Kabanata 24: Muling Pagkikita

7 0 0
                                    

“MALAY ko bang sinasabi mo lang 'yan kunwari para makahanap ng tiyempo at iwanan ako? Alam ko na 'yang mga balak mo na ganyan, Nicole. Tigilan mo 'ko!” Pinaningkitan niya ako na ikinangisi ko naman.

    Kinuha ko iyong ballpen at pinaglaruan iyon. “Umalis ka na nga, ako na ang bahala rito!”

    “Kapag may nagpunta rito at hinanap ako, pakisabi na lang na nasa dressing room ako at nag-aayos.”

    Napairap ako sa kawalan at isinandal ang ulo ko. “Oo na... oo na... puwede bang umalis ka na?”

    Sinamaan niya ako ng tingin at saka nilisan ang lugar na iyon. Sa mga oras na 'to nag-iisa na lang ako sa kuwartong ito. Dahil wala akong magawa, pinaki-alaman ko na lang ang mga papeles nito sa mesa niya. Binasa ko ang mga iyon. Isa si Faye sa Presidente ng Student Council dito kaya isa siya sa mga may hinahawakang malalaking proyekto sa loob ng unibersidad nila. Manghang-mangha ako sa sobrang galing niyang mag-manage ng oras niya between studies and being a Leader at the same time.

    Napalingon ako sa gawi ng pinto nang biglang may kumatok doon. “Pasok!” sigaw ko at ibinaling muli ang atensyon ko sa binabasa kong diyaryo.

    “Miss President, narito po ako para magbigay ng kaunting report sa nangyayari ngayon.”

    Nagtaas ako ng kilay. Boses lalaki iyon. Ang ganda sa tainga ng boses niya. Iyon ang boses na hindi ako magsasawang pakinggan. “Go on,” sagot ko.

    Nakataas ang diyaryo ng binabasa ko kaya hindi niya nakikita ang hitsura ko. Puwede naman sigurong magpanggap bilang si President Faye kahit minsan lang.

    I just want to try being a good leader. But I don't think I'm good.

    “Okay na ang venue pati ang mga dekorasyon. Tumutulong na rin ang ibang club officers na mag-facilitate doon. Handa na rin ang mga estudyante na maipakita ang kanilang talento sa iba't ibang paligsahan. Sa kabila niyon, patuloy pa rin ang pagdating ng mga bisita, as of now wala naman pong reklamo galing sa kataas-taasan...”

    Kunwari akong tumangu-tango. “Oh, good! Just continue monitoring everything. Hindi tayo makasisigurong magiging maayos ang daloy ng programa. Secured na ba ang lahat ng area?”

    Sandali itong hindi nakasagot sa akin kaya hayun kumunot ang noo ko at nagsimulang magtaka.

    “Ang sabi ko, secured na ba ang lahat ng area?” pag-uulit ko sa tanong ko kanina.

    “Fa-Faye?”

    Ako naman ang hindi nakasagot nang banggitin nito ang pangalan ng kaibigan ko. Siguro nakahalata na ito na hindi ako si Faye. Malayo rin naman kasi ang tono ng boses ko kaysa sa mahinhing boses na mayroon si Faye.

    “I-I'm asking you... secured na ba—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang hablutin iyong binabasa ko.

    Parehong nanlaki ang mga mata namin sa sobrang gulat. Kinuha niya iyong binabasa ko at pabagsak na inilapag sa mesa. “Who are you?!” pasinghal na aniya.

    Bumuntong-hininga ako. “Wait... wait... can you please... let me explain?”

    Maghigpit niyang hinawakan ang kamay ko. “Sa guidance ka magpaliwanag!”

    “Hindi mo ba 'ko narinig? I said, let me explain! You don't have the right na kaladkarin ako sa guidance nang gano'n-gano'n lang, 'no! At saka, hindi mo ba 'ko nakikilala, ha?”

    Umiling ito at pinaningkitan ako. “No!” tipid na sagot niya.

    Napairap ako sa kawalan. “Puwede ba bitiwan mo na lang ako?”

Tales Of The Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon