Kabanata 59: Guilty

6 0 0
                                    

“THAT'S NOT TRUE! Nasaan ang proweba mo, wala naman, eh! Huwag kayong maniwala sa babaeng 'to dahil baliw siya!”

    “Ikaw ang baliw sa ating dalawa, Mrs. Georgina! Buong buhay mong itinago sa pamilya mo ang kagaguhang ginawa mo! Paano ka nagiging masaya?! Paano mo natitiis ang konsensya mo?! Hindi mo makakamit ang tagumpay ng kumpanya niyo kung hindi dahil sa papa ko!” Kinuha ko 'yong attache case na hawak ni Grant at binuksan iyon sa sahig. Inilabas ko lahat ng papeles at prowebang hinahanap nila. “'Yan, basahin niyo isa-isa nang maniwala at maliwanagan kayong walang kuwentang ina si Mrs. Georgina! Kung ayaw niyo namang magbasa, sige... makinig na lang kayo sa music na ipe-play ko...” Nakangiti pang sambit ko sa kanila.

    Mayamaya pa ay may biglang nag-play na voice recorder sa kabuuan ng silid. Rinig na rinig iyon sa mga speaker kaya lahat ng taong narito ay maririnig iyon.

    [Mahigit sampung taon na, Georgina! Utang na loob mo sa akin kung bakit hanggang ngayon ay nananatiling nakatayo ang kumpanya niyo! Ipinabagsak ko ang kumpanya ni Nico Arcueda para umangat ka! Dinungisan ko ang mga mala-porselanang kamay ko para matulungan ka!]

    “Still not satisfied yet, Mrs. Georgina?!” nakangising tanong ko sa kanya.

    May nag-flash na isang video sa isang malaking screen at ipinakita roon kung paano nila pinatay si papa. Hawak ni Vince Ocampo ang baril at nakatutok iyon kay papa. Walang kalaban-laban si papa, nakatali ang mga kamay niya at mga paa, nakasalampak sa sahig at walang awang pinahirapan.

       [Huwag po! Gagawin ko ang lahat, huwag niyo lang akong papatayin. I still have my daughter, hindi ko pa siya nakikita. I'm begging you, please...]

    [Manahimik ka! Ikaw, sagabal ka sa lahat ng plano ni, Madame! At isa kang papansin na walang alam sa buhay kundi agawin lahat ng business partners ni Madame Georgina!]

    Napapikit ako nang marinig ko ang sunod-sunod na pagputok ng baril doon sa video. Hindi ko kayang makitang mamatay si papa ng ganoon-ganoon na lang. Wala siyang laban sa mga taong pumatay sa kanya.

    “Nico!” humagulgol si mama nang mapanood niya ang video na 'yon. “Nico! Hindi! Hindi!”

    Iminulat ko ang mga mata ko at binalingan ng pansin si Mrs. Georgina. Nanginginig ito at halos hindi na makatitig sa akin ng diretso.

    “Are you ready for the perfect storm, Georgina?! Ang tagal kong hiniling ang araw na 'to! Panahon na para pagbayaran mo ang ginawa mo sa papa ko!”

    “Georgina, walang hiya ka!” Mabilis na tumayo si mama upang sugurin si Mrs. Georgina ngunit agad siyang napigilan ni Tito Alfred.

    Mayamaya pa ay may mga kalalakihan nang nakapalibot sa amin at nakatutok ang kani-kanilaang mga baril sa direksyon namin.

    “Sige! Subukan niyong lumapit sa akin, akala niyo ba hindi ko kalkuladong mangyayari 'to?!” sarkastikong sambit ni Mrs. Georgina. Naglakad ito pababa ng stage at lumapit sa akin. “Isang galaw ng pamilya mo, susunod sila sa langit kasama ng papa mo!” at saka ito humalakhak sa harap ko.

    Humigpit ang pagkakahawak ko sa baril. Naiinis ako. Nagagalit ako sa kanya. Akala niya ba hanggang dito lang ang kayang kong gawin?

    “Marami pa lang nalalaman 'yang Nicole na 'yan tungkol sa amin, Georgina! Hahahaha!” sambit ni Vince at saka ito bahagyang naglakad. “Magaling! Magaling! Dinaig pa ang imbestigador! Hahahah!”

    “Tama lang na namatay ang papa mo dahil pareho lang kayong walang kuwenta sa mundong 'to! Hindi mo 'ko kayang baliktarin, Nicole! Marami akong kayang gawin kaysa sa iyo!”

Tales Of The Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon