Kabanata 50: Misyon

4 0 0
                                    

JIAN GRANT

NASA LOOB kami ng sasakyan ni Locus kasama 'yong dalawa, si Hedrix at Kurt, habang nag-aayos ng mga sarili namin. Ang tagal kong hindi nagawa ang bagay na 'to. Ilang taon na rin ang lumipas simula noong nagtrabaho ako bilang agent sa isang sikat na kumpanya sa America. Na-miss kong mag-disguise.

    “Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo?”

    Inaayos ko ang buhok ko habang nakatingin sa rear view mirror ng sasakyan. “Bakit, kinakabahan ka ba?”

    “Ang tagal mo nang hindi nagawa 'to, sa tingin mo ba magiging successful 'to?”

    “Bakit hindi? At saka, may tiwala naman kayo sa iyo,” nakangiting tugon ko sa kanya. “Guwapo ba ako?” Pinagtasaan ko 'to ng kilay at nagpogi sign pa sa harap niya.

    “Corny mo...” aniya at saka nag-iwas ng tingin.

    Narinig ko naman ang pasimpleng paghagikgik nina Hedrix at Kurt kaya pinagtaasan ko sila ng kilay. “Nakakatawa ba?” seryosong tanong ko.

    Umiling 'yong dalawa at sabay na nag-iwas ng tingin.

    Binalingan ko muna ng pansin 'yong mga documents na nakalagay sa attache case ko. Magpapanggap ako bilang business man na gustong mag-invest sa kumpanya nila. Habang naroon kami sa loob, lilibangin ko ang mga tauhang naroon para si Locus naman ang makakuha ng tiyempo na maghanap ng kahina-hinala sa loob ng kumpanya. Siya na rin ang bahalang kumonekta sa mga main computers para makakuha ng impormasyon at maka-acess ng data sa loob ng kumpanya. Pagkatapos noon, mamo-monitor na namin ang paglabas at pagpasok ng new investors ng kumpanya as well as incomes and important information.

    “Are you ready, boys?” taas noong tanong ko sa kanilang tatlo.

    “We are ready!” sabay-sabay nilang tugon.

    “Tandaan niyo ang plano. Ako bahala sa mga taong haharang sa atin. Si Locus naman ang pupuslit sa loob ng opisina ng mga Fabellar. Si Hedrix ang look out, habang si Kurt naman ang makakasama ko. Sa ngayon, magpapanggap muna kayong mga guwardya ko. Kapag nakapansin kayo ng kahina-hinala, sabihin niyo agad sa akin.”

    “Yes, master!” tugon nilang tatlo at sabay-sabay naming ikinabit ang maliit na earphone sa mga tainga namin.

    Lumabas na kami ng sasakyan at sabay-sabay na pumasok sa loob ng kumpanya. Para kaming mga mafia boss sa mga postura namin. Ako ang nangunguna, habang 'yong tatlo naman ay napuwesto sa likod na parang mga guwardya sibil ko.

    Nang makapasok kami sa loob ng kumpanya ay pinagtitinginan na kami ng mga empleyado. Syempre ako, patay malisya lang. Pero kinakabahan ako. If ever na magkaroon ng gulo, handa naman kami para ipagtanggol ang isa't isa.

    Mayamaya pa ay napansin namin na biglang natapilok si Hedrix. Agad din naman itong tumayo ng maayos kahit pa may mga nakakita sa kanya. Sina Locus naman at Kurt ay patagong tumawa lang habang ako naman ay napa-iling dahil sa kapalpakan niyong isa.

    Sa barkada, hindi talaga mawawala ang isang lampa.

    “Good morning, miss. I am looking for Mr. and Mrs. Fabellar,” sambit ko nang makarating kami sa front desk ng kumpanya.

    “Do you have any appointments, sir?” seryosong tanong niyong babae.

    “Oh my goodness! It seems like you don't know who you're talking to...” singit naman ni Locus.

    Inayos ko ang necktie ko at tiningnan lang nang mata sa mata iyong babae.

    “Excuse me?” nakangising reaksyon niyong babae.

Tales Of The Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon