Kabanata 17: Kalituhan II

6 0 0
                                    

"SHHH..."

    Sinusubukan ko itong patahanin. Hindi pa rin siya matigil sa kaiiyak. Hanggang sa kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya. Hinarap ko ito at hinawakan ko ang magkabilang braso niya. Pinunasan ko ang kanyang mga luhang tumutulo sa kanyang mukha. I smiled at her. "I'm so sorry that I let you felt that way. Alam naman natin pareho na... hindi natin kagustuhan ang mga nangyayari, 'di ba?"

    Kumunot ang noo nito. Inalis niya ang mga kamay kong nakahawak sa braso niya. "Naguguluhan ako. Anong sinasabi mong hindi natin kagustuhan 'to? We are inlove! Mahal natin ang isa't isa, Axl!"

    "Hindi mo man lang ba 'ko tatanungin kung minahal ba talaga kita?"

    "What?! Okay pa tayo no'ng mga nakaraang araw, ah? Ano 'to? You're breaking up with me?" agad niyang tanong na ikinaalarma ko.

    "Nheia-"

    "No! You're not breaking up with me, Axl! As long as I can fight for our love, hindi kita isusuko sa kung kani-kanino lang!" Lumapit ito sa akin at nginitian ako ng nakakaloko. "Tandaan mo, nakasalalay sa iyo ang ikababagsak ng kumpanya niyo! Huwag mo 'kong sisisihin kapag itinakwil ka ng pamilya mo. You don't like that to be happened, right? Sweetie?" Dahan-dahan niyang hinaplos ang dibdib ko pataas sa balikat ko. "Alam ko namang, ayaw mo silang mabigo dahil mahal mo sila. Kaya mas pipiliin mong manatili at mahalin ako."

    Pabagsak kong inialis ang kamay niya sa balikat ko. "Huwag mong gawing rason ang pamilya ko para mahalin kita. I was forced to love someone like you, at huwag kang umasang mamahalin din kita pabalik. Not on your dreams, Nheia!"

    Tinalikuran ko na ito. Akmang lalabas ako ng pinto nang marinig ko itong magsalita muli.

    "Sige! Iwan mo 'ko! Akala mo ba hindi 'to makakarating sa pamilya mo na sinasaktan mo 'ko ng ganyan? Buti nga natitiis ko 'yang stupidity mo, eh, when it comes on making decisions!"

    Hinayaan ko na lang ito at saka nagpatuloy sa paglalakad.

    "Axl! Come back here! Axl!"

    Nakababa na 'ko sa ground floor at dali-dali nang sumakay sa kotse ko.

    "Anong mangyari?"

    Hindi ko sinagot ang tanong ni Aqi bagkus tinitigan ko lang ito. Nakita kong papalabas na si Nheia ng condo ngunit mabilis kong ipinatakbo ang sasakyan.

    "I have to talk to ate..." hinihingal na sambit ko sa kanya habang nasa daan ang atensyon ko. "Kailangang matapos na ang planong ginawa nila! Hindi ko nagugustuhan ang mga nangyayari sa amin ni Nheia."

    "Teka... teka! Could you please calm down first? Wala ka sa tamang pag-iisip, eh! Alam kong naguguluhan ka pa sa ngayon pero puwede mo namang ipagpaliban muna iyan, tama ba?"

    "No!" hindi ko naiwasang hindi masinghalan ang kapatid ko. "I can't! Aqi, importante sa akin ang pagiging lalaki ko. May sarili akong feelings na nararapat lamang para isang babaeng napili ng puso ko."

    "Kuya, hindi pa oras para diyan. Magkakagulo ang lahat kapag kinontra mo lahat ng mga plano nila. I'm telling you the truth, kuya. Baka may kung ano pang mangyari na mas malala..."

