NGINITIAN ko ng malawak si Faye nang magtama ang aming paningin sa isa't isa. She's a good leader indeed. Una pa lang alam ko nang kaya niya. And i am really proud of being her best buddy.
“That was a heart melting! Thank you for your speech, Miss President,” sambit ni Miss Pia, ang isa sa mga emcee.
“Ang puso ko'y tuwang-tuwa dahil sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sa ating buhay ay hindi tayo nagpasindak at nagpatalo. Kaya naman partner, tawagin mo na ang pinakagwapong lalaking magbibigay ng isa pang speech before the releasing of 75 balloons as we celebrate the 75th Founding Anniversary of our University.”
Nagsimulang naghiyawan ang mga estudyante. Hindi ako makapaniwalang ganito karami ang humahanga sa pagkalalaki ni Axl. Hindi na 'ko magtataka kung bakit.
“Mr. Dhan Axl Fabellar!”
Nagpalakpakan ang lahat. Hindi mawala ang ngiti sa kanilang mga labi. Maraming camera ang nakatutok sa kanya. Ganito pala ang pakiramdam ng maging sikat sa harap ng maraming tao. Mabuti na lang at sanay na siya.
Hindi rin mawala ang tingin ko kina mama at Tito Alfred lalo na kay Nheia na tuwang-tuwa pa nang tumayo si Axl. I couldn't imagine na magkakilala pala sila.
“And let us proceed with the ceremonial of releasing the 75 anniversary balloons,” pinangunahan na ni Axl ang talumpati nito.
Lahat ng iba't ibang sektor ng unibersidad na ito ay may hawak na mga lobo at ngayo'y pumwesto na sa open field malapit sa venue.
Wala akong ibang tinitingnan kundi si Axl. Nagbabakasakali akong mapansin niya na kahit papaano ay maalala niya ako pagkatapos ng lahat ng nangyari sa ospital.
I just miss him. Hindi ko alam kung bakit.
“I think we are now ready to release the balloons. Let's have a countdown altogether. At the count of... 5...4...3...2...1...”
Kanya-kanya nilang ipinalaya ang mga hawak nilang lobo sa kalangitan. Walang tigil ang pagpalakpak ng mga estudyante rito sa venue.
Sa tingin ko, magiging matagumpay ang programang ito.
“Ladies and gentlemen the 75 balloons that represents 75 years of our sweet memories with our University. As I stand in front of you again, I feel proud and overwhelmed. Hindi ko hinahangad na sa pagkakataong ito ay nakakapagsalita pa ako sa harap ninyo. At patuloy akong magsasalita para sa kinabukasan ng bawat isa.”
Wala sa sarili akong napapalakpak. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagiging determinado sa kung ano mang posisyon nito sa unibersidad na 'to. He is very consistent. Bawat galaw niya ay napapabilib ako.
Sandali ring natahimik ang lahat. Tila hindi na nito sinundan pa ang talumpati niya. Nagtataka na ang lahat. Napahinto na lang ako sa pagpalakpak nang magtama ang mga paningin naming dalawa ni Axl. Dahan-dahan nitong ibinaba ang mikropono habang diretsong nakatingin sa akin.
“Nicole...”
Alam kong binanggit nito ang pangalan ko kahit pa hindi ko narinig iyon. Nagulat din siguro siya na makita ako sa isa sa mga manonood.
“I-I'm sorry... I-I mean...” Naguluhan na ito sa mga pinagsasasabi niya hindi na nakabalik pa sa pagiging focus nito kanina.
Nawala na 'ko sa sarili ko at tumayo na.
“Nicole, sa'n ka pupunta?” rinig kong tanong ni Tristan ngunit hindi na 'ko nagtangkang bumalik pa sa kinaroroonan ko kanina.
Nang makalabas ako ay agad akong huminga ng malalim. Napahawak pa ako sa mga tuhod ko na animoy hingal na hingal. Hindi naman ako pagod para hingalin, tila mayroon lamang tumutusok sa dibdib ko kaya ganoon.
'Yon nga ba talaga ang dahilan?
NAGHUGAS ako ng kamay nang makapasok ako sa ladies room. Pagkatapos niyon ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Mariin akong napapikit. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit ganito ang nararamdaman ko para kay Axl. Parang... parang nasaktan yata ako.
Bumukas iyong pinto at iniluwal nito si Faye. “Nicole...”
Nilingon ko siya ngunit hindi ako nagbitiw ng anumang salita.
“Okay ka lang ba? Nakita kitang tumayo sa kinauupuan mo kaya sinundan kita rito,” pagpapaliwanag niya. “A-Ano bang nangyayari sa iyo?”
Umiling ako. “Wa-Wala 'to. Bigla lang sumama ang pakiramdam ko. Can I go home now? Hindi ko na kayang magtagal dito.”
“Si-Sigurado ka ba?”
Tumangu-tango na lang ako at pilit itong nginitian. “Ako na ang bahala sa sarili ko. Bumalik ka na ro'n, sigurado akong kailangan ka nila.”
“Hi-Hindi. Ihahatid na lang kita.”
Nilapitan ko ito at wala sa sariling niyakap. “I'm so proud of you. Ang galing mo sa speech mo kanina, napahanga mo 'ko.” Kumawala na 'ko sa pagkakayap ko. “You don't have to accompany me, kaya ko na ang sarili ko.” Nginitian ko na lang ito. Ilang segundo pa'y nilagpasan ko na siya at lumabas ng ladies room.
Patuloy kong tinatahak ang daan palabas sa unibersidad na ito. Naguguluhan lamang ako kaya ganito. Hindi ko maintindihan pati ang sarili ko. Ano na ba ang nangyayari sa akin? Nababaliw na yata ako.
“Nicole!”
Narinig kong may sumigaw sa pangalan ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Hindi ko alam ngunit wala sa sariling gumalaw ang katawan ko para lingunin sa likod kung sino iyon.
“Nicole!”
May lalaking tumatakbo hindi kalayuan sa kinatatayuan ko ngayon. Patuloy ito sa pagtakbo. Hindi alintana ang init ng araw makarating lang sa harap ko.
Naningkit ang mga mata ko. Sinusubukan kong alalahanin kung sino iyong lalaking tumatakbo na iyon. Wala sa sariling kumislap ang nga mata ko nang papalapit na ito sa akin.
“Axl?” nagtatakang sambit ko sa pangalan nito.
Patuloy ito sa pagtakbo hanggang sa makalapit sa akin. Nakatingin pa rin ako sa gawi niya, nang huminto ito sa harapan ko ay bigla ako nitong sinunggaban ng isang mahigpit na yakap.
Napapikit ako dahil doon.
“Nicole...”
Pilit kong pinipigilan ang mga kamay kong huwag yumakap pabalik sa kanya. Iyon lang ang tanging paraan para pigilan ang kung ano mang nararamdaman ko para sa lalaking nakayakap sa akin ngayon.
Warm hug from him? I can't breathe.
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart [COMPLETED]
RomanceFormer Title: My Secret Heart Hindi akalaing magiging misteryoso ang buhay ng dalagang si Nicole Ayesha Arcueda nang pumanaw ang kanyang minamahal na ama. Noon pa man ay papa's girl na ito kung ituring ng kanyang ina. Hindi maipinta ang galit sa pus...