“HOY! Hahahaha!”
Halos mamatay ako sa gulat nang marinig ko ang panggugulat sa akin ng kapatid kong si Aqi. Sinamaan ko ito ng tingin nang pagtawanan niya 'ko.
“Why are you so serious? Hindi na naman ba kayo nagkita ng chix mo? Si ate Nheia? Hahaha! Mukhang broken na broken tayo riyan, ha?”
Inihagis ko sa kanya iyong unan sa gilid ko. Naka-upo ako sa couch habang nakatutok sa harap ng laptop ko. Nakapatong iyon sa lap ko.
“Could you please stop? Can't you see me studying here? Ang gulo mo!” pagrereklamo ko sabay balik ng atensyon ko sa laptop ko.
“Studying... studying? Eh, hindi ka naman nag-aaral! Nakikita ko riyan sa reflection ng salamin mo na naglalaro ka na naman ng barilan, eh! Palusot ka rin, eh, 'no?!”
Sinamaan ko lang ito ng tingin at nagpatuloy sa paglalaro. Gusto kong libangin ang sarili ko. Gusto kong makalimutan ang lahat ng nangyari kanina. Lalo na 'yong mga sinabi ni ate Dein.
Wala sa sarili akong natatahimik sa tuwing naaalala ko ang mga iyon. Nawawala ako sa sarili. I can't focus. Why am I like this? Ano bang nangyayari sa akin? Tila may nakabaon na tinik sa dibdib ko. How can I remove it?
“Just listen to my story na lang. Hindi ko pa pala sa iyo naikuwento iyong nangyari sa car racing bago ako maaksidente...”
Umiling ako at bumuntong-hininga. Ayokong marinig ang kuwento niya. Dahil alam ko na kapag nagsimula na siyang mag-kuwento ay wala ng preno ito. Nakakabanas lang.
“Aqi, I'm begging you. I don't want to hear your blah blah stories. Manahimik ka na lang diyan o 'di kaya get your laptop... samahan mo na lang akong maglaro!” walang ganang sagot ko sa kanya.
“No! This is interesting, kuya.”
Napailing na lang talaga ako at kasabay niyon ang pag-inom ko ng tubig. Hinayaan ko na lang si Aqi kung anong gusto niyang sabihin. Titiisin ko na lang ito kahit pa nakakarindi.
“Bago magsimula iyong race, may nakita akong magandang babae ro'n. As in, sobrang ganda at ang sexy pa. Medyo may pagkamasungit pero puwede na!”
Sandali ko itong pinagtaasan ng kilay. “Hindi ko alam kung bakit ang hilig mong tumingin sa mga babae...”
“Listen first, kuya! Inaya ko siyang makipag-race sa akin. Ang sabi ko sa kanya, kapag nanalo ako, anong premyong matatanggap ko? Alam mo ba kung anong isinagot niyong babae?” Tila tuwang-tuwa pa ito habang nagkukuwento.
“Ano?” simpleng tanong ko sa kanya.
“Ang sabi niya, ‘do whatever the fuck you want’.”
Nang dahil sa sinabi niyang iyon ay pareho kaming nagpakawala ng tawa. Hindi ko alam pero natawa ako. Dahil iyon siguro sa kung paano nito ikuwento ang mga pangyayari.
“Hindi naman siguro halatang hostess ang babaeng iyan,” pagbibigay ko ng opinyon nang hindi ito nililingon. Nanatili ako sa paglalaro ko.
“Hindi kuya, eh. Para bang... silent but deadly ang datingan niya. Sobrang sungit pero pamatay ang titig. Inaamin kong magaling siyang mangarera. Ang kaso, 'yong kotse ko naman ang nagkaproblema kaya hayun, sinadya niyang ibangga iyong kotse niya sa puno. Medyo makitid ang utak. Ewan ko ba... gusto niya na yatang magpakamatay, eh!”
Wala sa sarili akong nagtaka. Hindi ko alam kung bakit gusto kong tanungin ang kapatid ko tungkol sa babaeng nakasama niya sa karera. “So, how is she? Buhay pa ba siya? May balita ka ba sa kanya?”
Napansin ko ang pag-iling nito. “Wala, eh. Pero sana okay lang siya. Ang balita ko lang, nawalan siya ng malay no'ng bumangga siya sa puno. Nahirapan din ang mga rescuer dahil naipit iyong kanang paa niya. Ano kayang nangyari sa kanya? Siguro na-injured 'yon...”
Hindi ako nakapagfocus sa nilalaro ko. Nang dahil doon ay napatay ako ng kalaban. Agad akong nagtaka. Hindi ako sigurado sa iniisip ko pero parang si Nicole ang tinutukoy niya. Siya ba talaga iyon o nagkakamali lang ako?
“You're talking about Nicole Arcueda?”
Napalingon kaming dalawa ni Aqi nang bumukas iyong pinto. Si ate Dein pala iyon. Himala, katatapos lang nitong mag-rounds. Sa ngayon, dito lagi ang diretso niya upang mamahinga. Para na rin mabantayan itong si Aqi.
“Nicole? Hhmm... I am not sure about her name. Hindi ko naitanong kung anong pangalan niya, eh,” nakangusong sagot ni Aqi habang nakatingin kay ate.
Ibinaba ni ate iyong stethoscope sa mesa. “Yup! You're talking to her. Nicole ang pangalan niya. Nagkaroon lang ng kaunting problema sa paa niya. She's still injured at nagpapagaling pa rin. Malapit lang ang room niya mula rito, halos sabay lang din kayong naisugod sa ospital nang mangyari ang aksidente.” Saka inalis ni ate 'yong puting gown niya. “Get some water, nauuhaw ako...” sambit sa akin ni ate.
Agad naman akong tumayo para ikuha ito ng tubig. Ibinigay ko naman sa kanya iyon nang mapuno na at bumalik sa pagkakaupo sa couch kanina. Hindi ko pinansin ang mga sinabi ni ate. Nanatili akong tahimik. Ngunit tama nga ang inakala ko. Si Nicole nga iyong kasama ni Aqi sa aksidente.
“Kaya... Aqi, you should thank Nicole dahil sa pagligtas niya sa iyo. Siya ang mas napuruhan sa inyong dalawa. Minor injuries lang ang natamo mo, pero siya... look, about more than a month pa bago mag-hilom ang nangyari sa paa niya,” pagpapatuloy ni ate.
Habang nakikinig kay ate, ngayon ay unti-unti ko nang nalalaman kung ano talagang ang nangyari sa kanilang dalawa ni Aqi. Kung ganoon, mapapatagal nga ang paggaling niya.
“Yeah, I want to see her before my discharge tomorrow. Gusto kong magpasalamat sa kanya. And I want to see her pretty face also.” Nag-angat pa ito ng tingin sa kisame at napangiti pa. May tama na ang kapatid ko sa babaeng iyon.
Ikinatawa iyon ni ate Dein. “How about you, Axl? How's it going?”
“What do you mean?” malaming na tanong ko sa kanya.
“Kuya, ate is talking about you and ate Nheia. Wala na bang bago sa relasyon niyong dalawa?” singit ni Aqi. Isa pa itong kunsintidor na hindi ko nagugustuhan.
I sighed. “We are not in a relationship, Aqious.”
“But why? You two are dating, right? Ang labo niyo namang dalawa! Kung ako sa iyo, pagkatapos kong gumraduate ng college, pakakasalan ko na si ate Nheia.”
Napa-irap ako sa kawalan. Hindi ko pa rin sila tinatapunan ng tingin. “Marry her then. Gusto mo naman pala siya, eh!”
“Axl... alam naman naming hindi madali ang pakikipagrelasyon sa isang tao. We are not forcing you naman, eh—”
Dahil doon sa narinig kong sinabi ni ate ay pabagsak kong naisara iyong laptop ko. “Really?” nakangising sagot ko.
Tumayo ako at inilagay sa bag iyong laptop ko. Sa tingin niya hindi niya ako minamadali? She's wrong. Simula't sapul, kung anong desisyon nina mama at papa ay sumasang-ayon lang siya. She didn't even consider my feelings here.
“Axl! We are not done talking yet!” sigaw ni ate nang makita ako nitong naglalakad patungo sa gawi ng pinto. “Axl!”
Nakalabas na ako. Hindi ko na ito pinakinggan pa at hinayaan ko na lang ito sa mga gusto niyang sabihin. Naiirita ako na para bang gusto kong magwala at ibuhos ang kung ano man ang tunay na nararamdaman ko.
Really? She's not forcing me to love Nheia? Hahaha! Nakakatawa!
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart [COMPLETED]
RomanceFormer Title: My Secret Heart Hindi akalaing magiging misteryoso ang buhay ng dalagang si Nicole Ayesha Arcueda nang pumanaw ang kanyang minamahal na ama. Noon pa man ay papa's girl na ito kung ituring ng kanyang ina. Hindi maipinta ang galit sa pus...