DEIN ALICE
ITINULAK ko ang pinto ng opisina ni papa kung nasaan si Axl. Naiwan kasi sina mama at papa sa conference hall dahil may magaganap na meeting kasama ang mga natitirang employees ng kumpanya.
“Hindi mo ba ako naintindihan? Axl, before the meeting started, nag-usap tayo na ilalaban ko ang karapatan mo kay mama. Tututol ako sa mangyayaring kasalanan niyo ni Nheia at ako na ang bahala sa lahat. Hindi ba maliwanag 'yon?” sunod-sunod na salaysay ko sa harap ni Axl.
Naka-upo lang ito sa sofa at nakatanaw sa malayo habang umiinom ng alak.
“Para saan pa?” nakangising tanong niya sa akin.
“Axl, hindi ba't 'yon ang gusto mo? Ayoko ring magaya ka sa akin.” Lumapit ako sa kanya. “Ayokong pagsisihan mo 'to pagdating ng panahon. I am ready to face the consequences, Axl. Napagdaanan ko na 'to at ayokong maulit sa iyo.”
“Tapos ano, ikaw ang maghihirap? Ate, wala na tayong ibang choice. Gustuhin ko mang humindi sa kagustuhan nila, iniisip ko pa rin ang kapakanan ng kumpanya natin. Alam mong pinaghirapan 'to ni mama, ayokong mawala sa kanya 'to nang basta-basta,”
Umiling ako. “Ngayon mo pa naisip 'yan? Paano 'yang nararamdaman mo? Nakalimutan mo na ba 'yong sinabi mo sa akin kanina?”
[Flashback]
“I think... I like her. I like her, ate.”
Wala sa sarili akong napangiti. “Hindi na ako tututol sa anumang desisyon mo. May tiwala ako sa iyo. Alam kong gagawin mo ang tama. Huwag mo siyang isusuko.”
[End of flashback]
He suddenly looked away. “I lied. Wala akong gusto sa kaniya,” seryosong aniya at saka tumayo. Inayos niya ang suot na coat. “Mauna na ako,” paalam niya.
“Ingat ka.” Tinanguan ko na lang ito at saka pinanood na lumabas ng opisina.
Alam kong nagsisinungaling siya. Kabisado ko si Axl simula pa no'ng mga bata pa kami. Hindi siya nagsasabi ng totoo niyang nararamdaman kahit pa gusto niya ang isang bagay. Lagi niyang inuuna ang kapakanan ng iba. Lagi niyang iniisip ang iba hanggang sa dumating 'yong araw na siya naman ang may kailangan, walang kung sino ang nariyan para sa kanya.
Hanggang ngayon ganoon pa rin ang nangyayari. He always pretend that he is fine. Na wala siyang problema. Na kaya niyang solusyunan ang lahat ng mag-isa.
Paglabas ko ng elevator ay tumungo ako sandali sa ladies room para makapag-ayos. Balak ko munang mag-stay sa ospital dahil kakailanganin nila ako roon.
Pagtulak ko sa pinto ay laking gulat ko na lang na nandoon si Nheia. Nagsusuka siya at halos diretso ang pagduduwal. Ako naman ay bigla na ring nataranta at nilapitan siya.
“Nheia! Nheia, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ko sa kanya.
“A-Ate, Dein?” aniya na tila hindi makapaniwala na nakita ako. “A-Anong ginagawa mo rito?” tanong pa niya. Mabilis niyang inayos ang mga gamit niya at ipinasok 'yon sa bag. Inalis niya rin 'yong mga tissue at itinapon sa basurahan.
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart [COMPLETED]
RomanceFormer Title: My Secret Heart Hindi akalaing magiging misteryoso ang buhay ng dalagang si Nicole Ayesha Arcueda nang pumanaw ang kanyang minamahal na ama. Noon pa man ay papa's girl na ito kung ituring ng kanyang ina. Hindi maipinta ang galit sa pus...