EVERY beginning has an end and every end has a new beginning. Hindi rito natatapos ang lahat. Maraming pagsubok ang dumaan at nalagpasan ko 'yon lahat. Hinarap ko ang totoo, lumaban at ipinaglaban ko ang tama. Ang hinahangad kong buhay ay hindi perpekto ngunit mas pinagtibay ang pagmamahalan namin bilang isang pamilya. I couldn't ask for more. I already found my safe place.
Kumusta na kaya ang puso ko?
Pagbaba ko pa lang ng hagdan galing sa kuwarto ay nadatnan ko nang nakahelera sa sofa sina Nheia, Faye at si Grant habang nanonood ng balita sa telebisyon.
Nakabalik na si Nheia, hindi pa sana siya uuwi kaso nagpumilit ito. Gugustuhin niyang sa bahay na lang magpahinga para naaasikaso niya raw iyong cosmetic company niya na ilulunsad pa lang sa industriya.
“What's with the face, huh?!” nakangising sambit ko nang mapadaan ako sa kanila.
Nagtungo ako sandali sa kusina para kumuha ng kutsara para sa iniinom kong shake. Bumalik akong muli sa kanila at ganoon pa rin ang mga hulma ng pagmumukha nila. Para silang pinagsakluban ng langit at lupa.
“Mukhang biyernes-santo ang mga pagmumukha ninyo, ha!” sambit ko. “Ano ba kasi 'yang pinapanood ninyo?” Inilipat ko 'yong tingin ko sa telebisyon.
Wala sa sarili na lang akong napahinto sa pagkain niyong shake nang mapanood ko iyong balita.
“Mr. Duke, bakit kailangan niyo hong umalis ng bansa?”
“Mr. Duke, totoo bang si Mrs. Georgina ang naging dahilan ng pagbagsak ng kumpanya ninyo?”
Ang mga katagang iyon ay binanggit ng mga reporters habang naglalakad ang mga Fabellar sa loob ng airport. Pinagkaguluhan sila ng media. Si Mr. Duke naman ay todo tanggi na makapanayam nila.
Napukaw ng atensyon ko si Axl. Seryoso ang mukha niya. Kitang-kita ko ang mga mata niya. Ang haba ng pilik-mata at ang mapulang labi niya. He's still perfect to me. Ngayon ko lang ulit siya nakita ng ganito. All I want for him is to smile again. At gustong-gusto kong makita ang matamis na ngiti na 'yon. Gusto kong maging saksi ng pagngiti niyang muli.
Ngayon na pala ng alis niya.
“Aalis na sila,” malungkot na tinig ni Nheia. “I'm gonna miss their family.”
“Isang oras na lang ang hinihintay nila bago sila tuluyang makasakay ng eroplano. Nakakalungkot naman,” sabi ni Faye sabay yakap sa mga tuhod niya.
“Hoy, ikaw!”
Napalingon ako kay Grant dahil sa inasal niyang 'yon.
“Wala ka ba talagang balak sa buhay mo, ha!” panenermon niya sa akin. “Hindi ka ba talaga gagawa ng paraan para maka-usap 'yong mokong na 'yon?! Ganyan ka na ba talaga kamanhid, ha?!”
Pinagtaasan ko ito ng kilay. “Wala akong pakialam sa kanya! Wala akong pakialam sa pag-alis niya! Good for him na aalis na siya para hindi ko na makita ang pagmumukha niya!”
“Bakit defensive ka?” Animoy nakakaloko pa ang tingin ni Faye sa akin.
“Hi-Hindi, 'no! Totoo naman, eh! Wala akong pakialam sa lalaking 'yon! Kung ano man ang mayroon sa amin noon, hanggang doon na lang 'yon! Hindi na ako magsasayang ng oras para kausapin siya! Ano siya... gold?! Never in his wildest dreams!” salaysay ko sabay higop doon sa shake na iniinom ko.
Mayamaya pa ay ibinagsak ko pababa sa mesa iyong baso at mabilis na dinampot iyong susi ng kotse.
“Oh, saan ka pupunta?!” nakataas-kilay na taong ni Nheia.
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart [COMPLETED]
RomanceFormer Title: My Secret Heart Hindi akalaing magiging misteryoso ang buhay ng dalagang si Nicole Ayesha Arcueda nang pumanaw ang kanyang minamahal na ama. Noon pa man ay papa's girl na ito kung ituring ng kanyang ina. Hindi maipinta ang galit sa pus...