    Natigilan ako sa mga sinabi niyang iyon. He has a point though. Baka mas lalo nila akong higpitan sa mga kilos ko. Kailangan kong magplano para sa kapakanan ng sarili ko. Pero paano? Ni hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin. Sino ang paniniwalaan ko?

NAKATAMBAY ako sa billiards room dito sa bahay. Hindi ako sumabay sa hapunan. Medyo masama ang pakiramdam ko at ayoko munang humarap sa pamilya ko. Alam kong kukumustahin na naman nila si Nheia sa akin. Ayoko namang magsalita ng masama, baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko.

    Nagsalin ako ng alak sa baso ko at agad na ininom iyon. Sandali akong nag-unat ng mga braso at hinawakan iyong cue stick ng billiard. Inalis ko iyong wooden triangle sa gitna ng pool table nang maisaayos ko iyong mga bola. Saka ko ipinuwesto ang ang aking sarili at iyong cue stick. Kasabay niyon ang pagtira sa mga bola, sakto namang pagka-shoot ko ay dumating si ate Dein.

    Hindi ko ito binalingan ng tingin at nagpatuloy pa rin sa paglalaro.

    Ano bang ginagawa niya rito?

    "Can I join you?" tanong nito at saka kumuha ng cue stick.

    "No!" may diin sa pagkakasabi ko.

    "May problema ba tayo, Axl?"

    "You are the problem, Dein!"

    "How dare you talking to me that way! You don't have manners at all, huh?!" pasinghal na aniya na animoy nagalit yata nang hindi ko ito respetuhin at tawaging ate Dein.

    Binitiwan ko iyong cue stick at hinarap ito. "Kailan mo balak sabihin sa aking ikakasal na pala ako? Kailan? Isang araw bago ako tuluyang ikasal? How come, Dein!"

    "H'wag mo 'kong bigyan ng ganyang tono, Dhan Axl!"

    Nginisian ko ito. "What do you want me to do then? Sing?" pabalang na sagot ko. Kinuha kong muli iyong cue stick at saka ipinagpatuloy ang paglalaro.

    Natawa ito ng pagak. "Really? After everything that I have done to you ganyan mo 'ko sasagutin? Marami akong sinakripisyo para sa pamilya na 'to, kaya h'wag mong uubusin ang pasensya ko!"

    I stopped playing the billiards. Awtomatiko akong napalingon sa gawi niya. "Oo, alam kong marami kang sinakripisyo. Pinakasalan mo nga si Jaiden hindi dahil sa mahal mo siya, kundi sa kagustuhan din ng pamilya natin. In short, you had no choice. Tapos ibabalik mo sa akin kung ano man 'yong mga nangyari sa iyo noon?" Umiling-iling ako. Inihagis ko sa pool table iyong cue stick. "Hindi ko hahayaang mangyari sa akin 'yon ngayon. I won't let you to control everything in me, ate!"

    "Axl... Hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan ko sa kamay nina mom at dad para masunod lamang ang kagustuhan nila. You didn't know my miseries, so stop acting like you know everything!"

    Pagkatapos niyon ay tinalikuran na 'ko ni ate. Inayos at kinalma muna nito ang kanyang sarili bago pa tuluyang makalabas mg kuwartong iyon.

    "I am sorry, brother. Wala akong hinangad kundi ang kasiyahan niyo ni Aqi. Pero nahihirapan na rin ako. This is just a simple favor to you. I'm begging you, Axl... save our company."

    Napayuko ako. Napahawak na lang ako sa pool table at saka sinuntok iyon. Wala akong magawa. Wala kaming magawa para hindi na matuloy ang plano ng mga magulang namin. Ngunit hindi pa rin ako makapapayag, hindi habang buhay ay makukulong ako sa kagustuhan nila. Hindi habang buhay ay sila ang susundin ko.

    I have my own feelings. At hindi maaaring mangyari iyong gusto nilang mangyari para sa akin.

    Ngayon pa na may iba na 'kong nagugustuhan!

Tales Of The Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon