Kabanata 47: Ingkwentro

2 0 0
                                    

NICOLE AYESHA

NAKATAYO lang ako habang hinahayaang bumuhos ang tubig sa katawan ko mula sa shower. Iniisip ko 'yong usapan nina Grant at Axl kagabi. I was about to go to the bathroom but I heard them talking with each other. Hindi ko naiwasang pakinggan sila. And it really hurts me na hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong magka-ayos kami ni Axl. Ngunit hindi ko rin puwedeng baliwalain ang mga binanggit ni Grant.

    Sa kabilang banda, tama ang mga naging pahiwatig niya kay Axl. Gumugulo pa rin sa isipan ko ang mga nangyari.

    Binuksan ko ang pinto at lumabas na ng banyo. Naka-prepare na ang damit na susuotin ko, mukhang bago pa ang mga iyon kaya naisip kong binilhan pa ako ni Grant para may pamalit lang ng damit.

    Paglabas ko ng kuwarto ay agad bumungad sa akin si Faye na nakikipag-kuwentuhan kay Grant. Nasabi na rin kasi sa akin ni Grant na siya ang susundo sa akin ngayon.

    “Kumusta ang babaing nagpakalasing kagabi, huh?!” pang-aasar ni Faye na painagtaasan pa ako ng kilay.

    Si Grant naman ay pasimpleng napahagikgik kaya natawa na rin ako. “Sira!” simpleng tugon ko.

    “Buti na lang at tinawagan ako nitong si Grant para ipaalam sa akin ang nangyari sa iyo. Ikaw talaga, kahit kailan pasaway ka!” panenermon pa niya. “Kaya magpasalamt ka kay Grant. Sinundo ka na nga sa bar, pinatuloy ka pa sa condo, at inalagaan ka pa!”

    Nagkatinginan kami ni Grant kaya nginitian ko lang ito. Inilahad ko sa harap niya 'yong kamay ko para makipagkamay. “Thank you,”

    “It's nothing...” aniya at saka niya tiannggap ang kamay ko.

    Ramdam ko ang mahigpit na paghawak niya sa kamay ko. Marami na akong nasabing hindi maganda kay Grant pero patuloy niyang ipinapakita sa akin na interesado siya, na kaya niyang panindigan ang mga sinabi niya.

    “Tara na, Nicole?”

    Napalingon ako kay Faye nang yayain na ako nitong umuwi. Mabilis akong kumawala sa pagkakahawak ni Grant sa kamay ko at nginitian na lang ito.

    “Mauna na kami, salamat ulit,” sabi ko bago kami tuluyang lumabas ni Faye sa unit.

    “Ang bait ni Grant, 'no?” pambabasag ni Faye sa katahimikan. Nagmamaneho lang ito at diretso ang tingin sa daan habang ako naman ay nagmumuni-muni sa passenger seat. “Kung ipagkukumpara natin si Grant at si Axl, sino sa tingin mo ang karapatdapat sa puso mo?”

    Sinamaan ko ng tingin si Faye nang magkatinginan kami.

    “I'm just kidding. Alam kong hanggang ngayon ay naaapektuhan ka sa mga nangyayari. Tanggap mo na bang ikakasal na si Nheia sa taong mahal mo?” pagpapatuloy ni Faye.

    Hindi ako nakasagot. Tanggap ko na ba talaga ang lahat? Hindi ko mahanap ang sign kung kailangan ko bang ipagpatuloy ang nararamdaman ko para sa kanya, pero parang imposible nang bumalik sa dati ang lahat.

    “Tama ang ginagawa mo ngayon. Umiwas ka na lang sa mga bagay na ikasasama mo lalo na para kay Nheia. Sa totoo lang, hindi naman worth it si Axl para sa iyo. Meron pang iba riyan na mas karapatdapat para sa pagmamahal mo.”

Tales Of The Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon