Kabanata 34: Banggaan

5 0 0
                                    

JIAN GRANT

NAKA-UPO lang ako sa gaming chair ko habang pinagmamasdan iyong pangalan ni Herra sa kompyuter. Noong unang beses kaming maglaro, masaya ako. Nagustuhan ko ang pakikitungo nito sa akin. Hanggang ngayon pa rin naman simula noong magbago ako ng account at pangalan. Sa internet lang naman lumalakas ang loob ko. Mahiyain talaga ako sa personal lalo na sa mga babaeng katulad ni Herra.

    Noong una, para sa akin laro-laro lang ang lahat. Kung ano man ang mga binalak namin noon ni Axl ay pinagsisishan ko na iyon. Ewan ko ba kung bakit hindi ako sumang-ayon sa kagustuhan niyang ilantad ang lahat kay Herra. Iyon bang, si Axl ay ako at ako ay si Axl.

    Ngayon ko lang pala napagtantong mali ang manloko ng isang tao lalo na kung napapalapit na ito ng husto sa iyo.

    Binuksan ko ang isa sa mga cabinet ng mesa ko. Agad kong kinuha iyong maliit na litrato. Siya iyong babaeng nakita ko sa airport. Hindi pa rin ito mawala sa isipan ko. She's quite mysterious but cute.

    Nag-ring iyong cell phone ko kaya agad kong dinampot iyon at sinagot.

    “Hello?”

    “Ji, saan ka na? Hindi ka ba pupunta sa Eint house? Grind kami today, sama ka ba?” ani Locus, isa sa mga kaibigan ko sa Eint house.

     Sa Eint house namin ginaganap ang meetings at training tungkol sa E-Sports. Doon na rin kami nag-eensayo, minsan tambayan na rin.

    “Sige, I'm on my way. May dadaanan lang ako sa library...” sambit ko.

    “Hintayin ka namin. Ingat ka, tol,”

    Wala sa sarili akong napatango at ibinaba 'yong linya. Bago ako makatayo ay sandali kong pinagmasdan ang babaeng nasa litrato. Nakuha ko rin ang pangalan nito sa isang crew na nagse-serve ng pagkain sa kanya.

    Her name is Nicole Ayesha Arcueda.

    Wala sa sarili akong napangiti sa kawalan nang maalala ko ang buong pangalan nito. Gusto kong balikan ang mga panahong nasa same flight pa kaming dalawa.

    Kinain niya kaya 'yong cupcake na ipinaabot ko sa crew para sa kanya?

INIHINTO  ko ang sasakyan sa tapat ng city library. Bago makababa ay kinuha ko muna 'yong tatlong hiniram kong libro upang maisauli na ito sa kinauukulan.

    Habang naglalakad ay bigla akong napahinto ng biglang— “Uyyyy! Mi-Miss, sorry... pasensya ka na,”

    Inalalayan ko itong makatayo dahil hindi ko naman sinasadya na magkakabanggaan kami. Hindi ko rin namamalayang may dumaan pa lang babae sa gilid.

    “Okay ka lang ba?” Habang tinutulungan ko ito ay bigla na lang akong napahinto nang magtama ang mga paningin namin.

    Siya iyong babaeng nakita ko sa airport. Si Nicole. Naalala ko pa ang pangalan nito. Tadhana nga naman, oh. Parang kanina lang pinagmamasdan ko pa ang picture niya.

    “So-Sorry...” mahinang paghingi ko ng pasensya sa kanya.

    Nginitian niya lang ako at tumango. “Okay lang. Pero parang... sumakit yata 'yong kanang paa ko..”

    Agad kong inilipat ang atensyon sa paa niya. “Tara dito.” Iginiya ko ito sa hagdan papasok sa library para maka-upo ito kahit papaano. Pinagpagan ko muna iyong uupuan niya. “Dito, maupo ka muna. May babalikan lang ako sa kotse ko, hintayin mo ko rito, ayos lang ba?”

    Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kundi ang pagtango nito at pagngiti. Napangiti na rin ako dahil sa inasal niya.

