DEIN ALICE
KABABABA ko lang hagdan nang bumungad sa akin si mama. Kanina pa ito paikot-ikot ng bahay at tila may hinahanap na kung ano.
“Hey, mom! Is everything okay?” nagtatakang tanong ko sa kanya.
Huminto ito at naglakad palapit sa akin. “Have you seen your brother?”
“You mean, Aqi? Kalalabas niya lang a while ago. Magha-hang-out yata with his colleagues,” pagpapaliwanag ko.
“No, not him. I mean, Axl. Where is he? Kagabi ko pa hindi nakikita ang kapatid mo, Dein. At kailangan niyang um-attend ng conference ngayon,” ani mama.
Halata sa hitsura ni mama na stress na stress na siya. Lagi na rin siyang galit. Panay na rin ang sigaw niya na para bang nakalimutan na ang salitang 'kumalma'.
“Co-Conference? A-Anong mayroon, ma?”
Napa-irap siya sa kawalan. “I announced an urgent meeting together with Marquessa family. Me and your father should be there. And you and your brother, Axl, should attend too,” pagdidiin ni mama.
“Is this about the wedding?”
Pinangkunutan ako ng kilay ni mama. “This is about our company, Dein.”
Tumalikod ako at naglakad papunta sa sala. Naroon kasi ang mga gamit ko at mga bagay na dadalhin ko papuntang ospital. “I can't make it today, mom,” walang ganang sambit ko.
“What?!” Dismayado pa si mama.
“My schedule is full. Kailangan ako sa ospital at maraming pasyente ang naghihintay sa akin doon. Maraming nag-aagaw buhay sa ospital ko at hindi ko kayang ipagpalit 'yon dahil lang sa problema ng pamilya natin.”
“How dare you!” napalakas ang sagot sa akin ni mama.
Napahinto ako sa pag-aayos ng mga gamit ko at hinarap ito. Saktong bumaba naman si papa at nadatnan kami nitong nagsusumbatan.
“Kahit kailan wala kang utang na loob sa akin, Dein! Hindi mo maitatayo 'yang ospital na 'yan nang hindi dahil sa akin! Lahat ng mga naging expenses at mga bagong equipments na mayroon ang ospital mo, ang kumpanya natin ang nagpo-provide niyon! Kapag bumagsak ang kumpanya, babagsak ka rin...”
Nag-iwas ako ng tingin. Lahat naman ng kagandahang loob na ginagawa ni mama ay isinusumbat niya rin sa akin sa huli. Alam ko namang gagawin niya 'to. Ibabato niya sa akin lahat ng mga naitulong niya para magkaroon ako ng utang na loob sa kanya.
“Calm down, Georgina. Hindi mo kailangang sigawan ang anak mo,” kalmadong suway ni papa kay mama.
“Let's go, Duke! May meeting pa tayo,” anyaya ni mama kay papa at saka nauna na itong lumabas ng bahay.
Sa mga oras na 'to ay kaming dalawa na lang ni papa ang naiwan. “You don't have to force yourself to attend the meeting. Me and your mom will be right there to defend our company. So, c'mon! Many patients are waiting for your service... baka ma-late ka,” nakangiting sabi sa akin ni papa.
Lumapit ako sa kanya at yumakap ng mahigpit. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Sa buong buhay ko, si papa lahat ang nagpapaliwanag at nagsasabi sa akin na hindi lahat ng bagay ay kailangan kong pagtuunan ng pansin. Ang lagi ko raw piliin ay 'yong passion ko at sa kung saan ako kumportable.
“Thankyou, dad,” malamig na bulong ko kay papa.
Ramdam ko ang paghaplos niya sa likuran ko upang pakalmahin ako. “Kaya natin 'to,”
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart [COMPLETED]
RomanceFormer Title: My Secret Heart Hindi akalaing magiging misteryoso ang buhay ng dalagang si Nicole Ayesha Arcueda nang pumanaw ang kanyang minamahal na ama. Noon pa man ay papa's girl na ito kung ituring ng kanyang ina. Hindi maipinta ang galit sa pus...