DEIN ALICE
KINUHA ko 'yong white coat ko sa couch bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Hindi pa ako nakakababa ng hagdan nang makita kong bukas ang kuwarto ni Axl. Pumasok ako sa loob at nadatnan itong natutulog pa.
Napakunot-noo ako nang makaamoy ako ng alak at sigarilyo sa loob ng kuwarto niya. Dahil sa inis ay ginising ko ito. “Axl! Axl!”
“Hhmm... inaantok pa ako!” pagrereklamo niya.
“Uminom ka na naman? Halos gabi-gabi ka nang ganyan, ha?” pagsesermon ko. “Nagagalit na sa akin si mama dahil hindi ka na raw bumibisita sa kumpanya. Axl, ilang linggo na lang bago ang kasal mo, pull yourself together!”
Aalis na sana ako nang marinig ko itong magsalitang muli. “You're right. Sana sinunod na lang kita, ate. Sana hindi pumayag ako na maikasal sa Nheia na 'yon. Sana ipinaglaban ko kung anong gusto ko. Sana ipinaglaban ko siya bago pa mahuli ang lahat...” mahina niyang sambit.
Napabuntung-hininga ako bago umupo sa kama niya. “Nagsisisi ka ba?”
“Hindi dapat ako nagsisisi sa mga naging desisyon ko, pero... sana pala sinubukan kong gawin ang tama.”
Nanatiling nakatalikod sa gawi ko si Axl habang yakap-yakap ang unan niya. Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Ano pa nga bang magagawa niya? He agreed with the proposal.
“Hindi pa huli ang lahat. Siguraduhin mo lang na ipagtatapqt mo na ang nararamdaman mo para kay Nicole.”
Narinig kong ngumisi ito. “As if namang paniniwalaan niya ako. Nasaktan ko 'yong tao. Hanggang ngayon galit pa rin siya sa akin.”
“Ikaw na rin ang nagsabi na dapat sinubukan mo...” Hinaplos ko ang braso ni Axl. “Mabuti na 'yong sinubukan mo kaysa naman sa magsisi ka, hindi ba?”
Tumayo na ako. Nanatili pa rin itong nakatalikod sa gawi ko.
“Nasa ospital lang ako kung may kailangan ka,” salaysay ko bago tuluyang lumabas ng kuwarto niya.
Pagkababa ko ng hagdan ay si mama agad ang napansin ko. Natataranta ito na animoy nagmamadali.
“Where are you going? Business trip again?” nakakunot-noong tanong ko kay mama.
“No, no!” inis na sambit niya. “Duke! Duke, bilisan mo naman!” sigaw ni mama.
Mayamaya pa ay nagmamadali na ring bumaba ng hagdan si papa.
“What's happening?” naguguluhang tanong ko.
“May meeting lang kami with the Marchessas. Alam mo na, business matters.” Hinaplos ni mama 'yong pisngi ko bago maglakad palabas. “Ikaw na bahala kay Axl at Aki,” dagdag pa niya.
“Good bye, hija,” sabi naman ni papa at saka niya ako hinalikan sa noo bago sumunod kay mama sa labas.
Nitong mga nakaraang araw, panay ang paglabas-labas ni mama at papa dahil sa business trip. Napapansin ko ring palagi silang aligaga sa bawat kilos nila.
“Where are they going?” tanong ni Aki na kakaupo lang sa sofa habang kumakain ng ice cream.
“Sa kumpanya. Mayroon daw silang important meeting with the Marchessas.”
“Is this about the wedding again?”
Nagkibit-balikat ako. “I don't know. Matagal nang napag-usapan 'yong tungkol sa kasal. Both family were agreed about that and also your kuya Axl agreed.”
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart [COMPLETED]
RomanceFormer Title: My Secret Heart Hindi akalaing magiging misteryoso ang buhay ng dalagang si Nicole Ayesha Arcueda nang pumanaw ang kanyang minamahal na ama. Noon pa man ay papa's girl na ito kung ituring ng kanyang ina. Hindi maipinta ang galit sa pus...