Kabanata 15: Bulaklak

8 0 0
                                    

SA SOBRANG pagkabagot ko ay nanood na lang ako ng telebisyon. Palipat-lipat ako ng channel dahil hindi ko gusto kung ano man ang ipinapalabas nila.

    "Ang papangit naman..." inis na sambit ko hanggang sa sumuko na ako. Pinatay ko na lang iyong telebisyon at saka ibinaba iyong remote nito. Napabuntong-hininga ako.

    Napalingon ako sa gawi ng pinto nang biglang may kumatok. "Pasok..." sambit ko naman upang papasukin ito. Kumuha ako ng isang ubas sa gilid ko at saka kinain iyon.

    "Hi..."

    Napa-ubo ako ng wala sa oras nang makita ko kung sinong lalaki ang pumasok doon sa pinto. Agad kong kinuha iyong tubig at nilagok iyon.

    Nagpunas ako ng bibig pagkatapos. "A-Ano bang ginagawa mo rito?"

    Siya iyong lalaking kasama ko sa karera at siya rin iyong lalaking bwisit na bunggo nang bunggo sa sasakyan ni Faye. Ang kapal din ng mukha niyang magpakita rito, ano?

    "Remember me?" nakangiting aniya. May hawak itong isang bouquet ng bulaklak. Lumapit ito sa akin at ibinigay iyon. "Nicole, right? By the way, I'm Aqious..."

    "Hindi ko tinatanong ang pangalan mo." Tinanggap ko iyong bulaklak. Napahiya ito dahil sa sinagot kong iyon sa kanya. "How can I forget you? Ikaw lang naman 'yong dahilan kung bakit naaksidente ako..." sumbat ko sa kanya kasabay nang paglapag ko ng bouquet dito sa gilid ko.

    "Wa-Wait! Puwede ba 'kong maupo muna-"

    Umiling ako agad. "Hindi! Ayoko! Hindi ka uupo!"

    Wala itong nagawa kundi magpakawala ng buntong-hininga. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. "Bakit, may problema ka? Eh, sa ayaw kong maupo ka, aangal ka?" pagsusungit ko. "At saka, ano bang ginagawa mo rito? Para saan 'tong mga bulaklak na dala mo? Peace offering? Hahaha!" natawa ako bigla.

    "Yeah, you're right. Kasalanan ko kung bakit na-injure 'yang kanang paa mo..."

    Sandali akong napapikit. "Buti alam mo..."

    "Hindi agad ako nakadalaw noong discharge ko dahil nagmamadali iyong sundo ko. Pero hindi ko naman kinalimutang puntahan ka rito-"

    Hindi ko pinatapos ang mga sinasabi niya. "Hindi ka na sana nag-abala pa. Okay lang ako, buhay na buhay at humihinga pa. Mga patay lang ang dinadalaw, hindi ang buhay!" pabalang na sagot ko sa kanya.

    Napansin ko ang pag-iwas nito ng tingin. Pakiramdam ko ay hindi niya nagugustuhan ang asta ko. "Alam mo..." Ibinulsa na lang nito ang kanyang mga kamay.

    Umiling ako. "Hindi ko pa alam..." nginisian ko ito ng nakakaloko. Inuubos ko po talaga ang pasensya niya para siya na mismo ang umalis sa kuwartong ito.

    "Maganda ka sana kaso... ang pangit ng ugali mo!" dire-diretsong aniya.

    Ikinangisi ko ang sinabi niyang iyon. Nag-krus ako ng mga braso at isinandal ang likod ko sa headboard. "Sorry but I'm not asking for your opinion... kaya kung wala ka ng matinong sasabihin... The door is open for you to leave..." Itinuro ko pa iyong pintong nakasiwang ng kaunti.

    Sinamaan niya 'ko ng tingin. Tagumpay! Tagumpay ang pag-iinis ko sa lalaking ito. Siguro naman tatantanan niya na 'ko.

    "Kahit hindi mo sabihan 'yan, magkukusa akong aalis dito..."

    Tinanguan ko ito. Kaunti na lang ay papalakpakan ko na ito dahil sa sagot niya. "Very good answer! I like that! Subukan mo kayang sumali sa mga beauty contest..." at iyon na nga, pinalakpakan ko na siya.

    Alam kong nagtitimpi lang ito. Umiling-iling ito at saka tumalikod na. Bago pa ito makalabas ay may isang babae pa ang pumasok. Napangiti ako nang makita si ate Dein.

    "Good morning, doc..." nakangiting bati ko sa kanya.

    Tinanguan niya ako. "Good morning, Nicole. Ang saya mo ngayon, ah..."

   Nagkibit balikat ako. "Kinda..." sagot ko habang pinapanood ito sa pagche-check ng mga gamot sa side table ko.

    "Oh, siya nga pala si Aqious, ang bunso namin. Nagkakilala na pala kayo..."

    Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Sandali kaming nagkatinginan niyong lalaking si Aqi. Ang sama pa rin ng tingin niya sa akin tila inis na inis ito dahil sa mga pinagsasasabi ko.

    "I checked your record a while ago sa office ko. Bukas na ang discharge mo. Sa ngayon, gusto ko munang kausapin ang mama mo para naman makasiguro tayong maipagpapatuloy mo ang gamutan hanggang sa tuluyan nang gumaling 'yang injury mo."

    Iyon na yata ang pinakamagandang balitang narinig ko. Napansin ko ang paglabas ni Aqi sa kuwarto ko. Pagkatapos niyon ay hindi ko na ito inisip pa. Mabuting lumabas na siya at hindi na magpakita sa akin. Ngunit ngayon ko lang din alam na magkakapatid pala sina ate Dein, Axl at Aqi.

    Tadhana nga naman, oh!

    "Thank you po, doc!"

    Binalingan niya ako ng tingin. "You're welcome. Basta ipangako mong itutuloy mo ang gamutan hanggang sa gumaling ka, ah!"

    "Yes, doc. Salamat..."

    Sumunod na rin si ate Dein sa paglabas kasunod ni Aqi. Nanatili akong nakasandal sa headboard. Nakatingin at nakatulala sa kawalan. Kung iisipin, wala rin naman akong gagawin kung makakalabas ako ng ospital na 'to.

    Sinisimulan ko nang isipin na bumalik na lang siguro ng Canada.

Tales Of The Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon