TATLONG ARAW na ang lumipas ngunit nanatili akong nakakulong sa kuwarto ko. Ayokong lumabas. Gusto ko ng katahimikan. Gusto kong mapag-isa. Hindi na bago sa akin 'to, noon pa man na nasa Canada ako, hindi malayong makaramdam ako ng ganito.
“Sigurado ka ba na gusto mo nang bumalik dito?”
Nakahiga ako, nakaharap sa kisame at nag-iisip nang marinig ko ang itinanong ni Cholo. “Oo. Malapit na rin ang Christmas, ayokong magtagal dito.”
“Nics, naiintindihan kita. Pero, bakit hindi mo bigyan ng pangalawang pagkakataon ang pamilya ng mama mo?”
Bumangon ako sa pagkakahiga at sumandal sa headboard ng kama. “Cholo, masyadong magulo. Hi-Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Parang, parang all this time nawawala pa rin ako. Cholo, hindi ko mahanap ang sarili ko.” Sandali akong napahinto at napa-isip. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong kasiguraduhan sa lahat ng bagay. Hindi ko na alam kung anong susunod kong gagawin. “I have to go,” paalam ko at saka isinara 'yong laptop.
Palagi na lang akong pinanghihinaan ng loob. Hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang mga nangyari. Si Axl, ganoon ba talaga katigas ang puso niya para hindi ako maramdaman?
Napakunot-noo ako nang may marinig akong sunod-sunod na busina sa labas. Sumulyap ako sa bintana. May kotseng itim ang nakaparada sa tapat kaya inisip ko na baka nakalabas na si Nheia.
Lumabas ako ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Pumasok sa loob si Tito Alfred dala ang ibang gamit galing sa ospital. Hinintay kong makapasok sina mama at Nheia ngunit tila hindi sila kasama ni Tito Alfred.
“Tito, si Nheia po ba ay nakalabas na ng ospital?” pagsisimula ko.
Umiling ito bilang sagot. “Hindi pa, baka bukas pa siya makaka-uwi. Ang mama mo nasa farm at kasalukuyang walang kasama si Nheia sa ospital. Puwede ba akong makahingi ng pabor?”
“Ano po 'yon, tito?”
“Dumaan ako sa store para ibili si Nheia ng ibang gamit na kakailanganin niya. Puwede bang ikaw muna ang pumunta roon at ibigay ang mga 'to sa kanya?”
Hindi na ako nakatanggi pa at kinuha ko na 'yong mga pinamili ni Tito Alfred. Hindi naman ganoon karami kaya kayang-kaya kong bitbitin ang mga iyon.
“Here's the key, you can use my car.”
“Thanks, tito. Mauna na po ako,”
Niyakap ako ni Tito. “Mag-iingat sa pagmamaneho, Nicole.”
Lagi niyang ginagawa sa akin ang bagay na 'yon. Napapa-isip ako kung bakit maganda ang pagtrato sa akin ni Tito Alfred. Itinatrato niya ako na para niyang tunay na anak. Alam ko namang hindi maganda ang simula namin, pero hindi ko pa rin talaga kayang palitan sa puso ko si papa. Masama pa rin ang damdamin ko dahil sa hindi naresolbang pagkamatay ni papa.
Nagmaneho ako papunta sa ospital. Wala masyadong tao sa lobby, tahimik rin sa bawat hall na nadadaanan ko. Habang naglalakad, parang bumibilis ang tibok ng puso ko.
Nasa tapat na ako ng kuwarto ni Nheia. Pipihitin ko na sana iyong busol ng pinto nang makarinig ako ng mga boses na nagtatawanan. Humigpit ang pagkakahawak ko sa mga bitbit ko. parang naninikip ang dibdib ko na dapat hindi ko nararamdaman ngayon.
Pumikit ako at nagpakawala ng mahabang buntong-hininga. Huwag dapat akong magpaapekto dahil una, kasalanan ko naman ang lahat.
Nang buksan ko iyong pinto ay nadatnan kong nagkekwentuhan si Axl at Nheia. Naka-upo si Axl sa hospital bed habang nakahiga naman sa balikat niya si Nheia. May binabasa silang libro na para bang nasisiyahan sila sa isa't isa.
“Nicole?”
Napataas ako ng kilay nang mapansin ako ni Nheia. “Ahh, I'm sorry, nakaistorobo ba ako?” pilit na ngiti lamang ang ipinakita ko. “Sabi sa akin ni Tito Alfred na dalhin ko raw sa iyo 'to at baka kailanganin mo,” sabi ko. Lumapit ako sa kanila at ibinigay kay Nheia 'yong mga dala ko.
“Oh, ito 'yong mga ni-request ko kay dad. Buti na lang dinala mo sa akin 'to,” nakangiting aniya at saka niya isa-isang chineck ang mga iyon.
Kakaibang ngiti 'yon na ngayon ko lang nakita kay Nheia. Naging mas mabait ito sa akin. O sinasadya niya lang ngumiti dahil kasama niya si Axl?