    Bumalik ako sa sasakyan at binuksan iyon. Kinuha ko iyong oil sa bag na pinampapahid ko tuwing sumasakit ang katawan ko. Sa tingin ko'y makatutulong iyon sa paa ni Nicole.

    Sa ngayon, ayoko munang malaman niya na ako 'yong nagbigay ng cupcake sa kanya. Gusto kong magiging maganda ang simula naming dalawa.

    “Pasensya ka na natagalan...” Umupo ako sa tabi nito at binuksan 'yong oil. “Could you please take off your shoes for a while?”

    “Sige...” Inalis niya iyong sapatos niya.

    Lumapit naman ako sa paa nito at dahan-dahang ipinatong iyon sa hita ko. “Sabihin mo kung nasasaktan ka—”

    “Awww!”

    “So-Sorry...” sambit ko nang marinig ko ang pagdaing niya.

    Dahan-dahan kong hinilot ang paa niya gamit iyong oil. Hindi ko akalaing pagtatagpuin kami ng tadhana, sa ganitong sitwasyon pa.

    “O-Okay na. Salamat...” Binawi na nito ang paa niya at saka isinuot muli iyong sapatos niya.

    “Pasensya ka na, ha? Hindi ko sinasadya. Nasaktan pa tuloy 'yang paa mo.”

    Natawa ito at hinarap ako. “Ano ka ba? Okay lang 'yon.”

    Tumango na lang ako. Sandaling nanuot ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

    “Sige, mauna na 'ko,” paalam niya.

    “Te-Teka. Ako nga pala si... Grant, but you can call me Ji.” Inilahad ko ang nanginginig kong kamay sa kanya. Pinagpapawisan pa yata ako.

    Napansin ko ang paghagikgik niya. “Magpapakilala ka lang, kinakabahan ka na.” Tinanggap nito ang kamay ko at saka nag-shake hands kami. “Ako si Nicole. Salamat sa paghilot ng paa ko.”

    Ang ngiti niyang ipinapakita sa akin, kakaiba ang mga iyon. Pakiramdam ko ay mas lalo akong minamagnet ng mga ngiti niya.

    “Ji, okay ka lang ba? Puwede ko na bang mabawi ang kamay ko?”

    Bumalik ang sarili ko mula sa mga imahinasyong naglalaro sa isip ko. Binitiwan ko na ang kamay nito at pasimpleng ngumiti sa harap niya. “Pa-Pasensya na...”

    “Saan ba ang punta mo ngayon?”

    Hindi ko inaasahan na itatanong niya ang mga katagang iyon.

    “Sa-Sa li-library... ibabalik ko kasi itong mga librong hiniram ko. I-Ikaw ba?” utal-utal na tanong ko sa kanya.

    “Wala naman. Nag-iiikot lang. Naghahanap din ako ng internet cafe na malapit dito. Hindi kasi ako makapaglaro dahil lowbat na laptop ko. May alam ka ba?”

    Kumunot ang noo ko. “Ma-Mayroon naman. Bago 'yan, if you don't mind, samahan mo muna akong ibalik 'tong mga libro sa library?”

    Tinanguan niya ako. “Oo naman, tara...”

    Hahakbang nasa kami nang biglang... “Arayy!”

    “Oh, okay ka lang? Kaya mo bang maglakad?” nag-aalalang tanong ko sa kanya.

    “Okay lang, siguro...”

    Hinawakan ko ito sa baywang niya. Bahagya itong napabalikwas, nagulat siguro ito sa ginawa ko. Kinuha ko rin ang kanang kamay niya at  mahigpit na hinawakan iyon. “Let me help you, Nicole.”

    Tumango na lang ito sa kagustuhan niyang makapaglakad ng maayos. Habang humahakbang sa hagdan ay pasimple akong napapangiti. Malay ko bang kinikilig na pala ako. Hindi ko maintindihan.

    Sa kabila ng pagbabangayan namin ni Axl, napalitan na ng ngiti ang kaninang hindi maipintang mukha ko.

    Hindi ako makapaniwalang makakasama ko ang babaeng 'to ngayon.

Tales Of The Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon