NICOLE AYESHA
KALALABAS ko lang ng ladies room at saka nagtungo na sa venue kasama si Tristan. Sa bawat oras ay diretso lang akong nakabuntot sa kanya. Napapagod na 'ko sa kalalakad, gusto ko na lang mahiga't maglaro ng video games sa kuwarto gawa ng gawain ko rati noong nasa Canada pa ako.
Pinaupo ako nito hindi kalayuan sa stage habang si Tristan ay nasa kaliwa ko. Nagpalinga-linga lamang ako hanggang sa marinig naming magsalita iyong mga MC ng programa.
“Please settle down now because we are about to start our program.”
Sandali kong nilingon si Tristan. “Bakit wala pa rito si Faye?” nagtatakang tanong ko. Kanina ko pa kasi ito hinahanap sa stage.
“Maghintay ka lang, may grand entrance ang mga matataas na opisyales ng paaralan. Magsisimula na rin naman ang programa in a few minutes.”
Tumango ako. “'Di ba, Bise Presidente ka? Bakit ka narito sa tabi ko?”
Nginitian niya 'ko. “Hindi na kailangan. Mas mabuting bantayan na lang kita para 'di ka makatakas.”
Napa-irap ako sa kawalan at hindi na ito pinansin. Ilang minuto rin ang nakalipas ay nagsimula na rin sa wakas ang programa. Kahit papaano magiging panatag ako't masuportahan si Faye sa kanyang speech.
“Celebrating the founding anniversary is a reminder of our glorious past, for it brings to mind that in every battle we are facing, we never lose hope to achieve success and victory!”
Iyon na siguro ang isa sa mga magandang introduksyon na narinig ko mula sa mga MC.
“Good morning, partner!” sambit niyong babae sa kasama nitong isa pang MC.
“Good morning too, partner!” pagbati naman niyong lalaki.
“A pleasant morning to one and all!” sabay nilang wika at saka naman nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng venue.
“This is Pia Alvarez...” pagpapakilala niyong babae.
“And I'm Harold Vasquez...”
“We are delighted to be your Master of Ceremonies.”
Maraming estudyante ang narito ngayon. Iba't ibang kulay ng uniform ang suot nila. May pula, asul, dilaw, berde at marami pang iba. Katulad ng sabi ni Tristan sa akin kanina, ang unibersidad na ito ay eksklusibo. Mga mayayaman ang nag-aaral. Kung iisipin ko, lahat ng narito ay may kakayahan at kapangyarihang hinahawakan.
“Handa na ba ang lahat?!” masayang tinig niyong babaeng emcee na si Miss Pia.
Umalingawngaw ang hiyawan at sigawan ng mga estudyante sa loob ng venue. Dahil doon ay napapangiti't napapa-palakpak na rin ako sa sobrang tuwa. Kahit ako ay hindi na makapaghintay kung ano pa ang mga kaganapan dito.
“Hindi na namin patatagalin pa, ipakikilala na namin sa inyo ang mga opisyales ng paaralan at kung sino ang mga taong nasa likod ng tagumpay na ito!” nakangiting sambit ni Mr. Harold.
“Ladies and gentlemen, announcing the arrival of Chairman Duke Fabellar together with his wife, Mrs. Georgina Fabellar. Give them a round of applause, please!”
Wala sa sarili akong napa-palakpak ng banggitin ng emcee iyong mga pangalan ng magulang ni Dhan Axl. Ngayon ay nakilala ko na sila. Kailan ko kaya sila makakausap?
Ano 'yon? Nagfi-feeling na ipakikilala ako ni Axl sa mga magulang niya? Imahinasyon ko talaga sobrang lawak.
Natawa ako sa sambit ng utak kong iyon. Sabagay, hindi masamang mangarap.
“Next in line, the Student Council President, Miss Faye Gonzales together with her escort, the youngest son of Chairman Fabellar, Dant Aqious Fabellar!”
Wala sa sarili akong natawa. Hindi ko akalaing magiging si Aqi ang partner ni Faye. Hindi maitatangging may karisma ang dalawa. Bagay sila!
Habang naglalakad si Faye ay nagkatinginan kami. Napansin ko ang pagbuntong-hininga nito na ikinatawa ko. Sandali rin kaming nagkatinginan ni Aqi, hayun, sinungitan lamang namin ang isa't isa.
Nakakatuwa!
“I am also announcing the arrival of Mr. Alfred Marquessa and Mrs. Niña Marquessa. Their family is one of the shareholders of this University!”
Nakangiting kumakaway si mama habang nakahawak sa braso ni Tito Alfred. Napangiti na lang din ako. Seeing her happy is really a priceless one. Wala na 'kong ibang hinangad kung hindi ang kaligayahan niya.
Napakunot-noo na lang ako nang mapagtantong hindi kasama si Nheia.
“Nasa'n na 'yon?” bulong ko sa kawalan.
“Sino?”
Nilingon ko si Tristan. Hindi ko akalaing narinig niya iyong sinabi ko. “S-Si... Nheia...”
“You mean... Axl's girl—”
Hindi na naituloy ni Tristan ang sasabihin nito nang biglang magsalita iyong emcee. Pero nanatili akong nakatingin sa kanya, umaasang itutuloy pa nito ang sasabihin niya.
“And now... let's all welcome... The son of Mr. and Mrs. Fabellar... Dhan Axl Fabellar together with his partner... Jenheia Marquessa...”
Nawala ang paunti-unti ang ngiting ipinupukaw ko kay Tristan. Sa kanya lang ako nakatingin. Nang dahil sa narinig kong iyon, tila natigilan ako. Sinusubukan kong huwag lumingon ngunit ngayon kitang-kita ko na silang magkasamang naglalakad patungo sa kanilang designated seats sa itaas ng stage.
Mula sa malayo, kitang-kita ko ang malawak nilang ngiti sa isa't isa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang lahat. Tila hindi nito ma-proceess sa loob ng utak ko kung bakit sila magkasama. Kung bakit sila magkakilala. Kailan pa? Bakit wala akong alam?
“Nicole...”
Nilingon ko si Tristan. “Bakit parang natigilan ka?”
Napa-awang ang bibig ko. “Ha-Ha?”
“Nicole, namumutla ka, sigurado ka bang okay ka lang?”
Wala ako sa sariling napailing at sandaling yumuko. “Wa-Wala naman. Okay lang ako, huwag kang mag-alala,” pagkukunwari ko.
Ibinalik ko ang tingin sa harap ng stage. Huminga ako ng malalim at pilit na hindi nililingon ang tingin sa kanilang dalawa. Sinusubukan kong tanggalin sa isip ko kung ano ang mga binanggit ng emcee kanina. Ang kanilang mga pangalan, at kung paano mag-react ang mga estudyante sa loob ng venue.
Napangisi na lamang ako.
“As a Student council president, I would like to extend a warm welcome to the teachers, students, family and to our guests, here today. Thank you for your continuous support and encouragement for building up our own knowledge in this school. I have no words to say... my unending thank you to those people behind this victory of our University!”
Nagpalakpakan ang lahat dahil sa napakagandang talumpati na iyon ni President Faye. Taos pusong pasasalamat ang kanyang ibinahagi sa bawat isa. Kahit ako ay napabilib niya.
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart [COMPLETED]
RomanceFormer Title: My Secret Heart Hindi akalaing magiging misteryoso ang buhay ng dalagang si Nicole Ayesha Arcueda nang pumanaw ang kanyang minamahal na ama. Noon pa man ay papa's girl na ito kung ituring ng kanyang ina. Hindi maipinta ang galit sa pus...