MAYAMAYA pa ay bigla na ring bumukas ang pinto at iniluwal nito ang katawan nina Tita Niña at Nheia. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maipinta ang pag-aalala ni tita sa kanyang anak. Sa totoo lang, napakasuwerte na ni Nicole. Ngunit wala rin naman ako sa posisyon para husgahan siya.
“Nicole... Nicole anak, what happened? Okay ka lang ba? Nag-alala ako sa iyo!” Hindi napigilan ni tita ang hindi maluha nang makita ang anak nito.
Hindi gugustuhin ng lahat ng ina na mapahamak ang kanilang anak. Lahat ay gagawin nila upang maging ligtas at maging maayos sila.
Sandali kaming nagkatinginan ni Nicole. Nginitian ko lang siya at saka lumabas muna. Sa tingin ko ay kailangan nila ng oras para sa isa't isa bilang pamilya. Saka na lang ulit ako babalik para makapagpaalam na rin.
Naglakad-lakad lang ako sa koridor, nagpapalipas lamang ng oras hanggang sa mapadpad ako sa nurse station. Katapat niyon ang isang kuwartong nakabukas.
“H'wag ka nga kasing magulo!” rinig kong sigaw niyong lalaking nakatayo malapit sa pasyente.
“Aww! Masakit, eh!”
Natatawa na lang ako dahil sa asta niyong dalawang lalaki. Nakahawak iyong isa sa pasyente upang pakalmahin ito. 'Yong pasyente naman ay halos mamilipit na dahil sa takot nitong maturukan ng injection.
“Sira! Hahahaha!” natatawang reaksyon ko habang pinapanood iyong lalaking pasyente na hindi maturok-turukan ng maayos.
“He is always like that simula pa no'ng bata pa siya...”
Napalingon ako sa babaeng kararating lang sa gilid ko. Pinipigilan nito ang kanyang pagtawa, gano'n din naman ako. I bet she's a doctor here. Naka-white gown ito at may name plate sa kanan ng kanyang damit.
“By the way, I'm doctor Dein...” Iniabot nito ang kanyang kamay na agad ko namang tinanggap. “At kapatid ko 'yong dalawang makulit na 'yon...” Itinuro niya iyong dalawa sa loob ng kuwarto. “Iyong pasyente, si Aqi. 'Yong isa namang nakahawak sa kanya... ang sumunod sa akin, si Axl...”
“Ang kulit nilang panoorin,” pagbibiro ko habang hindi mahinto ang pagtawa ko.
Napa-iling si ate Dein. “Hindi talaga maturukan ng injection si Aqi. Sa buong buhay niya, iyon ang kinatatakutan niya.”
Hindi na ako nakasagot kundi nginitian ko lang ito. May kung anong saya ang nararamdaman ko. Siguro dahil sa natutuwa lang ako kay Aqi. Sino ba namang hindi matatawa ng ganoon?
“I bet you are a college student. Anong course mo?” seryosong tanong nito.
“Nursing Stude—”
“Tara, sumama ka sa akin!”
Hindi na ako nakapagsalita nang hilain agad ako ni ate Dein. Nang makapasok kami sa kuwarto na iyon ay sandali silang natigilan. Napunta sa akin ang atensyon niyong dalawang magkapatid.
“Injection lang 'yan, Aqi. Hindi ka mamamatay riyan!” inis na sambit ni ate Dein sa pasyenteng si Aqi.
“Puwede bang mamaya na lang? Tinurukan na nga 'ko ng dextrose tapos may injection pa!” pagrereklamo ng kapatid niya. Napa-irap pa siya ng tingin.
Sakto namang binatukan siya ng kuya nitong si Axl.
“Arraayyyy!” reaksyon ni Aqi.
“Umayos ka nga! Pa'no ka gagaling kung ayaw mong magpaturok? Gusto mo ako ang tuturok sa iyo?” singit ni Axl.
“H'wag na... ayoko pang mamatay, 'no!” bulong ni Aqi.
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart [COMPLETED]
RomanceFormer Title: My Secret Heart Hindi akalaing magiging misteryoso ang buhay ng dalagang si Nicole Ayesha Arcueda nang pumanaw ang kanyang minamahal na ama. Noon pa man ay papa's girl na ito kung ituring ng kanyang ina. Hindi maipinta ang galit sa pus...