“ANAK, I am sorry... Hi-Hindi ko sinasadya...”
Umiling-iling ako. Napansin ko rin ang paghawak ni Nheia sa braso ni mama. I felt like pinagkakaisihan lang nila ako.
“Hindi ko kailangan ng sorry mo. Salamat na lang.”
“Nicole!”
Hindi ko na pinansin si mama at nanatili ako sa pag-akyat ng hagdan.
“Ma, that's enough...” Nheia whispered to mom.
Sandali ko silang tiningnan. Kitang-kita ko kung paano yakapin ni mama si Nheia. Minsan din akong niyakap ni mama, pero hindi nagtagal nagbago ang lahat sa kanya. Kinalimutan niya ako. Pinabayaan. Lahat ng mayroon si Nheia ngayon, kinaiinggitan ko na. Lalo na kapag si mama ang pinag-uusapan.
NAG-AYOS ako ng sarili ko bago umalis ng bahay. Balak kong mag-ikot-ikot at gumala ng mag-isa ko lang. Para naman makahinga ako nang maluwag, hindi katulad dito, baka sumakit lang ang ulo ko ng wala sa oras.
Dinampot ko sa ibabaw ng kama iyong cell phone ko. Saktong may nag-message sa akin sa friendsbook. Hindi na ako nagdalawang isip na tawagin ang babaeng 'yon, kilala ko siya.
“Faye?” sambit ko sa kabilang linya upang makasigurong si Faye nga iyon, ang highschool best friend ko.
“Ayesha? Ayesha, ikaw nga! Kumusta ka na?! Long time no talk, hoy! Ano na ang balita sa iyo?”
Naka-isip ako ng paraan para makalabas ng bahay. Tutal balak ko rin namang mamasyal, makikipagkita na lang ako kay Faye.
“Okay lang ako. Puwede bang mamaya na lang tayong magkumustahan? May kotse ka, 'di ba? Sunduin mo 'ko sa bahay, as in ngayon na!”
Tumayo ako at inayos 'yong sling bag ko.
“Wait! Sunduin? Hindi ba nasa Canada ka? Pinaglololoko mo ba 'ko, babae?!”
Napakamot batok ako dahil sa sinabi niya. “Magpapasundo ba 'ko kung nasa Canada ako? Mag-isip ka nga!”
“So, nakauwi ka na? Kailan pa?”
“Puwede ba, sunduin mo na muna ako saka tayo magchikahan! Bye, ibababa ko na 'to!”
Ibinaba ko na 'yong cell phone ko at ipinasok sa bag ko. Bumaba na rin ako upang umalis. Ayokong magsayang ng oras. Gusto kong mag-enjoy. Kalimutan ang problema kahit panandalian lang.
Nang makababa ako ay nadatnan kong may mga bisita si Nheia. Sandali rin naman akong napahinto dahil narinig ko ang pagtawag ni mama sa akin. Alam ko rin na sa'min nakatingin si Nheia.
“May lakad ka ba?”
Hindi ko ito hinarap. Nanatili akong nasa posisyon ko. “Nakakapanibago. Hindi mo ako tinatanong ng ganyan dati, ah?”
“Anak, 'yong tungkol kanina—”
“Lalayas muna ako. H'wag niyo na 'kong hintayin para sa hapunan mamaya, male-late ako ng uwi.” Sandali ko itong binalingan ng tingin. “Sige ho, mauuna na 'ko.. ”
Hanggang sa paglabas ko ay hindi ako tinantanan ni Nheia. Nakasunod ito sa akin kaya nang mapansin ko ito ay hinarap ko siya.
“Huwag mo namang pinapahiya si mama. Ate, mahal ka niya. She cares for you. Nag-aalala lang siya para sa iyo...”
Lumapit ako sa kanya. “Masuwerte ka. Sobra. Dahil naranasan mo lahat ng pagmamahal, pag-aalaga, pag-iintindi ni mama sa iyo. Pero ako? Siguro itutulog ko na lang ulit para danasin 'yang dinaranas mo ngayon!”
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart [COMPLETED]
RomanceFormer Title: My Secret Heart Hindi akalaing magiging misteryoso ang buhay ng dalagang si Nicole Ayesha Arcueda nang pumanaw ang kanyang minamahal na ama. Noon pa man ay papa's girl na ito kung ituring ng kanyang ina. Hindi maipinta ang galit sa pus...