Mayamaya pa ay biglang nagtama ang mga tingin namin ni Axl. Nakakunot ang noo niya. Agad din naman akong nag-iwas ng tingin. Ayokong makahalata si Nheia. Tama na 'yong gulong nangyari dati. Ayoko nang dagdagan pa. Gusto kong maging masaya ang kapatid ko.
“Ano, nagustuhan mo ba?” nginitian ko nang malawak si Nheia habang tinutulungan siyang ilabas 'yong mga pinamili ni Tito Alfred para sa kanya.
“Yup! Thanks, Nicole!” seryosong aniya.
Laking gulat ko na lang nang yakapin niya ako. Gaya ng pagyakap sa akin ni Tito Alfred, ganoon na ganoon din ang pagyakap sa akin ni Nheia ngayon. Sobrang higpit. Sobrang init. Ito 'yong yakap na gusto kong maramdaman sa buong buhay ko.
Hindi na ako nagtagal sa loob. Dahan-dahan kong isinara 'yong pinto at lumabas na. Sa pagsara ko ng pinto, mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Wala sa sarili akong napasandal sa pinto at tahimik na humagulgol. Hindi ko dapat nararamdaman 'to. Hindi dapat ganito. Mali na umibig ako sa minamahal ng kapatid ko.
Hindi tama 'yon.
Nakarating ako sa parking lot mag-isa. Imbes na pumasok sa loob ng sasakyan ay nanatili akong nakatayo. Pinipigilan ko ang pagbuhos ng mga luha ko ngunit awtomatiko itong bumabagsak. Hindi ko mapigilan. Masyadong mabigat sa pakiramdam ko na animoy may tinik na bumabaon doon.
“Nicole.”
Napalingon ako sa likuran ko. Laking gulat ko na lang nang makita si Axl na nakatayo malapit sa akin.
“A-Anong ginagawa mo rito?” humihikbing tanong ko sa kanya.
Akmang lalapitan pa niya ako nang pigilan ko ito. Umatras ako. Lumayo ako.
“Lumayo ka sa akin.”
“Grant told me about you. Ikaw si Herra, 'yong kalaro ko noong high school, natatandaan mo ba? Ako 'yon, hindi 'yon si Grant,”
Tiningnan ko siya ng mata sa mata. “Wala akong pake sa walang kwentang laro na 'yan. Na kahit ikaw pa 'yong kalaro ko noon, gagawin mo rin naman akong laruan mo, 'di ba?”
“What are you saying?”
“Huwag ka nang magsinungaling! Sinabi sa akin ni Grant na pinlano mo 'kong gamitin para hindi maituloy ang kasal niyo ni Nheia! Pero heto ka ngayon, nilunok mo lahat ng sinabi mo! Ni hindi mo sinabi sa akin na girlfriend mo 'yong kapatid ko! At ako 'tong tanga na nag-confess ng nararamdaman ko para sa iyo pero hindi mo rin naman pala ako gusto! Ano, tama na, Axl!”
“Nicole, pinuwersa ako ng pamilya ko na mahalin si Nheia. Hindi ko gusto ang mga nangyari. Sinabi ko na lahat nang gusto kong sabihin sa iyo. Ngayon na nagiging maayos na ang lahat, ayoko nang sayangin ang pagkakataong 'to.”
“Hindi mo ginusto? Axl, may choice ka na humindi, na hindi ituloy 'yong kasal!”
“Don't expect na magugustuhan din kita! Tama ka, pinlano kong gamitin ka noon. Pero noon 'yon, ngayon gusto ko nang itama ang lahat! Wala akong nagugustuhan para sa iyo!”
“Lahat ng kabutihang ginawa mo sa akin, ni isa ba wala kang naramdaman para sa akin?” Napayuko ako at tahimik na humagulgol. “Masyado akong nag-expect in return, Axl. I'm sorry...” mahinang bulong ko sa kanya. “I'm so sorry... hindi ko sinasadyang mahulog ang loob ko sa iyo. Hindi ko sinasadyang mahalin ka.”
Tumalikod ako sa kanya at binuksan ang pinto ng sasakyan ko.
“Ayokong masaktan ka kaya ko ginagawa 'to, Nicole.”
“Pero, nasasaktan pa rin ako, Axl...”
Sumakay na ako sa kotse at isinara 'yong pinto. Mabilis kong pinaandar 'yong sasakyan paalis. Gusto kong lumayo. Gusto kong magpakalayo-layo. Ang akala ko ay magiging masaya ako sa pag-uwi ko, pero dito ko pala mararamdaman ang sakit.
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart [COMPLETED]
RomanceFormer Title: My Secret Heart Hindi akalaing magiging misteryoso ang buhay ng dalagang si Nicole Ayesha Arcueda nang pumanaw ang kanyang minamahal na ama. Noon pa man ay papa's girl na ito kung ituring ng kanyang ina. Hindi maipinta ang galit sa pus...