Kabanata 57: Masquerade Ball

7 0 0
                                    

    NICOLE AYESHA

SOBRANG sakit sa pakiramdam na malaman kong pinatay nang walang kalaban-laban si papa. Halos hindi ako makakain at makatulog kaiisip sa kanya dahil hindi man lang nito natamo ang hustisyang hinahangad niya. Ang masama pa riyan, kasabwat si tita Georgina sa pagpatay sa papa ko. Siya ang may kasalanan. Gagawin ko ang lahat pagbayaran niya lang ang ginawa niya sa papa ko.

    Wala akong dapat ikatakot, ipaglalaban ko ang tama. Alam kong 'yon ang dapat kong gawin. Wala akong pakialam sa kasal o ano mang masayang kaganapang mangyayari, all I want is to give my father a justice he deserves. Wala akong sasayanging oras, magkagulo na kung magkagulo.

    “Nicole, anak, puwede ba tayong mag-usap?”

    Boses iyon ni mama kaya alam kong nasa likuran ko lang siya. “Knock before you enter my room,” seryosong sambit ko habang humihikbi pa.

    “I'm sorry. Hindi dapat kita sinampal. Hindi ko dapat sinabi ang mga masasakit na salitang 'yon. Pero kung pakikinggan mo 'ko, walang araw na hindi ko inisip ang daddy mo. Mahal na mahal ko si Nico at mahal na mahal din kita, anak. Hindi matutumbasan ng kahit anong pera o kayamanan ang halaga ninyo sa puso ko.”

    Sunod-sunod na pumatak ang mga luhang namumuo mula sa mga mata ko. Nararamdaman ko pa rin ang pagbigat ng puso ko na tila oras-oras ay dinudurog ito.

    “Kung ang hangarin mo ay mabigyan ng hustisya ang daddy mo, iyon na rin ang magiging hangarin ko, anak. Kukuha ako ng magaling na abogado at bubuksan nating muli ang kaso ng daddy mo.” Naramdaman ko ang paghawak ni mama sa kamay ko. Ang lamig ng mga kamay niya. Tama nga siya, pareho kaming nawalan ng mahal sa buhay at pareho kaming nangungulila. “Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Makakamit natin ang hustisya, kaya sana... magtulungan tayong dalawa, anak. Hindi ko magagawa 'to nang hindi dahil sa iyo.”

    Sa mga oras na 'to, pareho na kaming umiiyak. Hindi ko akalaing pakikinggan ni mama ang gusto ko na makamit ang hustisyang para kay papa.

    Humiga ako sa balikat ni mama at saka niya naman ako niyakap ng mahigpit. “Gagawin natin ang lahat makamit lang ang hustisya na para sa daddy mo. Hindi tayo titigil hangga't hindi pinagbabayaran ng mga hayop na 'yon ang ginawa nila sa daddy mo.”

    “Thank you, ma,” mahinang tugon ko. “And I'm sorry. Sobrang bigat lang sa pakiramdam na malaman ang totoong nangyari kay papa. Araw-araw akong nangungulila sa mga yakap at pag-aalaga niya. Hindi dumaan ang araw na hindi siya sumasagi sa isipan ko. I love dad, at gusto kong makamit ang hustisya para sa kanya dahil 'yon lang ang alam kong magagawa ko na ikasasaya niya.”

    Hinaplos nito ang likod ko na animoy pinapatahan na sa pag-iyak. Binigyan niya rin ako ng isang halik sa noo. Mahal ako ni mama, siguro nga, hindi naging bukas ang puso ko para hindi iyon maramdaman. Napangunahan ako ng galit at sama ng loob. Pero ngayon, nararamdaman ko nang paunti-unti kaming nagiging bukas sa isa't isa.

    Sa huli, kami lang din ang magkakampi.

    “Mahal na mahal ka rin ng daddy mo. Alam ko 'yon, Nicole. At lagi mong tatandaan na kasama mo siya sa bawat pagbusok na tatahakin mo. And I will assure you that justice will be served.”

    Sa pangalawang pagkakataon ay niyakap akong muli ni mama. Ngayon, naniniwala na ako sa kanya. Wala akong dapat pagkatiwalaan kundi si mama lang at mga malalapit sa buhay ko. Magiging maayos ang lahat.

    “Tahan na!” Kumawala si mama sa pagkakayakap at pinunasan niya ang mga mata ko. “Handa ka na ba sa Masquerade ball? Nariyan na ang beauty glam sa ibaba para makapag-prepare na. Nakita mo na ba ang gown mo?”

Tales Of The Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon