Kabanata 18: Pauwi Na

6 0 0
                                    

DEIN ALICE

NAKA-UPO ako sa harap ng salamin habang tinatanggal iyong mga hikaw sa tainga ko. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa harap ng salamin.

    Mayamaya pa ay naramdaman ko ang pagkayap at paghalik ni Jaiden sa likod ko pataas sa leeg.

    “Hindi ko pa rin makumbinsi si Axl tungkol sa plano nina mama. Nauubusan na 'ko ng pasensya. Hindi ko na yata kaya iyong ganito. Nahihirapan na 'ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.”

    Tumigil ito sa paghalik. Humarap din ito sa salamin at saka hinawakan iyong magkabilang balikat ko. Pababa at pataas niyang hinahaplos ang mga iyon. “You know what, Dein. Ilang taong kong pinaghirapang kuhanin ang loob mo para mahalin mo rin ako pabalik. Pinagtrabahuan ko ang tiwala, at pagmamahal mo. Nagbabakasakaling, matutunan mo rin akong mahalin.”

    Sandali akong nag-iwas ng tingin. Naalala ko noon kung paano ko ito tratuhin. Back then, I always treated him like he's nothing to me. Ngayon ko lang na-realize ang lahat na mas worth it siyang ipaglaban at mahalin ng totoo.

    “Ilang taon nating pinagtiisan ang isa't isa. Lagi tayong nag-aaway. Nagsasawa ka na sa sitwasyon natin. Pero ako, you never heard from me na nagsasawa na 'ko sa iyo. Mahal kita Dein, kaya hindi ko puwedeng isawalang bahala na lang ang nararamdaman ko para sa iyo...”

    “Bakit mo sinasabi sa akin ang mga 'yan?” tanong ko.

    Yumakap ito sa likod ko at hinalikan iyong ulo ko. “Masyado kitang mahal para hindi pagtiyagaan, Dein.”

    Hinaplos ko ang braso nitong nakayakap sa'kin. “Anong ibig mong sabihin?”

    Kumawala ito sa pagkakayakap niya. “H'wag mo na sanang hintaying maranasan pa ni Axl ang mga napagdaanan mo na. Nahirapan ka noon, 'di ba? At alam mo sa sarili mong mahihirapan din siya kung mangyari man 'yon...”

    Hindi na ako nakasagot kay Jaiden. Nagtungo na rin ito sa kama't nahiga na.

    Hindi ko naman masisisi si Jaiden kung bakit niya nasabi ang mga iyon kanina. Alam ko ang lahat ng nangyari sa amin noon. Kasama na iyong mga binanggit niya ngayon. Saksi ako sa kung paano niya ako pagtiyagaan. He never fail to love me even though I'm tough to him.

    Though, he has a point. Axl is my brother. Hindi rin gugustuhin ng isang nakatatandang kapatid na makitang nahihirapan ang kanyang nakababatang kapatid. Kilala ko si Axl. He never fought to me that way. Ngayon ko lang naranasan iyong mga pagsigaw at pabalang niyang pananagot sa akin.

    Tumayo ako at tumabi na kay Jaiden. Nagkumot ako at agad na itong niyakap. “Thank you for your sacrifices, Jaid. Alam kong kulang pa... kulang na kulang pa ang ipinapakita kong pagmamahal sa iyo...”

    Humarap siya sa akin at niyakap din ako. “No. Everything is enough for me. Wala na 'kong hinahangad pang iba. Minahal kita dahil... ikaw ay ikaw. And that's enough for me stay with you. As long as I'm alive, I'm just here, I got your back. Gagabay sa iyo, at mamahalin ka.”

    Wala sa sariling gumalaw ang kamay ko para hawakan ang pisngi nito. Hinagkan ko ang mga labi niyang malalambot. Ang init ng hininga niya ay nararamdaman kong pumapasok sa aking mga labi.

    Sa tagal na panahon naming magkasama, hindi siya nagbago. Kung gaano niya ako mahalin noon, gano'n pa rin ang pagmamahal niya sa akin ngayon. Sobrang saya ko dahil hindi nagsawa ang isang Jaiden sa akin. Ako na yata ang pinaka-masuwerteng babae sa buong mundo.

