Kabanata 37: Tawag

2 0 0
                                    

DHAN AXL

    “SO... tell me?! Kailan mo pa nakilala si Nicole?!”

    Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa unit ko nang marinig ko ang malakas na sigaw sa akin ni Nheia.

    Hindi ko siya pinansin at dire-diretso lamang ako sa paglakad hanggang sa makaupo sa sofa. I removed my shoes as well as my sacks. This day was so fucked up! Wala akong ibang narinig kundi sermon.

    “Sagutin mo 'ko, Axl! I am your girlfriend and I deserve to know the truth! What's going on with you and Nicole?!” pasinghal na aniya.

    “Please, just calm now and take a deep breath,” kalmadong sambit ko at saka nagtungo sa kusina. Kinuha ko 'yong isang bote ng alak sa cabinet at saka nag-crash ng yelo.

    “May oras ka pa talaga para uminom?! Axl, ginulo mo 'yong foundation day. Alam mo ba ang ginawa mo?! Lahat ng bisita galit na galit sa nangyari! Pagkatapos mong banggitin at makita si Nicole in the middle of the crowd, bigla ka na lang nagtatatakbo para habulin siya! Are you losing your mind?! Nakalimutan mo na bang pabagsak na ang kumpanya niyo?!”

    Bago ko inumin iyong hawak kong alak ay matalim kong tinitigan ng mata sa mata si Nheia. “I know what I am doing, Nheia.”

    “So... bakit mo hinabol si Nicole? Anong mayroon sa kanya at ginawa mo 'yon?!”

    Hindi ako nakasagot. Bigla na lang pumasok sa isipan ko si Nicole. All this time, siya pa rin laman ng utak ko. Hindi ako makapag-isip kung ano ba ang dapat kong gawin para hindi na ako pag-initan ni mama at ate Dein.

    “Axl, answer me! Bakit mo hinabol si Nicole?! Bakit mo hinayaang masira lang ang matagal na hinihintay ng mama mo?!”

    “F*ck, Nheia! F*ck!” nanggagalaiti kong sigaw kasabay niyon ay ang pagtapon ko ng baso sa sahig. “Do you think marriage is the solution para maibalik ang tiwala sa akin ng mama ko?!” Sandali akong huminto at naglakad palapit sa kanya. Nagulat siya nang hawakan ko ang magkabilang braso niya. “No, Nheia! Kahit ikasal tayo, hinding-hindi magbabago ang paningin sa akin ni mama! I am that useless kid na kilala niya! Kaya huwag kang mag-expect na itutuloy ko ang kasal dahil hinding-hindi mangyayari 'yon, Nheia!”

    Binawi niya ang mga braso niya at bahagyang umatras. “Akala mo ba basta-basta na lang akong uurong?! Wala ka nang magagawa pa, Axl! All you can do is to marry me! Whether you like it or not, I am desperate to love you! At walang makakaagaw ang dapat ay sa akin lang!”

    Nanggagalaiti ang kamao ko. Pakiramdam ko ay sasabog na lang ako sa galit. Bakit lahat na lang yata ay ako ang may kasalanan? I just want to have a quiet and peaceful life. I just want to rule my own life and do whatever I want.

    “You have a minute to get yourself out of my condo, Nheia,” pagdidiin ko sa kanya.

    Sandali niya akong tiningnan ng masama at saka mabilis na dinampot iyong sling bag niya't nagmartsa palabas ng condo.

    Pagkatapos niyang maisara iyong pinto ay saka ko naman inihagis iyong isang bote ng alak sa pader at nagsisisigaw. Para akong nawawala sa katinuan. Pinagbubugbog ko pa 'yong pader at pinagsisisipa ito. Wala akong mapagbuntunan ng galit. Gusto ko na lang maglaho at makalimutan ang lahat. Gusto kong makalimutan nila ako. Ayoko nang maging sunod-sunuran sa kung ano man ang sinasabi ng Pamilya ko.

    I have the right to be my own. I have the right to get what I want. I have the right to choose the right for me. Hindi iyong sila ang mamimili para sa akin.

Tales Of The Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon