DHAN AXL
GISING na ang diwa ko pero gusto ko pang matulog. Naparami ang inom ko kagabi at mabilis lang din akong nakatulog. Nakapikit akong nag-inat at saka iginalaw ang katawan ko pakaliwa. Pakiramdam ko ay parang ang bigat naman yata ng kama ko ngayon.
Pagkaharap ko sa kaliwa ay may nararamdaman akong buga ng hininga. Wala sa sarili akong napakunot ng noo. Kailan pa ako nagkaroon ng electric fan sa kuwarto? Ang pagkakaalam ko naka-full air-conditioned ang unit ko.
Kinapa-kapa ko iyong kama upang sana hanapin iyong unan ko ngunit parang iba yata ang nakakapa ko. Malambot iyon at saka makinis. Tapos parang may maliliit na balahibo. Kailan pa ako nagkaroon ng aso?
Wala sa sariling napahinto sa paggalaw ang kamay ko. Ano 'to?
Dahan-dahan aong nagmulat ng tingin at saka napasigaw. “Aahhhh!”
Dahil sa gulat ay bigla na lang akong nahulog sa kama. Hinila ko 'yong tuwalyang nakasabit malapit sa akin at saka mabilis na ibinalot sa baywang ko. “Ni-Nicole?” nagtatakang tanong ko sa kawalan at saka napa-iling ng ilang beses.
Mahimbing pa rin ang tulog niya kahit pa nagsisisigaw na ako kanina. Ano ba 'tong nagawa ko? Pareho kaming hubo't hubad ni Nicole. Huwag mong sabihing... we did something unexpected last night?
Tumayo ako sa pagkakasalampak ko sa sahig. Lumapit ako kay Nicole at inayos iyong kumot niya. Itinaas ko pa 'yon dahil masyado nang revealing ang makinis na likod niya. 'Yon pala 'yong nakakapa ko kanina.
Nagtungo ako sa banyo para maghilamos muna. Pagkatapos ay tinungo ko naman ang kusina para makapaghanda ng almusal. Bakit parang sinipag yata ako ngayon? Ano 'tong ginagawa ko? Milagro?
Pilit ko pa ring inaalala ang mga nangyari kagabi pero wala talaga, eh. Hindi ko maalala ang mga nangyari. Siguro dahil na rin sa sobrang kalasingan.
Habang ipiniprito ko 'yong mga bacon ay bigla akong nagulat nang dumaan si Nicole sa gilid ko papuntang banyo. Ni hindi man lang ito gumawa ng ingay.
“Haist! Aatakihin ako sa kanya, eh,” bulong ko sa kawalan at saka ko na lang ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
Inihanda ko na sa mesa 'yong mga ulam at kanin pati na rin 'yong mga pinggan na gagamitin namin ni Nicole. Bago pa ako matapos ay tumunog naman ang cellphone ko na nakalapag lang sa mesa kaya agad kong dinampot iyon. Pagkalabas ni Nicole ay diretso siya sa kusina at saka nagtimpla ng kape niya. Suot niya iyong polo ko na hanggang hita niya. Napapatitig na naman ako sa kanya.
“Hello?” sabi ko sa kabilang linya.
“Kanina ka pa tinatawagan ni ate Dein. I am on my way to your condo.”
“What?!” gulat na reaksyon ko at saka ako napatingin kay Nicole na hanggang ngayon ay nagtitimpla pa rin ng kape. “N-No! No, Aqi! You don't have to. Paalis na rin ako ng condo.”
“O-Okay,” aniya. “Pinapasabi pala ni ate na may gaganaping meeting ang family natin kasama ang mga Marquessa sa conference hall. You still have three hours to prepare. Hihintayin ka ni ate.”
Napabuntung-hininga ako. “Okay, I will be there...” sagot ko at saka ko na ibinaba 'yong linya.
Ibinaba kong muli iyong cellphone ko sa mesa at saka nagtungo na rin sa kusina. Pagkaupo ko ay saka naman inilapag ni Nicole iyong isang tasa ng kape sa harap ko.
Nakatingin lang ako sa kanya. Ni hindi niya ako balingan ng pansin. Tahimik lang siya habang kumakain. Dapat ko bang i-open ang mga nangyari kagabi?
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart [COMPLETED]
RomansFormer Title: My Secret Heart Hindi akalaing magiging misteryoso ang buhay ng dalagang si Nicole Ayesha Arcueda nang pumanaw ang kanyang minamahal na ama. Noon pa man ay papa's girl na ito kung ituring ng kanyang ina. Hindi maipinta ang galit sa pus...