    Tuloy pa rin ang paghalik niya sa aking mga labi. Masasabi kong iyon nga ay isang true love kiss. Wala na akong ibang rason para iwanan ang lalaking 'to.

    NICOLE AYESHA

NAPALINGON AKO sa gawi ng pinto nang biglang may kumatok. Iniluwal nito ang isang nars. Sa tingin ko ay siya iyong magtatanggal ng dextrose ko. Kasama ko ngayon sina Mama at Nheia. Pinagtiisan ko na lang sila sa loob ng ilang araw. Naging abala kasi si Faye sa kanyang final exam. Hindi ko naman ito puwedeng pilitin.

    “Ma'am, okay na po...”

    Nakangiti kong binalingan iyong nars nang matapos niyang tanggalin iyong nakatusok na dextrose sa kamay ko. Isang bulak na lang ang nakadikit doon ngayon. Masaya akong makakalabas na 'ko ng ospital.

    “I already talked to your doctor, makakalabas na tayo ngayon, aren't you happy?” tanong ni mama nang maka-upo ito sa tabi ko.

    “Masaya po...” simpleng sagot ko. Pilit lang na ngiti ang ipinakita ko sa kanila.

    “A-Anong gusto mong ulam for dinner? Gusto kong maghanda ng something special for you.”

    Nagkatinginan kami ni Nheia. Nakatayo ito sa likod ni mama at abala sa tapat ng kanyang cell phone. Tila sinasabi ng mga mata nito na umayaw ako sa kagustuhan ni mama.

    “You don't have to prepare something special for me... maka-uwi lang ako, okay na...” sagot ko kay mama. Sandali kong binalingan si Nheia, nakita ko na lang na lumabas ito ng kuwarto ko.

    Tumango si mama. “No, magluluto ako mamaya ng paborito mo. Alam kong na-miss mo ang luto ko.”

    Pareho kaming napangiti ni mama. Pilit pa rin ang ngiti kong ipinapakita sa kanya. Bumibigat ang puso ko, hindi ko alam kung paano ito pakakalmahin. Gusto ko nang kumawala sa nakaraan at pagtuunan kung anong mayroon ako ngayon.

    Nakapag-ayos na sina mama at Nheia ng mga gamit. Ngunit si mama lang ang kasama ko ngayon dito sa kuwarto. Naka-upo lang ako sa gilid ng kama habang nilalaro iyong rubik's cube. Napaangat na lang ako ng tingin sa gawi ng pinto nang bumukas iyon.

    “Faye?” nakangiting sambit ko sa pangalan nito. May dala siyang wheelchair para sa akin.

    “Tita Niña, puwede na po tayong makaalis...” anito.

    “Akala ko ba may final exam ka?” naguguluhang tanong ko.

    Umiling ito. “Na-move 'yong exam kaya masusundo kita rito...”

    Lumapit ito sa akin at inalalayan akong maka-upo sa wheelchair. Siya na rin ang nagtulak niyon palabas ng ospital. Magkakasama kami ni mama at Faye. Sa pagkakaalam ko narito rin si Nheia sa ospital, pero hindi ko na nahagilap ito.

    Palabas na kami ng ospital. Mayamaya pa'y napalingon ako sa gilid ko. Tila may dumaang lalaki ro'n. Napakunot-noo ako. Pamilyar siya. Si Axl ba 'yong dumaan? Ano naman ang ginagawa niya rito?

    “Ahh... Where's Nheia?” tanong ko kay mama.

    “She's with her boyfriend. H'wag mo nang isipin 'yon, malaki na siya. Alam na niya ang ginagawa niya...”

    Tinanguan ko na lang ito at saka ibinalik iyong tingin ko sa gilid kung saan nakita si Axl na dumaan. Hindi ako sigurado kung siya 'yon, pero pamilyar talaga, eh. Naramdaman kong dumaan siya.

   

Tales Of The Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon