Hindi na 'ko lumabas at tumayo na lang doon habang dina-dial ang numero ni Nheia.

    “Nhe-Nheia?”


     JENHEIA


NAUDLOT ang paghalik sa akin ni Rod nang biglang tumunog ang cellphone ko sa side table.

    “Wa-Wait!” sambit ko at kinuha iyong cell phone.

    “Who's that? Istorbo naman 'yan!” pagrereklamo nito at saka pinagpatuloy ang paghalik sa leeg ko.

    “Ano ba?! Dahan-dahan naman... don't make noise, okay? Para hindi tayo mahalata!” Napa-irap ako sa kawalan at sinagot ang tawag. “Hello?”

    “Nheia, this is your ate Nicole. Where are you?” sambit nito sa kabilang linya.

    “Ano bang paki mo? At saka... bakit ka ba tumawag, ha? Why don't you just sleep and mind your own business?”

    Napapaawang ang bibig ko dahil sa ginagawa sa akin ni Rod. Patuloy ang paghagkan niya sa leeg pababa sa mayayaman kong dibdib. Sinusubukan kong pigilan ang pag-ungol.

    “Nheia, dis oras na ng gabi. Kababae mong tao tapos—”

   Inunahan ko siya. “Ano?! Kerengkeng ako, gano'n? Just shut up! I'm safe at nandito lang ako sa kaibigan ko, naintindihan mo?”

    Agad kong ibinaba ang linya ng tawag at saka ibinalik iyon sa side table. Binalingan ko si Rod at humalik sa kanyang mga labi.

    Nag-away na naman kami ni Axl, sa sobrang inis ko ay dumiretso na lang ako sa condo ni Rod para magpakalma.

    I had a bad day with Axl so I deserve to be relaxed like this.

Tales Of The Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon